CHAPTER 42: BESSY WAS KIDNAPPED

34.9K 692 19
                                    


✤⁑TARA⁑✤


"Bessssyyy!" sigaw ko habang hinahabol ang sasakyan ng lalaking tumangay sa aking bestfriend.


Saan ba dadalhin ng lalaking yun si bessy?! Natataranta na ako dito at di ko talaga alam ang gagawin! Pumasok ako ulit sa loob ng school grounds at hinanap si Manong Guard. Nang makita ko siya, tumakbo ako agad papunta sakanya. 


"Kuya! Kuya! Yung kaibigan ko po, kinidnap!" Natatarantang sabi ko kay manong guard. Dali-dali namang kinuha ni Manong guard yung motorbike niya at susundan namin yung kotse ng lalaki. Tyak akong hindi pa yun nakakalayo!


"Natatandaan mo pa ba ang hitsura ng kotse niya neneng?" Tanong ni Manong Guard sakin.


"Opo!!" natatarantang sagot ko sakanya. Hindi ko na din binigyang pansin ang pagpapaharurot ng motor nitong si Manong, tutok ang aking mata sa sasakyan na tumangay sa aking bestfriend.


"Manong ayon po!" Turo ko naman kay Manong, nag overtake siya sa mga sasakyan hanggang sa makalapit kami doon sa sasakyan nung lalaki. Isang kotse na lang ang nasa pagitan namin at mahahabol na namin sila. Mag oovertake na sana si Manong kaso biglang naging red ang stop light kaya napatigil bigla si Manong, yung itim na kotse naman nakadaan na kaya naiwan kami dito.


"NAMAN!" Napasigaw na lang tuloy ako sa inis. 


Hindi na namin nahabol o nakita yung kotse kaya pumunta na lang kami sa police station. Kung anu-ano lang naman tinanong nila sakin at buti na lang at nasagot ko ng maayos ang mga tanong. Paulit-ulit lang na sinasabi nung police na baka kakilala lang yun ni bessy at hindi naman talaga kidnaper, hindi pa siya naniniwala sakin, kaya si manong Guard na lang ang pinakausap ko. Kinuwento ko muna kasi kay Manong Guard yung nangyari para alam niya ang sasabihin sa mga police. 


Kasalukuyan silang nag-uusap dun at ako naman ay nakaupo lang dito sa labas. Sinubukan kong tawagan ang phone ni bessy pero out of coverage area. Hindi pa rin ako mapalagay! Ano bang gagawin ko?? Naisipan kong tawagan si Chase, pero nang ida-dial ko pa lang ang number niya, bigla ko na lang naisip yung sinabi ni bessy.


"Kung may mangyari man sakin na anything, wag na wag mong tatawagan si Chase ha, mag-aalala lang yun." 


Isa yan sa mga sinabi niya sakin noon, nag promise naman ako sakanya na hindi ko nga yun gagawin pero iba to eh! Nakidnap siya ng hindi namin kilalang tao! 


"UGGGHHHHH!" Para na akong mababaliw ngayon, ang mommy na lang ni Shane ang naisipan kong tawagan. Tatlong beses lang nag ring tapos sinagot naman niya agad. 


"Hello Tara dear?"


"Tita!! Si Shane po na kidnap!!" 


"WHAAAATTTT?!" pasigaw na tanong ni Tita. Alam ko pabigla pero hindi ko na talaga matiis kaya nasabi ko na lang bigla.

PERVERT MEETS SADIST(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon