CHAPTER 11: Christmas Break

102K 1.8K 222
                                    


★⋆★CHASE★⋆★

"Hijo! Salamat ha, nandyan ka para sa anak ko." sensirong pasasalamat sa akin ng mommy ni sadist. 

Nandito na kami ngayon sa bahay nila at naikwento ko na sakanila ang lahat. Wala akong pinalagpas na maliit na detalye maging ang katangahan ng anak nilang idiniin ko pa talaga sa pagkukwento ko. 

Naiyak si tita because of what she heard at si tito naman ay naikiyom nalang ang mga kamao dahil sa galit. They said that they wanted to file a case against Jason and I 100% agreed to them. Yun din naman ang gusto ko, ang makulong sa likod ng rehas ang tarantadong lalaking yun! 

"Alis na po ako." paalam ko sakanilang dalawa. 

"Sige Chase. Maraming salamat ulit. Mag ingat ka pauwi." tango lang ang isinagot ko kay tita, tsaka kinuha ang bag sa sofa at isinukbit ito sa aking balikat. 

Agad akong lumabas ng bahay nila at inihatid pa ako ni Nana Sabel sa may gate. Lumingon pa ako sa bahay nila sadist partikular na sa gawi ng kwarto niya. 

Parang ayoko pang umalis at iwanan siya sa kwarto pero hindi naman ako pwedeng manatili sa bahay nila. Gustuhin ko mang alagaan siya at bantayan sa pagtulog ay hindi rin maaari. I am not his boyfriend nor his friend to do that. I am just his fvcking enemy who cares about her so much. 

I know she never considered me as one maybe I am just a nobody while she's starting to become somebody to me. 

Monday morning at expect ko na talagang hindi papasok si sadist at ang mga magulang nito ang pupunta sa school namin. Dire-diretso silang pumasok sa loob ng Principal's office for the secon time around. They look so serious and never cared about the students who stares at them on the hallway.  

Napuno ng bulungan sa hallway pero hindi na ako kumibo pa. Ang mahalaga lang sa akin ay hindi kumalat ang nangyari kay sadist dito sa school namin. Ayokong pag chismisan siya ng mga estudyante lalo pa't hindi maganda ang dating nito para sakanila. 

It took an hour bago sila lumabas ng Principal's office. Agad na natahimik sa hallway nang dumaan sila at ng makalagpas ay tsaka lang ulit sila nagbulungan. Sinundan ko lamang sila ng tingin hanggang sa makapasok sila sa kotse at umalis na.

Agad na lumapit sa kinaroroonan namin ang isa sa mga babaeng chismosa sa room at sinabi nitong i'eexpel sa school na ito si Jason. My classmates were in shock when they heard it samantalang ako'y nanatiling tahimik. 

"While Bianca, Fani and Jean will be suspended." iba't-iba ang naging reaksyon nila dito. Ngayon naman ay iisa lang ang tanong nilang lahat. 

Bakit sila sinuspende ng Principal?

Nagawa kong maikwento kay Cris, Eric at Ken ang nangyari kay sadist. Mapagkakatiwalaan ko naman silang tatlo kaya hindi ako nagdalawang -isip na magkwento. 

"Fvck that asshole! Nagawa niya talaga yun kay Shane?! He needs to be put in prison or kung hindi naman, patawan ng hatol na kamatayan para matauhan ang tarantado!" now look who's talking. . .

Parang kailan lang ay galit na galit sila kay sadist pero ngayon naman ay kampi sila dito. 

"Wag lang talagang mag krus ang landas namin ng hay*p na yan! Mababalatan ko siya ng buhay!" gigil na lintanya ni Eric habang pinagtutusok ang hotdog sa plato niya. 

Natawa ako sa ginagawa niya kaya kinutusan ko siya. Napadaing siya sa sakit sa bunbunan pero hindi naman gumanti sakin. 

Ipinagpatuloy na lang ulit namin ang pagkain habang patuloy sa pag uusap tungkol naman sa ibang bagay.

PERVERT MEETS SADIST(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon