CHAPTER 34: I FORGIVE YOU

37.2K 773 17
                                    


Chapter 34: I Forgive You


[SHANE]

After 'nung tagpo namin ni Chase sa labas ng bahay namin ay hindi ko pa rin siya napapatawad magpahanggang ngayon. Nagwalk out lang kasi ako nung gabing iyon dahil sobrang sakit na ng dibdib ko.

Kung anu-ano kasing sinasabi. Isa lang naman gusto kong marinig bukod sa isang maiksing eksplenasyon, ang salitang "SORRY". Pero ewan ko ba, sa dalawang araw na yun na panunuyo niya, walang sorry siyang sinasambit sa akin. Palagi na lang, "Galit ka pa ba?"  "Please talk to me be." "Let's patch things up." "Labas ka naman ng house niyo, please usap tayo."

Goodness! Yun lang talaga, as in yun lang talaga, patatawarin ko na siya. Pero bakit walang gano'n na word sa mga text niya? Mahirap ba sabihin yun?Mahirap ba magsorry dahil sa ginawa niya?!


Muli akong napabuntong-hininga. Heto ako ngayon at kumakain ng junkfoods sa kwarto habang nanonood ng movie na ang pamagat ay Warm Bodies.

Kanina pa tumutunog ang phone sa tabi ko pero di ko na lang ito pinapansin dahil alam ko na rin naman kung sino ang kanina pang nangungulit na yan. Nakakailang missed calls na rin siya sa akin at lahat nire-reject ko talaga.

Pero shems lang talaga! Hindi ko na kayang tiisin! Dalawang araw ko na siyang di pinapansin at kung magkataon man na matapos ang araw na ito na di ko pa din siya kinakausap ay ito na ang pangatlo.

Honestly, miss na miss ko na talaga siya. Miss ko na yung kakornihan niya, kakulitan niya, yung ngiti niya, yung tawa niya, yung boses niya, yung pagkamanyak niya! Lahat na! I miss the whole him!


Naiiyak kong niyakap ang teddy bear na katabi ko tsaka tiningnan yung phone sa may paanan ko. Gustong-gusto ko na talagang sagutin ang tawag niya. Di na ako makapagtiis! Ngayon lang nagkasundo ang puso't-isip ko at isa lang ang gusto nila, ang marinig na muli ang boses ng pinakamamahal ko.


Peste namang buhay pag-ibig 'to oh! Di na talaga ako makatiis kaya dinampot ko na ang phone sa may paanan ko at pinakatitigan ang screen nito. Nang tumawag siyang muli ay tsaka ko sinagot ang tawag. Napapalunok pa ako bago ko ito ilapit sa tenga ko.


"Oh thank God you answered be. P-Please be, let's talk? Please...Please..." ramdam ko sa boses niya ang pagkasabik at panghihina. Hindi ko tuloy mapigilang hindi ma-guilty dahil sa pagpapahirap ko sakanya. Paos ang tinig ng boses niya at parang kakagaling lang sa iyak.


Gustuhin ko mang kausapin siya ng matino ay pinigilan ko pa din ang aking sarili. "Sure. Punta ka na lang sa bahay mamaya." malamig na sagot ko sakanya sa kabilang telepono.


"P-Pero be, di'ba pwedeng ngayon na? Gusto na kitang makita..." Agad-agad? Di'ba pwedeng mag-ayos muna ako ng sarili at para na akong zombie dito dahil sa laki ng eye bags ko!


"Mamaya na talaga please?" pagmamatigas ko sakanya dahil tinatamad pa ako't di pa alam ang sasabihin kung sakaling makaharap ko man siya ngayon.

PERVERT MEETS SADIST(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon