CHAPTER 16: THE PERILOUS MASQUERADE (Turmoil)

369K 14.8K 3.8K
                                    

Chapter 16: The Perilous Masquerade (Turmoil Chapter)*

Who the hell is this Zeus? Siya ba ang kikitil sa buhay ko? I bowed my head and muttered my silent prayers. My breathes were heavy at hindi ko maayos na naigagalaw ang kamay ko. Masakit na rin ang paa ko dahil sa sapatos. Lumapit ang lalaking tinawag na Zeus at inangat ang mukha ko. Napapiksi ako sa ginawa nito kaya agad niya akong binitawan.

"Hindi ba't bilin ni Cronus na wag kayong magdadamay ng mga ordinaryong tao?," he said. Hindi ko masyadong matukoy ang boses niya dahil sa suot na mascara na nakatabing sa buong mukha niya.

"She got in the way at nang papatayin ko na sana siya, namukhaan ko siya so I brought her along," wika naman ni Apollo.

Bumaba ang mukha ni Zeus at tiningnan ang mga pasa ko na mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Apollo. "Damn you Apollo, what have you done?," wika nito na buo ang boses. Hinawakan niya ang braso ko at tiningnan iyon ng maayos. "And you're going to kill her? It's not your job."

Sumandal sa pasamano ng hagdan si Apollo. "Hindi ko alam na malambot pala ang babaeng yan. Maybe that's normal since maputi siya. So what are you planning to do with her bago siya ipaubaya sa mga reaper?"

Nagulat ako sa sinabi nito. So, I will really be killed at pinapahaba lang ng Zeus na ito ang mga oras bago ako patayin. And what's with their names? Cronus? Zeus? Apollo? Those are names in the Greek Mythology. They are using codenames to hide their true identity.

"No, we will not kill her. We'll let her live," Zeus said.

"But she saw the transaction at pwedeng isuplong niya tayo sa autoridad!," protesta ni Apollo.

Hinawakan ako ni Zeus. "Since when are we afraid of the law?"

Umiling si Apollo. "Ngunit kahit na! She already knew about the existence of Mafia!"

Hinila ako ni Zeus paakyat ng hagdan. "Let's end this conversation. Ako na ang bahalang maghatid sa babaeng ito pauwi mamaya kung saan man siya. Mas mabuting ngayon ko na siya ihatid dahil madilim pa at hindi niya maaninag ang daan patungo rito. I know she loves to put herself into danger. Give me the key."

"But Zeus!," wika ni Apollo. "Fine! I hope you won't regret such decision at wag mo sanang ipahamak ang mafia." Inihagis niya ang susi ng posas at tinanaw kami habang papalayo.

"Goodnight Apollo," wika nito at nagtuloy-tuloy na sa pag-akay sa akin paakyat sa mahabang hagdan. It was a grand staircase, alright. Bakit ba pakiramdam ko ay kilala ko ang lalaking ito? His physique, his clothes, I think I really knew him. He said he knows that I love to put myself into danger. Ibig sabihin ay kilala niya din ako.

"Sino ka ba talaga? Bakit pakiramdam ko ay kilala kita?," tanong ko sa kanya habang hawak-hawak niya ako. Lumiko siya sa kanang bahagi at binuksan ang isang pinto. A large room welcomed us. The room was a shade of gray at panlalaki ang disenyo. Sobrang laki niyon at kompleto sa gamit. May mga collections doon ng bola, mula sa maliit hanggang sa malalaki. There were baseball, bowling, pingpong, tennis, football, basketball at soccerball. There were lots of ball there ngunit wala akong napansin na volleyball. Ang pinakamarami ay ang soccerball. Lahat iyon ay maayos na nakalagay sa malaking shelf na may salamin. There were also a lot of books.

"You need not to know my identity," wika nito at pinapasok ako. Iginiya niya ako paupo sa kama habang pumasok ito sa isang pinto. Nang muli itong lumabas ay may dala itong maliit na palanggana na may mainit na tubig at bimpo.

He sat beside me at tinanggal ang posas sa kamay ko. Hinawakan ko naman ang balat ko na nagkapasa dahil sa posas at matinding paghila sa akin ni Apollo kanina. Hinawakan niya ang braso ko at sinimulang punasan gamit ang bimpo at mainit na tubig.

DETECTIVE FILES. File 1 (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon