Chapter 37: Feeding Program
[SHANE]
Gusto akong sumama ni mommy sa feeding program na gagawin ng kompanya nila, gusto ko rin naman sumama para atleast may maitulong din ako.
Heto ako ngayon at naghahanda na ng mga dadalhin ko ngayon kasi aalis na kami. Nakabihis na rin ako at ito na lang ang ginagawa ko.
Natigil ako sa aking ginagawa nang may biglang magdoorbell sa labas ng bahay. Napaisip ako saglit bago tuluyang naisipang bumaba at pagbuksan ang kung sino mang nasa labas.
Nang nasa tapat na ako ng gate ay agad ko itong binuksan at laking gulat ng makita si Chase. Napatitig ako sakanya ng ilang segundo bago nakaapuhap ng salitang sasabihin.
"Be? A-Anong ginagawa mo dito?"
Napapakamot naman siyang sumagot sa akin. "Namiss lang kita kaya pumunta ako dito, m-masama ba?" nakangusong tanong niya kaya lihim akong napangiti. Kapag ganito siya di ko mapigilang panggigilan ang cuteness niya. Gusto kong kurutin ang pisngi niya pero wag na lang siguro.
"Ahh hindi naman, 'to naman si be nagtanong lang eh. Pumasok ka na nga!" nagkunwari akong nagtaas ng boses bago siya tuluyang talikuran. Nauna akong maglakad sakanya papasok ng bahay at ramdam ko namang nakasunod siya sa akin. Nagulat na lang ako nang biglang may malambot na labing dumampi sa aking pisngi. Nilingon ko siya pero imbes na magalit eh bigla na lang akong napangiti nang makitang malapad ang mga ngiti nito.
Hayaan na nga.
"Ahhmm. Aalis kayo?" Ai ayun! Nakalimutan ko tuloy sabihin sakanya!
"Ahh ehh, oo be, my feeding program kasi sila mommy eh, gusto niya akong tumulong." Kumunot naman ang noo niya tsaka naglakad papunta sa sala ng bahay namin, hindi man lang ako inintay?
"Hoy!" Pagdating ko sa sala, nakaupo siya at tila nag-iisip.
Ilang saglit pa, tumingin na siya sakin tsaka ngumiti. "Pwede ba akong sumama be?"
"Huh?"
"Tsk. bingi talaga 'to. I said, can I come?" Nagkaroon ng kaunting excitement sa loob-loob ko nang tuluyang mapagtanto ang sinabi ni be sa akin. Bakit nga naman hindi ko naisip yun, atleast magkakaroon pa rin kami ng oras sa isa't-isa kahit na may iba kaming ginagawa.
"Sure!" abot tenga ang ngiti sa aking labi nang sagutin ko siya. Alam ko namang batid niya ang tuwang nadarama ko kaya ngumiti na rin ito sa akin pabalik.
Sinabi namin kay mommy ang planong pagsama ni Chase sa amin at wala naman siyang negatibong kumento ukol dito. Mas naging pabor pa nga ang pagsama niya para may karagdagang volunteer sa lakad namin.
Heto na kami ngayon sa loob ng kotse, sa backseat kami nakapuwesto ni Chase habang si mommy naman ay nagmistulang driver naming dalawa. Aangal pa sana si mommy na dito ako maupo sa likuran pero mabuti na lang at nagawa pang bolahin ni Chase si mommy, magaling talaga!
BINABASA MO ANG
PERVERT MEETS SADIST(COMPLETED)
RomanceA never ending struggle between Chase and Shane's love story. Will they be able to surpass this and live happily or they'll end up having a sad love story? COMPLETED|| BOOK II ON-GOING|| UNDER REVISION|| NO SOFTCOPY