Chapter 12: Breakfast
Maaga akong nagising kinabukasan. Malamig ang simoy ng hangin at naririnig ko ang mahinang hampas ng alon sa dalampasigan. Nasulyapan ko si Gray sa tabi ko. May unan pa rin sa pagitan namin at nakadapa ito sa kama. Bumangon ako at napagpasyahang maligo sa dagat. Hindi pa masyadong maliwanag ang sikat ng araw kaya naglakad na ako papunta sa dalampasigan at naligo.
Pagbalik ko ay natutulog pa rin si Gray kaya naligo na ako sa banyo. Matagal-tagal din akong naligo at nang nakatapis na ako ng tuwalya, saka ko lang naalala na hindi pala ako nagdala ng damit pambihis sa banyo kaya kailangan ko pang lumabas. Paglabas ko ay gising na si Gray. Nakaupo ito sa kama habang hawak-hawak ang ulo.
"Wag kang lilingon," wika ko ng lumabas sa banyo. At gaya ng sabi nila, masarap gawin ang ipinagbabawal, lumingon ito.
Nagtagpo ang kilay nito bago umiwas ng tingin. "Tsk, ano naming itinatago mo dyan?" What the hell! Ano bang problema niya sa katawan ko?
"Wala kang paki. Basta wag kang lilingon ulit if you don't want to feel my punch this early," banta ko sa kanya habang kumukuha ng damit sa maleta ko. I heard him mumbled something bago ako tumakbo pabalik sa banyo upang magbihis. Nang matapos ako ay nakaupo pa rin siya sa kama at minasahe ang ulo. Maybe he has a hangover.
"Maligo ka na, titimplahan kita ng kape kapag tapos ka na," wika ko sa kanya bago lumabas ng kwarto. Nagtungo naman ako sa kusina upang maghanda ng agahan. Naalala ko kahapon na nasa fridge ang lahat ng stocks doon. Tinungo ko ang fridge at binuksan but it can't be opened dahil nakalock pala iyon.
What?! Nakalock? I'm positive na binuksan ko ito kahapon and it wasn't locked.
Gumawa na lang ako ng kape. Namataan ko naman ang isang laptop sa mesa. I don't remember na may laptop dito kagabi, paano nagkaroon nito ngayon? I pressed the space bar at may nag-pop up doon. Hinintay ko na lumabas ng banyo si Gray. Hindi naman nagtagal ay lumabas na si Gray. I handed him a cup of coffee at nagpasalamat ito.
"Gray, look at this," wika ko sa kanya at pinakita ang nasa laptop. It says:
"Good Morning Gray and Amber! I hope you are enjoying your stay. If you want to open the fridge, crack the codes and follow to have the key. If you can't, you may have your breakfast on the nearby island using the credit card! Enjoy!"
-AB"He really loves codes and riddles that much, eh?" wika ko kay Gray. He drank coffee from his cup at naupo sa harap ng laptop. "Well, why don't we try it?" Sinimulan na niyang tingnan ang mga naroon. Naupo naman ako sa tabi niya matapos makahanap ng papel at panulat.
Find the clues:
D.B. "TDVC," chap. 98, p. 528
What was that supposed to mean? And what's with this activity? Gusto ba ni Sir Arman na mag-Amazing Race kami ng ganito kaaga? Anong klaseng clue ba ito?
"Is it referring to a book? Chap. 98 stands for chapter 98 right? And p. 528 means the page," wika ko. Gray stared hard at the monitor.
"I guess so. Ngunit anong libro? He surely has a thousands of books here," wika niya.
Napakarami kasi talagang libro doon sa may mini-library study ng resthouse ni sir Arman. "D.B.? Do you know any author who have the initials D.B.?"
"Dan Brown?" tanong ko and Gray's eyes sparked.
"Right. Dan Brown's The Da Vinci Code. TDVC stands for The Da Vinci Code. Let's find that book in the study," he rose from his seat and we both hurried to the study room. Agad naming hinanap ang libro and opened it to page 528. May mga salitang binilogan doon.
BINABASA MO ANG
DETECTIVE FILES. File 1 (Published under PSICOM)
Mystery / ThrillerCrimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)