CHAPTER 4: 911 EMERGENCY

575K 21K 9.4K
                                    

Chapter 4: 911 Emergency

Every first Wednesday of the month ay may community service kaming gagawin. Each community service is done by every year level sa Junior at Senior High School Department at Grade 11 ang naka-assign ngayon. And today, we're heading to a place called Sitio Pangas for our tree planting.

Maaga kaming gumising dahil aalis ang school bus ng alas singko ng umaga dahil medyo may kalayuan ang Sitio Pangas. Alas kwatro y media pa lang ay handa na ang mga estudyante sa quadrangle ng Bridle High. Nang sumapit ang alas singko ay umaandar na nga ang bus sa destinasyon namin. Kanya-kanyang tulog naman ang iba while others are chatting.

Pangdalawahan ang upuan ng bus kaya magkatabi si Andi at Therese at wala naman akong katabi. Tatlong bus ang inarkila ng Bridle para sa aming mga Grade 11. Dahil dalawang oras pa bago kami makakarating sa patutunguhan namin, napagpasyahan kong pumikit muna. I put on my headset at natulog saglit.

I don't know how long I have been sleeping, ngunit nang magising ako ay nakasandal pala ako sa balikat ng... ng isang lalaki?! Holy crap! Why on earth am I leaning on a man's shoulder?

And worse, it was Gray's!

Napatuwid agad ako ng upo. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. He smiled and greeted me good morning. I ignored his greetings at tiningnan siya ng matalim. "I said what are you doing here?"

"Uh, magte-tree planting," he said with sarcasm. Oh yeah, that's exactly why we're here.

"I mean anong ginagawa mo sa tabi ko?" tanong ko. May mga panahon talaga na gusto kong sakalin si Gray.

"Walang bakanteng upuan kaya dito ako naupo," wika naman niya. Binigyan ko siya ng masamang tingin, at hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na siyang tiningnan ng masama. Can't he just be killed with my death glares?

"Hey, stop that kind of look. You do not own this spot and you just slept on my shoulders, you should be thankful," he said. Uh, does he really have to remind me that I just slept on his shoulders?

"I didn't ask for it," wika ko sa kanya. I grabbed my headset na suot-suot pala niya and it was still connected to my phone na nasa bulsa ko. "Who told you to use my headset?"

Sumandal siya sa upuan. "Aside from being a detective, I'm a businessman. That's your payment for sleeping on my shoulder," he snapped at me. "You're into Bastille and Mayday Parade huh, interesting." He did listen to my music!

Hindi ko na siya sinagot dahil huminto na ang bus at pinababa na kami. Our teacher gave us instructions and safety precautions since aakyat kami ng bundok. When we're all set ay sumabay na ako kina Andi at Therese.

Nang dumating na kami sa destinasyon ay nagsimula na kami sa community service namin. Naging abala na ang bawat isa sa kani-kanilang ginagawang pagtatanim. It was almost noon at matirik na ang sikat ng araw. Nang sumapit ang oras ng tanghalian ay pinatigil na ang lahat para kumain. Pumunta naman kami sa katabing sapa upang maghugas ng kamay bago kumain. Sa kabilang bahagi ng sapa ay may pangpang. Out of curiosity at nilapitan ko iyon.

"Amber, let's eat," sigaw ni Therese akin. I was thinking which way to go, to lunch or there?

"Susunod na lang ako Rese," sigaw ko sa kanya. When she turned to her heels upon hearing my answer, tinahak ko naman ang daan palapit sa may pangpang.

I look down at the cliff. Mataas iyon at mabato ang ibabang bahagi. Anyone who will fall there would surely meet his death. Babalik na sana ako nang mapansin ko ang isang pulang motorsiklo. Tinago iyon sa pamamagitan ng mga dahon but I managed to see it. Wala iyong plate number.

DETECTIVE FILES. File 1 (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon