CHAPTER 2: POISONED

686K 21.4K 11.2K
                                    

Chapter 2: Poisoned

Nang sumapit ang lunes ay nagkita na kami ni Gray sa klase. His seat was behind me at panay ang bulong niya sa akin tungkol sa kaso.

"Hey, ipagpatuloy natin ang pag-iimbestiga," he said at tumango lang ako sa kanya.

"Do your investigations with the cafeteria staff," bulong niya ulit sa akin at muli lang din akong tumango. The teacher arrived at hindi na niya ako kinausap pa.

Kinalabit naman ako ng katabi kong si Jeremy. "Amber, kilala mo si Gray?" he asked in a low voice since nagsisimula na ang klase.

"Parang gano’n," sagot ko sa kanya. I don't really feel like talking today kaya lang nahihiya ako kay Jeremy. He's a nerd at kaunti lang ang kumakausap sa kanya at kaunti lang din ang kinakausap niya. Good thing I'm one of those few. Hindi na ito nagsalita pa at nakinig na lamang sa klase.

Nang sumapit ang break ay muli akong nilapitan ni Gray. He showed me his little notebook at pinakita sa akin ang ilan sa mga pwede kong itanong sa staff. I raised my brows to him. He probably thought I'm so stupid not to formulate questions of my own, duh.

"Alam ko ang ginagawa ko, you don't have to show me those questions, silly," wika ko sa kanya at nilagpasan siya. Uh, I really hate his guts. 

Nagtaka naman ang mga classmates namin kung bakit "close" na kami gayong wala ako noong unang araw na pumasok ito. Both of us never said a word. We both wanted to investigate the case silently. Agad akong nagpunta sa cafeteria at nagtanong tungkol kay Sylvia.

"Alam mo, tinanong din ako ng pulis kung nasaan na si Sylvia eh, teka, siya ba ang suspect?" bulong ng isa sa staff sa akin na si'yang nilapitan ko.

Umiling naman ako. "Hindi po. May itatanong lang po sana ako."

"Ah gano’n ba? Naku, ewan ko bakit hindi siya pumasok ngayon," wika nito. What? Sylvia didn't show up? Hindi kaya may kinalaman talaga siya sa nangyari and probably she's hiding now?

"Talaga po?" tanong ko. "Madalas po ba si'yang mag-absent sa trabaho?"

Umiling ang babae. "Hindi. Ang sipag nga no’ng batang iyon. Malinis at maayos magtrabaho. Pero nitong mga huling araw parang wala sa sarili, may problema yata."

"Ilang araw na po ba si'yang ganun?" tanong ko ulit.

Bahagya namang nag-isip ang babae. "Simula yatang no'ng martes. Tama, no'ng martes, no'ng may pumunta ritong lalaki," wika nito. Napaisip naman ako. Lowie's case happened on Friday ngunit iba na ang kinikilos ni Sylvia martes pa lang. Maybe she's not really related with the case.

Dumami na ang mga estud'yante sa cafeteria kaya tinigil ko na ang pagtatanong dahil marami pa itong gagawin. Nagpasalamat naman ako sa babae bago umalis. I sat on one of the chairs at the classroom nang dumating si Gray at lumapit sa akin.

"I did some research about those guys Joey and Lowie," panimula ni Gray. Itinuon ko naman ang atensyon sa kanya. "None are helpful though." Mrs. Sera was also once a subject to our investigation but it seems like it's clear that she's not involved. We eliminated the possibility na siya ang may kasalanan.

"Nagtanong-tanong na rin ako tungkol kay Sylvia. Hindi siya pumasok ngayon at dati raw ay hindi naman siya nag-aabsent sa trabaho. And another thing, she's been acting strange since Tuesday," I told him. 

Gray massaged his forehead while thinking. "Did you notice something no'ng inabot nglalaki 'yong sulat kay Sylvia?"

Tumango naman ako. "Yes, the letter comes with something pero hindi masyadong nakita kung ano iyon." Things are really hard. Mahusay ang pagkakaisip ng salarin sa krimen nito. "Hindi kaya iyon 'yong poison?" I asked and he raised his brows. "Ibig kong sabihin, the letter was about putting poison on Lowie's food at kasama na doon ang lason."

DETECTIVE FILES. File 1 (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon