✤⁑SHANE⁑✤
Wala akong nagawa kundi ang sumama sakanya, pano ba naman, kung sa patigasan lang naman ng ulo, wala ng mas titigas pa sa ulo niya. Idagdag mo pang pumayag itong si bessy na sumama kasi libre naman daw at sayang, dahil minsan lang naman, napa oo na lang ako talaga ako.
As usual, sakay sa itim niyang sasakyan, narating namin ang pinakamalapit na restaurant sa school, ito ang napili niyang restaurant dahil sigurado daw siyang walang magtatangkang kumain sa restaurant na ito dahil masyadong mahal ang mga pagkain.
Edi wow talaga. So ayun na nga, naupo kami sa bakanteng table malapit sa glass window tsaka niya agad tinawag ang waitress. Siya ang unang nagtingin ng pagkain sa menu, tsaka niya ito inabot sa amin. Si bessy ang pumili ng pagkain para sa aming dalawa tsaka sinabi ni Arkin ang mga ito sa waitress sa aming harapan.
"Is that all Sir?" tanong ng babae, Arkin nodded and say 'yes' tsaka umalis ang waitress.
Pagkatapos umalis ng babae ay nabaling ang tingin nito sa akin at nagtanong, "Who is she by the way?"
Napabuntong hininga ako at wala sa mood na sinagot ang kanyang tanong, "Tara, bestfriend ko. Seryoso? Pinasama sama mo tapos di mo pala kilala kung sino 'to?" iritableng sagot ko, bigla naman akong siniko nitong si bessy sa tagiliran, kaya napatingin ako sakanya.
"Bakit ka nagtatagalog bessy, di niya yan maiintindihan." aniya kaya bigla akong natawa. Oo nga pala, hindi alama ni bessy na nakakaintindi itong lalaking 'to ng tagalog, hindi lang siya nakakapagsalita ng tagalog pero nakakaintindi siya which makes me even more curious...
"Naiintindihan niya yan." Tipid kong sagot tsaka kinuha ang cellphone sa aking bag at nag check kung may message mula kay Chase, but then again, umasa na naman ako sa wala...
Minutes later, dumating na ang mga pagkain na in-order namin. Nag umpisa agad kaming kumain at si bessy lang ang nag uumpisa ng conversation sa mesa. Silang dalawa ni Arkin ang nag-uusap habang ako'y nakikinig lamang sa pinag-uusapan nilang dalawa.
"How did you know my bestfriend again?" tanong nito kay Arkin habang tuloy lang sa pagkain.
Arkin on the other hand sip a little from his glass filled with cold water before he responded, "I knew her from a friend."
Ayan na naman siya sa 'from a friend' Sino ba kasing friend yan?
"Who?" tanong ni bessy na ikinatuwa ko dahil yun din ang tanong sa isip ko. Napatingin na din ako kay Arkin at nag aantay sa sagot niya hoping na sana naman makakuha kami ng sagot mula sakanya.
"It's too early to say, but you will know. So patience ladies." sagot nito tsaka ngumiti.
Well, tulad ng inaasahan, wala pa din akong nakuhang sagot. I am to curious to know kung sino ba talaga ang taong tinutukoy niya pero malakas talaga ang kutob ko na kilala talaga namin siya.
BINABASA MO ANG
PERVERT MEETS SADIST(COMPLETED)
RomanceA never ending struggle between Chase and Shane's love story. Will they be able to surpass this and live happily or they'll end up having a sad love story? COMPLETED|| BOOK II ON-GOING|| UNDER REVISION|| NO SOFTCOPY