CHAPTER 35: THE CULPRIT IS A VAMPIRE?

472K 16.1K 8.7K
                                    

Chapter 35: The Culprit is A Vampire?

I woke up feeling halfway comfortable and halfway not. Nang tuluyan kong iminulat ang mga mata ko ay nagulat na lamang ako nang mapagtantong nakayakap ako kay Gray! Mabuti na lang at ako ang unang nagising kaysa sa kanya. Baka 'pag siya ang nauna ay nakakahiya! My head was on his arm at nakayakap ako sa beywang niya!

I took the liberty of using the bathroom upang maghilamos at magmumog. Nang lumabas ako ng banyo ay gising na si Gray. He looked at me with his messy hair. He smiled gently, uttered 'morning' at siya naman ang pumasok sa banyo.

Nang lumabas siya mula sa banyo ay inutusan niya akong suotin ang sapatos ko dahil aalis na kami. When we went out the room ay nakatayo roon si Cooler. I saw Gray threw him dagger looks.

"Where's the car that I've asked your father last night?" tanong ni Gray kay Cooler. He's cold and he refused to look him. Your father. He addressed Cronus, their father as 'your father'. Mukhang hindi pa nito matanggap ang ama at kapatid.

"I hope you will consider his proposal. You're still a Vander after all," wika ni Cooler.

"Stop talking nonsense. Sinagot ko na 'yan kagabi," buo ang desisyon na wika ni Gray. I remained standing behind him.

I heard Cooler sighed. "The car's waiting outside. Hindi ba muna kayo kakain?"

"No thanks," Gray said at tiningnan ako upang sumunod sa kanya. Nang humakbang na siya ay sumunod ako sa kanya but Cooler held my arm.

"Amber can we talk?" he asked me at nagulat na lang ako nang hilahin ako ni Gray palapit sa kanya, causing me to free from Cooler's grip.

"No you can't," he said at nakipagsukatan ng tingin kay Cooler.

Cooler grabbed me again but Gray held tightly kaya hindi ako nahila ni Cooler. Magkapatid nga sila, they're both hardheaded and stubborn. I winced in pain when they both grabbed my arms. Hindi ako lubid ng tug-of-war upang hilahin nilang dalawa!

"I'm sorry," wika ni Cooler at binitawan ako. Hindi na ako nakasagot pa dahil hinawakan ako ni Gray sa kamay at bumaba na kami sa hagdan at lumabas ng mansion.

"I know you don't want to be back to Bridle wearing that dress, you can go with me at our house," wika ni Gray sa akin nang lulan na kami ng kotse. Sa bahay mismo nila? Pumayag ako at sinabi na niya sa driver iyon.

Hindi nagtagal ay ipinatigil ni Gray ang kotse sa harap ng isang napakalaking bahay. It may not be as huge as the Vander mansion kung saan kami galing, but it was also huge enough. There was a sign at the side of the gate, Iverone Silvan, Attorney at Law. Bumaba na kami ng kotse and he rang the doorbell.

"Who's Iverone Silvan?" I asked him at itinuro ang sign sa tabi.

"My mom," sagot niya. What? His mom's a lawyer?

"I thought she's a police detective," wika ko and he nodded.

"Yeah, she was," sagot niya. "It's just lately when she pursued law and eventually passed the bar exam."

Binuksan ng isang matandang babae ang gate. "Ivan! Nako, anak! Na-miss ka na namin," she said niyakap ng mahigpit si Gray. Tuwang-tuwa ito nang makita si Gray.

Gumanti naman ng yakap si Gray dito. "I missed you more Nana. Nandiyan ba sina Mommy?"

"Si Arvie nandoon yata sa Singapore, at si Ivy naman, mukhang abala sa hinahawakan niyang kaso ngayon," wika ng katulong. She glanced at me at saka pa lamang niya ako napansin.

"Ivan, anak? Mag-aasawa ka na?" Lumapit siya sa akin at kinilatis ako mula ulo hanggang paa.

"Hmmm, hindi na masama. Maganda rin naman, tisay, makinis ngunit anak, ang bata-bata mo pa," sabi niya matapos akong i-assess.

DETECTIVE FILES. File 1 (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon