✤⁑SHANE⁑✤Naisipan ko pa ring pumasok sa school ngayon kahit alam kong mababagot lamang ako sa classroom. Ganoon din naman kasi sa bahay, nakakabagot din, parehong nasa trabaho si mommy at daddy tapos si Manang naman na naninilbihan sa amin ay nakabakasyon pa rin sa probinsya nila. Mas mababaliw lang ako kaka-isip kapag nasa bahay at mag-isa, atleast dito kahit papano may mga makakausap pa rin ako.
Heto ako't naglalakad na naman sa hallway ng school building, sakto naman at namataan ko si Cris di kalayuan sa may hagdan at abalang-abala sa pagpipipindot ng kanyang telepono. Tsaka ko lang naalala na hinahanap niya nga pala si Chase kahapon, may balita na kaya siya?
"Hi Cris! A~Ano, may balita ka na ba kay pervert?" nahihiyang tanong ko sakanya ng makalapit sa kinaroroonan niya.
"Wala pa rin eh, tinatawagan ko siya sa phone niya kagabi pa pero walang sumasagot, ring lang ng ring, tumawag na rin ako sa bahay nila at hindi daw siya umuwi sakanila, I guess he's in his condo right now. I'm really worried."
Naku! Hindi kaya na-abduct na siya ng mga aliens?! O kaya naman talagang tama yung sinabi ko kahapon na kinidnap na ng mga haliparot niyang fans? Naku, delikado siya kung ganon!
"Sinubukan mo na bang puntahan sa condo niya?" tanong kong muli. Bakit kaya hindi siya sakanila nakatira? May issue ba sila ng mga magulang niya?
"Ahm no, malayo kasi ang condo nila sa bahay namin eh, di na rin ako nakadaan kagabi kasi dad was already looking for me at may importante pa kaming event na pinuntahan. Eric and Ken were also busy kaya hindi sila pwede kagabi."
Now that's a bummer!
"How about today? Di mo ba siya pwedeng puntahan ngayon?" nababalisa na rin ata ako, contagious pala itong si Cris!
"I wish I could but start na ng practice namin ngayon for the Intramurals, wala pa rin si Chase at hindi rin ako pwedeng mawala kasi kukulangin kami ng members. Ken and Eric are also busy today, isa pa, hindi mo maaasahan ang dalawang kumag na yun kaya hindi ko na lang pinilit." napailing siya sa sinabi tsaka bumuntong-hininga.
Sandaling nangunot ang noo niya habang nakatingin sa sahig, tila may naisip siya bigla at tiningnan ako ulit. Nagningning ang mga mata niya nang magtama ang mga mata namin, napangiwi ako dahil pakiramdam ko may naisip siyang hindi ko magugustuhan.
"Maybe you can do me a favor then! Ikaw na lang ang pumunta ng condo niya and check on him!" literal akong napanganga sa sinabi niya. What the hell! Ako?!
Like I would do that! Mamaya manyakin pa ako nun sa condo niya! O di naman kaya maabutan kong may ginagawang kababalaghan kasama ng mga babae niya 'dun!
"A-Ayoko nga!" pagtanggi ko sa gusto niya tsaka umiwas ng tingin. Nakialam pa kasi ako eh!
"Please Shane! I cannot think of anyone na pwedeng gumawa nito. I know you both started on a wrong foot pero kahit ngayong araw lang, sana pagbigyan mo ako. I will owe you this." nagpapa-awa niyang sabi habang nakatingin sa akin. Naku naman! Bakit ba ang kulit ni Cris?!
"Ayoko nga! Kahit ano pang gawin mong pagmamakaawa dyan hinding-hindi ko yun pupuntahan sa condo niya!" pagmamatigas ko tsaka humalukipkip.
❃❀⁂❀❃ ❃❀⁂❀❃ ❃❀⁂❀❃ ❃❀⁂❀❃ ❃❀⁂❀❃ ❃❀⁂❀❃ ❃❀⁂❀❃
"Ito ang address ng condo niya Shane, thank you so much, after ng practice promise pupuntahan ko siya. Sige mauna na ako, ingat ka na lang papunta dun! Bye." aniya tsaka na tumakbo palabas ng school building.
BINABASA MO ANG
PERVERT MEETS SADIST(COMPLETED)
RomanceA never ending struggle between Chase and Shane's love story. Will they be able to surpass this and live happily or they'll end up having a sad love story? COMPLETED|| BOOK II ON-GOING|| UNDER REVISION|| NO SOFTCOPY