CHAPTER 17: DECIPHERED

426K 15.7K 3.7K
                                    

Chapter 17: Deciphered*

The next day ay bumalik kami nang maaga sa Bridle upang makapasok sa klase namin. Khael also went back to Athena. I was still haunted by the thoughts of what happened last night ngunit kailangan ko munang iwaksi iyon sa isip ko at ibalik muli sa normal ang buhay ko. Now, I am just the normal Amber Sison, a Grade 11 student whom they called nerd.

Dumiretso ako sa dorm at agad akong sinalubong ng mga tanong nina Andi at Therese kung saan ako nanggaling. Oo nga pala, hindi ko sila naitext kahapon. Speaking of text, wala na pala akong cellphone. That Apollo destroyed it. Nakakapanghinayang dahil hindi ko pera ang ipinambili nun. It was my parent's money kaya ako nasasayangan. Nandoon rin ang mga contacts ko though I memorized Mom and Dad's mobile number and our landline.

"Where have you been? Alam mo bang gumawa na lang kami ng fake pass slip mo and forged your signature upang hindi ka mapatawag sa office ng houseparent?", wika ni Andi sa akin habang nagbibihis.

"We've been calling you but you're out of coverage," dagdag ni Therese at gaya ni Andi ay nagbibihis rin ito.

I smiled at them at binuksan ang closet ko. "I'm sorry about it, I lost my phone. And thank you for covering up for me." Inihanda ko na ang extra uniform ko. Bago pa man kami bumalik sa Bridle ay naligo na kami sa hotel.

Nang nakapag-ayos na ako ay dumaan ako sa cafeteria and grab some milk and bread for breakfast. Matapos akong kumain ay dumiretso na ako sa classroom namin. Pagdating ko doon ay naroon na si Marion. Agad niya akong nilapitan nang dumating ako.

"Amber! Where have you been? Hinanap kita kagabi but you're nowhere to find", she said and pouted. I stared at her for a while at naalala ko kagabi, she said she likes Gray. And to think she was the daughter of a very rich man.

Marahil ay nabother ito sa pananahimik ko. She waved her hand in front of me. "Saan ka ba galing?"

I faked a smile at her. I don't feel like talking ngunit magiging bastos naman ako kapag hindi ko ito kinausap. "Nagpahangin lang ako at umuwi na."

"Thank God!", she exclaimed.

I rested my head on the table. I didn't have enough sleep last night. Maliban sa malapit ng maghatinggabi nang ihatid ako ni Zeus, ay hindi rin maayos ang tulog ko dahil sa mga nangyari sa akin. Nanghikab ako at pumikit nang biglang may bumulong sa tenga ko.

"Are you okay?"

Napatuwid ako ng upo. It was Gray. He felt that there is something wrong. Nang ihatid kasi kami ni Khael kaninang umaga ay hindi ko siya kinausap sa kotse hanggang sa dumating kami sa Bridle. Maging ng bumaba kami at pumasok na sa main gate hanggang sa maghiwalay kami papunta sa kanya-kanyang direksyon ng mga dorm namin.

Tumango lang ako sa kanya. Naupo siya sa likuran ko at tumabi kay Marion.

"Good Morning Gray! Thanks for last night!" magiliw nitong bati dahilan upang lahat ng atensyon ng mga kaklase ko ay napunta sa kanya. Last night? Naglandian marahil sila kagabi samantalang ako ay muntik ng mamatay.

Nag-isip na lang ako ng mga gagawin ko pagkatapos ng klase ko. Maybe I will go to the mall and buy a new cellphone o kaya ay aaliwin ko na lang ang sarili ko sa Timezone mamaya. O kahit saan basta wala si Marion at Gray! I'm annoyed by just seeing them. Ah, maybe because of what happened last night. God, hindi biro ang pinagdaanan ko!

"Salamat din pala sa paghatid mo sa akin kagabi ha?" narinig kong wika muli ni Marion. Uh, why does her voice seems so loud?! Ang landi-landi pa ng boses nito! Maaga pa lang nakakainit na ng ulo! I'm almost killed last night tapos sila?!!! Hinanap ba talaga nila ako?

DETECTIVE FILES. File 1 (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon