CHAPTER 12: The Christmas Present

75.2K 1.4K 79
                                    

✤⁑SHANE⁑✤

Makalipas ang ilang araw ay unti-unti na ring nagiging maayos ang kondisyon ko. Sabi nila nagkaroon daw ako ng PTSD o Post Traumatic Stress Disorder kaya noong mga naunang araw ay madalas akong dinadala nila mommy sa hospital para ipatingin sa isang specialist. Pinayuhan ako nitong manatili sa tabi ng isang kaibigan o di naman ng kapamilya. 

"Social interaction with someone who cares about you is the most effective way to calm your nervous system, so it's important to find someone you can connect with face to face—someone you can talk to for an uninterrupted period of time, someone who will listen to you without judging, criticizing, or continually being distracted by the phone or other people. That person may be your significant other, a family member, or a friend."

Natandaan ko pa ang eksaktong sinabi ng doctor sa akin noon kaya nanatili si mommy at daddy sa tabi ko. Hindi ko rin inaasahan na si pervert pa ang mag-aalaga sa akin imbes na si bessy. Halos dito na nga tumira si pervert para lang alagaan ako eh. Walang palya kung pumunta dito sa bahay. I think he is one of the reasons kung bakit ako gumaling agad. 

Heto ako ngayon sa may garden at nag-aantay sa pagdating ni pervert. Nangako kasi siya sa akin na pupunta siya ngayon pero maghapon akong naghintay sa wala. Namuti lang ang mga mata ko kakaantay sakanya. Balak ko pa naman sanang mag bake ng cookies kasama siya kaso wala.

Sa sumunod na araw, hindi rin siya nagpakita sa akin. Hindi ko siya mamataan sa court o sa subdivision. Para siyang naglahong bula. Hindi ko naman magawang tawagan sa bahay nila dahil baka iba ang isipin nun at lumaki na naman ang ulo. Kainis! Ano ba ang nangyari? Naging maayos na din naman kami nung mga sumunod na araw kasi nag sorry na ako sakanya nung pinagtabuyan ko siya sa park. May sama pa rin ba siya ng loob at di lang sinasabi sakin?

"Baby, di rin ba pupunta si Chase dito ngayon?" nakanguso ako ng lingunin ko si mommy na nakatayo lang sa porch ng bahay. Nakita ko ang pilyong ngiti sa labi ni mommy pero hindi ko iyon binigyang pansin.

"Hindi ko alam mommy eh." 

"Nag LQ ba kayo last time baby? Baka nagtatampo." nangunot ang noo ko sa sinabi ni mommy at hindi naiwasang pamulahan ng mukha. LQ ba ang tawag do'n? Pero nagkabati na kami, baka nga nagtatampo pa din. Tawagan ko na ba sakanila?

Nagawa pa akong asarin ni mommy tungkol sa bagay na iyon kaya sa inis ko ay bumalik na lamang ako sa kwarto. Makailang minuto ay bumaba ulit dahil napagpasyahan kong tawagan na si pervert sakanila. 

Aish! Siguraduhin niya lang na valid ang rason niya kung bakit di siya pumupunta dito dahil makakatikim talaga ang manyak na yun sakin! 

Nagawa kong tawagan ang telepono nila sa bahay kahit na nangangatog itong tuhod ko dahil sa kaba. Ayoko kasing masyadong mag-isip kaya tatanungin ko na lamang siya kung ano ba ang problema. 

"Hello?" gagad ng boses babae sa kabilang linya. 

"S-Si per-. . ." sasabihin ko ba ang pangalan ng manyak na iyon. Never ko pa nabanggit ang pangalan nun eh. Bahala na nga. "Si pervert po?" narinig kong napahagikhik ang babae sa kabilang linya bago sumagot, "Wala po siya dito eh. May pinuntahan po." agad na bumagsak ang mga balikat ko tsaka na lang nagpaalam at binaba ang telepono. 

Ano kayang pinagkakaabalahan ng manyak na yun? Kainis!

Apat na araw na ang lumipas at hindi na nga talaga nagpakita pa sa akin si pervert. May parte sa akin na nagngingitngit sa galit dahil aminin ko man o hindi. Miss ko na siya, ang presensya niya. Ang kamanyakan niya at ang mga pick-up lines niyang ang ko-korni. 

PERVERT MEETS SADIST(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon