CHAPTER 14: THE TRANSFEREE

398K 14.4K 13.1K
                                    

Chapter 14: The Transferee*

Nang sumapit ang linggo ay muli na kaming sinundo ng yate upang makabalik na sa Bridle. I was too tired that night kaya hindi na ako nagpunta sa cafeteria upang kumain. Nanatili lang ako sa kwarto at natulog. Balik skwela naman kami ngayong lunes. Pagdating ko sa classroom ay nakapalibot ang mga kaklase ko kay Gray. They were asking about our weekend vacation.

Tsk. Tuwang-tuwa naman ito habang nagkukwento! Pasalampak na naupo lang ako sa mesa ko.

"How's your vacation Amber?" tanong ni Jeremy. As usual ay nagbabasa ito at hindi man lamang sumulyap sa akin nang magtanong.

"It's fine," tipid kong sagot hindi na ito muli pang nagtanong. Hindi naman nagtagal ay dumating na ang guro namin. She was with a pretty girl na nakasuot ng Bridle uniform. Nagbulong-bulongan ang mga kaklase ko. They were praising the beautiful student.

"Please be silent class," wika na ng guro."I would like you to meet your new classmate."

Tumayo sa harap ang babae at ngumiti sa klase."Hi, I'm Marion Valdez! I'm a transferee from London but I speak Filipino well. Nice to meet you all!"

Tila na-mesmerize ang mga kaklase kong lalaki. Paano ba naman, napakaganda ni Marion! And she's from London? Oh, she must be damn rich. She have short hair with reddish highlights. Maputi ito at nasa tamang hubog ang katawan. Not to mention that she's tall. She wore her Bridle uniform shorter than it should be. She looks like a model from a known magazine dahil sa ganda niya.

Sinulyapan ko sa likuran ko si Gray. He wasn't paying attention to the transferee, sa halip ay busy ito sa pagtetext.

"Hey, we have a transferee," bulong ko kay Gray. Nag-angat siya ng tingin at tiningnan sandali si Marion ngunit agad ding ibinaba ang paningin sa cellphone.

"Yeah, I've noticed too," sagot niya. Ano ba ang kinaaabalahan nito?

"She's pretty," wika ko.

"Tibo ka ba?," tanong niya ngunit nasa cellphone pa rin ang mga mata.

"What? Of course not!" I exclaimed. Tsk, what made him think that way?

"Hi, can I sit beside you?"

Napalingon si Gray sa nagsalita sa tabi niya. It was the transferee, Marion.

"Yeah, sure," Gray said at muling ibinaling sa cellphone ang mukha. Tsk, hindi man lang binati ang transferee!

"By the way, I'm Marion Valdez, ikaw?" nakangiting wika ni Marion kay Gray. Hindi man lang nag-angat ng tingin si Gray.

"Gray Ivan Silvan," he said.

Ang bastos naman nito! Gaano ba kaimportante ang katext nito at hindi man lamang sinulyapan ang katabi?

Sumingit na ako. "Pasensya ka na diyan kay Gray, araw-araw kasi yan may dalaw kaya ganyan. By the way, I'm Amber Sison," pakilala ko dito.

Bahagya namang tumawa si Marion."Marion Valdez."

Hindi na kami nag-usap pa dahil nagsimula na ang klase. Inalis na rin ni Gray ang atensyon sa cellphone at nag-focus sa klase. Hindi nagtagal ay tumunog na ang bell. Nang magbreak ay niyaya ni Marion si Gray na kumain.

"Gray, can we eat snack together? Nahihiya pa kasi ako dahil nga bago pa lang ako. I'll treat you," nakangiting wika nito. Ang ganda talaga nito.

Pasimpleng nilingon ito ni Gray bago ibinaling sa cellphone ang paningin. Tumayo na rin ako upang lumabas na ng classroom nang sinagot ito ni Gray.

"I'm sorry, what's your name again?," tanong nito.

"Marion, it's Marion Valdez," Marion said, still smiling. Oh Gray! Why are you so rude to such beautiful girl?

DETECTIVE FILES. File 1 (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon