CHAPTER 27: THE VEILED WOMAN MYSTERY

493K 14.7K 7.9K
                                    

Chapter 27: The Veiled Woman Mystery

The camp was strenuous yet so much fun. That night we really had a feast at maaga na rin kaming pinagpahinga para sa byahe namin pabalik ng Bridle. Lulan na kami ng bus nang saglit akong nakaidlip. Nagising ako sanhi ng sikat ng araw dahil nakapwesto ako sa may bintana. I glanced at my watch and it was almost seven in the morning. The bus was not moving and I saw the the driver got off, kasama nito ang mekaniko. Nasa labas na rin ang ibang mga estudyante.

Great! While on the way, we're stuck in the checkpoint dahil sa bomb threat sa isang bus. Ngayon namang pabalik na kami, ang aming bus, the same bus used by section A was wrecked.

"Oh, what a piece of junk", wika ni Gray. Naghihikab pa ito at kinusot ang mata. "This bus doesn't look old but I guess it's fully depreciated."

Dumating si Sir Rolly at nagsalita mula sa harap ng bus. "Section A, please get off. Mukhang matatagalan pa bago maayos ang bus. The Section B's bus will be going back at doon muna kayo sasakay", wika nito at nagsimulang bumaba ang mga estudyante.

Nang makababa kami ay naghintay kami sa tabi ng daan. It wasn't a highway kaya madalang na may dumaan na sasakyan doon. The sides of the highway were rice fields at may mga nakatayong mga scare crow doon.

"The rice field is gold at naamoy ko na ang ani. Parang gusto kong magtatatakbo sa palayan", wika ko at pumikit nang umihip ang malamig na hangin.

"Really? You're not afraid of snakes?", tanong niya habang nakapamulsa.

Tiningnan ko siya ng masama. "Ahas? Meron ba iyon dito?"

Tumango siya bago sumagot. "Yeah, probably coming from the woods on the mountainsides, just like that one", he pointed something from my back at nang lumingon ako ay bigla na lang akong napasigaw ng malakas.

Isang magsasaka ang naglalakad patungo sa direksyon namin. Nakalambitin sa dala nitong taga ang isang malaking ahas. I felt the chills within me kaya napayakap ako sa likod ni Gray matapos sumigaw.

"You're cold", wika nito. Of course I'm scared kaya normal lang na manlalamig ako!

"Hala, natakot si 'neng, pasensya ka na. Itatapon ko lang naman itong napatay ko na ahas", wika nang magsasaka na may dalang ahas.

"Pasensya na din po kayo, takot sa ahas po kasi itong kaklase ko", Gray said to the farmer and he smirked at me. Nang makalayo na ang magsasaka ay hinarap niya ako. "Now go running in the rice field."

Mahinang hinampas ko ang braso niya. How would I know na may ahas pala doon? "Shut up Gray! It's not funny", wika ko. I hate snakes. I really hate snakes. He still chuckled at napatigil lang ito nang may tumigil na sasakyan sa harap namin.

Nang ibinaba ng driver ang bintana ay nakita ko ang nakangiting mukha ni Detective Tross.

"Silvan!", he said at tumingin sa akin. "Hey, your gir-", I frowned at him. "Er- I mean Amber is here too."

Lumapit si Gray sa bintana ng kotse. It wasn't a police car. Sa halip ay mamahaling modelo iyon ng kotse. "What are you doing here? You have a case?"

"Sort of but it's more likely a personal duty. I'm going to a friend's villa. May kababalaghan kasing nangyayari roon at sakto namang nasiraan pala kayo ng bus."

"We're from Olympus. Nag-camping kami and unfortunately, this happened", sagot ni Gray at itinuro ang aming bus.

Detective Tross let out a smile. "If that's the case, bakit hindi kayo sumama sa akin? It's Saturday at sigurado akong wala kayong pasok. You and Amber can come with me."

DETECTIVE FILES. File 1 (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon