CHAPTER 21: MATHEMATICAL EQUATION

451K 14.9K 5.7K
                                    

Chapter 21: Mathematical Equation*

The fear of Rapunzel's nightmare vanished that day we identified the culprit behind it. Janine's conduct was really a selfish one. I've realized na hindi porket nawala ang isang bagay sa iyo ay may karapatan ka nang kunin ang mga bagay nawala sa iyo mula sa iba upang maging pantay kayo. Sa ngayon ay malinaw na ang Bridle. Wala ng mga nangyayaring kababalaghan o kung anu-ano pang mga bagay na pinagkakaguluhan ng mga estudyante at- bigla na lamang may bumangga sa akin dahilan upang mahulog ang mga dala kong art materials.

"Bilisan mo! Marami nang tao sa bulletin board," wika ng babaeng bumangga sa akin. She was talking to someone na nagmamadali rin at ni hindi man lamang nila ako tinulungan!

At binabawi ko na ang sinasabi kong walang pinagkakaguluhan sa Bridle dahil ang mukhang nagkakagulo yata sila ngayon papunta sa Bulletin board! Tsk! Hindi pa naman posting ng honor roll ah, bakit sila nagkakagulo roon? There might be an important announcement. Hindi na ako nakipagsiksikan pa sa ibang mga estudyante at dumiretso na lamang sa klase ko.

It's our art class at abala ang mga kaklase ko sa ginagawa nilang clay model. May mga gumagawa ng ibat-ibang hayop out from clay. Gray was making an elephant out from his clay. Sa row ko naman ay mosaic ang pinagawa sa amin. The first mosaic I made was out from a broken glass. Nabasag kasi kahapon ang transparent green vase ko and that's when I decided to make a mosaic out from that shattered pieces ngunit hindi iyon natuloy dahil nagkasugat-sugat ako. That's when I decided to make another from buttons. Puno pa tuloy ng band aid ang tatlong daliri ko sa dalawang kamay!

I sat down at binati si Jeremy. "Hi Jeremy!"

Tumango iti sa akin at patuloy lang sa ginagawa. He's making a mosaic from eggshells at dahan-dahan ito sa ginagawa.

Binati naman ako ni Marion. "Hi Amber. What happened to your hands?"

Itinaas ko ang puno ng band aid kong mga daliri. "Ah, this? Sinubukan kong gumawa ng mosaic mula sa nabasag na vase kahapon kaya nagkasugat-sugat ako."

I saw Gray glanced at my fingers at kumunot ang noo nito. "Mosaic from shattered glass? That's so stupid."
I mentally rolled my eyes. "It's being creative, idiot!"

"You should be extra careful. May 2-day camp pa naman tayo. You will not enjoy it if you get yourself injured," wika ni Marion. Sabay naman kaming napaangat ng tingin ni Gray. What did she just say? A 2-day camp?

"Hey. Why are you giving me such look? Don't tell me na hindi niyo alam ang tungkol doon?" tanong nito. Sabay din kaming umiling. "Hindi niyo alam yun? You're staying at the dorm right? Don't tell me na hindi niyo iyon nakita sa bulletin board?"

Sabay ulit kaming napailing ni Gray. "Ah! You're impossible." Marion exclaimed. Kung gayon ay iyon pala ang pinagkakaguluhan ng mga estudyante sa bulletin board.

"Para sa mga STEM. Bukas na kasi since ang mga ABM ang susunod," wika niya.

"Saan naman pupunta?" tanong ko. Ayaw ko sa mga outdoor camps at activities na yan. Naalala ko tuloy ang community service namin dati. Ah, I'm almost killed back then!

Marion shrugged her shoulders. "I don't know."

Hindi na kami nakapagtanong pa kay Marion dahil pumasok na ang adviser namin na si Ma'am Mendez. She was holding some papers nang pumwesto siya sa harapan. She smiled as she waved the paper in the class. "I know you already knew about this dahil ipinaskil na ito sa bulletin board but let me tell you the details of this 2-day camp."

Nagkagulo ang mga kaklase ko. They were very excited about it. Nag-apir at fistbump pa ang mga lalaki sa tuwa samantalang pumalakpak naman ang mga babae.

DETECTIVE FILES. File 1 (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon