CHAPTER 19: A BAD OMEN BECKONED BY A VOLLEY BALL

412K 15.2K 5K
                                    

Chapter 19:  A Bad Omen Beckoned by a Volleyball*

PE time namin ngayon at may volleyball tournament kami laban sa section C. I saw Andi grinning at me from the other side at napasimangot lang ako. She likes volleyball. Well, not me! Mas gusto ko pang magsolve ng maraming math equations kaysa maglaro ng volleyball!

Umingay ang paligid nang in-anunsyo ni Maam Saderna ang match ups. “The match will be boys vs boys and girls vs girls.” Not all 11-A are sporty kaya malaki ang tsansa naming matalo! Not to mention that 11-C students were known for being bully and harsh! Kadalasan kasi sa mga matitigas ang ulo ay doon nilalagay.

“Okay, the first match will be the boys. Ang mga physically unfit at may mga sakit ang mag-o-officiate sa laro. I will be the scorer, now move.” Tumayo naman ang mga lalaki at naghanda na. They assigned someone to be the referee samantalang si Jeremy naman ang naging umpire.

Hindi nagtagal ay tumunog na ang whistle tanda na malapit ng magsimula ang laro. Naupo na lang ako sa bleachers at nanood. Pinag-iba ng upuan ang mga spectators ng magkabilang section. Gray didn't play on the first half. Parehas na magaling ang dalawang section at hindi nagkakalayo ang score. Sa unang set ay nanalo ang section namin. Sa pangalawang set ay ang section C ang nanalo. Nang sumapit ang third set ay mas lalong gumanda ang laban. Everyone wanted to win lalo na ang section A. We wouldn't want to lose over section C. Magaling ang section namin at maging ang kalaban. They took several timeouts upang pagplanohang mabuti ang laro.

When the game resumes ay agad iyong tinira ng nag-serve. Tuloy pa rin ang magandang laro hangang sa malapit nang matapos ang laro. To be declared as winners kailangan na two points ang lamang ng isang team. Both scored 15-15 kaya't mainit ang laro. When the other section hit the ball, our section missed to hit it back kaya naging ahead sila ng one point sa amin. Kailangang pantayan namin ang score nila dahil kapag hindi na naman kami maka-score, it would mean victory to the other section.

Pumito ang umpire at ipinasok ang mga substitute at isa si Gray doon. Maingay ang gym at panay ang cheer ng mga kaklase ko sa section namin. Nagpatuloy ang laro at ni walang makahinga habang nagpalipat-lipat ang bola. Kinakabahan ang lahat dahil dito malalaman kung sino ang mananalo. Nang dumako ang bola kay Gray, everyone was shocked!

Sa halip kasi na i-toss niya ang bola at pabalikin sa kabila, he kicked it! He kicked it so hard at lumagpas iyon sa court at tumama sa bintana. The glass of the window broke! Pumito ang referee at sinabing nanalo ang kabilang section. Sighs of frustration was heard from our section pero walang nagreklamo dahil sa ginawa ni Gray.

Nang matapos ang laro nila ay lumapit siya sa pwesto ko. “You broke the window.” Tumingin siya sa direksyon kung saan tumama ang bola kanina.

“Are you mad that I let our section lose?” he asked. Umiling ako sa kanya. Bakit naman ako magagalit? Eh maging ako nga hindi marunong maglaro!

Tinawag na ang mga babae upang maglaro. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na mag-officiate sa laro kaya magiging player ako. Uh, I suck at this! Una ng naglaro ang mga magagaling. Marion was our star player. We won the first set at nang mag-second set na ay pumasok ako. All I have to do is hit the ball, yon na lang ang inilagay ko sa utak habang nasa court. Nagsimula na ang laro at hindi pa rin naman pumupunta ang bola sa direksyon ko. Thank God, it's cooperating! I just stood in the court at pinanood ang pagbalik-balik ng bola. I guess I'm not needed here. Nakatayo lang ako, I didn't even have contact with the ball.

“Ambeeeer!”

Napalingon ako sa pinanggalingan ng tumawag sa akin. Hinanap ng mga mata ko ang pinanggalingan ng boses nang bigla akong nakarinig ng isa pang tawag but this time, it was from Andi na nasa kabilang side ng court. Lumingon ako sa kanya ngunit biglang tumama ang bola sa mukha ko and the last thing I remember, the surrounding became dark at narinig ko ang mga sigaw nila bago ako nawalan ng malay.

DETECTIVE FILES. File 1 (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon