Nakatulala ako habang nakadungaw sa labas ng bintana dito sa loob ng aming silid. Ilang araw na rin kasi ang lumipas simula ng opisyal kaming maging mag-on ni Chase. Hanggang ngayon kasi parang panaginip pa rin ang lahat. Ang hirap pa din paniwalaan na ako ang nakapagpatino sa dakilang babaero ng paaralan naming ito.Aba! Never in my wildest dream kong pinangarap ang magka-boyfriend pero tingnan mo naman kung nasaan ako ngayon? Ako pa itong happily inlove at naka in a relationship samantalang si bessy na searching na naman ng bagong jowa ay wala pa ding mahanap.
Mukhang tama nga silang kusa na lang kakatok ang pag-ibig sa iyong pintuan. Hindi mo kailangang magmadali dahil lahat ng bagay ay dadating sa tamang panahon.
Pero, tamang panahon na ba ito? Siya na ba ang lalaking makakasama ko panghabangbuhay? Masyado pa kaming bata para umabot sa ganoon pero kung suswertihin, sana nga ay kami na lang talaga hanggang dulo.
Napabuntong-hininga ako nang may biglang pumasok sa aking isipan. Malapit na ang graduation nila Chase. Ilang araw na lang ang bibilangin at lilisanin niya na ang paaralang ito at maiiwan ako dito.
Nag-uumpisa pa nga lang kami mukhang kailangan na namin agad maghiwalay. Kakayanin kaya namin yung Long Distance Relationship?
Nagising ako mula sa malalim na pag-iisip nang mahimigan ang boses ni Chase sa labas ng aming silid. Agad akong lumingon at mukha niya ang agad na nakita.
Awtomatikong sumilay ang ngiti sa aking labi ng lakarin ko ang pagitan naming dalawa. "Hi be!" Di ko pa rin mapigilang kiligin sa tuwing tinatawag ko siya sa endermeant naming dalawa na 'be'. Honestly, nababaduyan ako pero kapag si Chase na ang tumawag 'nun sakin, mas nagiging lalaking-lalaki siya sa paningin ko tapos nakakaturn-on din siya.
Agad kong nalanghap ang panlalaking pabango ni Chase nang makalapit ako sakanya. Sobrang bango nito at isa ito sa mga dahilan kung bakit ako nahuhulog lalo sakanya. Naghalo kasi ang natural niyang amoy at ang amoy ng kanyang pabango kaya nakakadagdag ito sa pogi points niya! Ayan! Di ko na naman mapigilang isa-isahin ang mga bagay na nagugustuhan ko sakanya.
"Ano?" nagkunwari akong seryoso at nagtataka para hindi niya mahalata ang tinatago kong kilig sa aking katawan. Para na nga akong mauutot na ewan. Yung t'yan ko parang binabayo na naman at mistulang may nagpa-party na dragon sa loob.
Sumungaw ang isang matamis na ngiti sakanyang labi bago niya inilabas ang isang rosas sakanyang likuran. "Fresh flowers for Milady." napatitig ako sa pulang rosas na hawak niya at makailang segundo lang ay naramdaman ko ang pamumula ng aking pisngi.
Kinagat ko ang ibabang bahagi ng aking labi para pigilan ang pagsilay ng ngiti mula rito. "Para saan na naman ito?" Binigyan niya na kasi ako ng isang bouquet ng rosas at tsokolate nung isang araw, kinaumagahan naman ay nagbigay ulit siya ng isang rosas hanggang sa mga sumunod na araw, pero iba't-ibang kulay ang binibigay niya. Plano niya atang makabuo ako ng rainbow colored na palumpon ng mga rosas. Sa tuwing tinatanong ko naman siya wala akong makuhang matinong sagot.
BINABASA MO ANG
PERVERT MEETS SADIST(COMPLETED)
RomanceA never ending struggle between Chase and Shane's love story. Will they be able to surpass this and live happily or they'll end up having a sad love story? COMPLETED|| BOOK II ON-GOING|| UNDER REVISION|| NO SOFTCOPY