CHAPTER 33: WORST MONTHSARY

39.5K 810 10
                                    


Chapter 33: Worst Monthsary


[SHANE]



Vacation was not that boring after all. After nung vacation namin sa resort nila Chase, we celebrated our third monthsary kasama ang mga kaibigan namin. Pinilit kasi ni Patricia si Chase na mag-celebrate kasama sila. 


Eh diba nga dapat kami lang nagce-celebrate 'nun? Anong pauso ba meron ang babaeng 'yun at kung anu-ano ang iniisip? Ito namang si Chase hindi ko maintindihan kung anong sumapi sakanyang kaluluwa at pumayag.  


Hindi naman ako nagtatampo, masaya din naman ako kahit papano. I mean nung umpisa lang pala.  May kanya-kanya kasi silang date. Si Cris, Ken, Eric at bessy. At itong si Patricia, kay Chase dumidikit!


Alam naman niyang monthsary namin pero parang wala siyang pakialam at si Chase ang palaging kinukulit. Sa sobrang kakulitan naman niya eh maging si Chase ay wala ding magawa para patigilin siya. Di ko alam pero unti-unti na akong nagseselos sakanya. 


I mean should I? I tried asking Cris, Ken and Eric about Patricia pero wala silang sinasabi at ito lang naman ang sagot nang tatlo sakin, "Just ask Chase about that." Grabe no, parang scripted sasabihin nila sakin. May tinatago ata ang mga 'to sakin eh.


So balik tayo sa date namin. Sa mga oras na ito ako pa ang lumabas na walang ka-date sa aming magkakaibigan. Ako yung na out of place, ako yung nawalan ng ka-date at ako ang nagmumukhang tanga ngayon habang mag-isang nakaupo dito sa bench.  


"Bessy, bakit hinayaan mo lang si Patricia na agawin yang date mo huh?!" nagngingitngit na tanong ni bessy nang lumapit siya sa akin. Sabay naman kaming lumingon sa kinaroroonan ng dalawa. 


"Eh ang sabi niya kasi may titingnan lang sila ni Chase kaya sabi ko sige." nakangusong pagpapaliwanag ko sakanya. Hindi ko naman alam na inuto lang pala ako ng higad na Patricia na yun at tuluyang inagaw si Chase sa akin. Leche naman kasi! Ang galing umakting nitong si Patricia. 

 

"Ehh shunga ka pala eh! Sino ba may monthsary diba kayo? Eh bakit parang sila ata yung nagce celebrate at hindi kayo?!" gigil na gigil na sabi pa nito habang pinapatay sa matatalim na tingin ang dalawa. 


Unang kita niya pa lang kay Patricia noon ay iba na ang timpla ni bessy sakanya. May maitim na aura daw siyang nakikita dito na hindi niya gusto at nakakasulasok kaya never niya pang kinausap ng maayos itong si Patricia. Ewan ko ba kung anong pinagsasabi nitong si bessy, hindi ko naman iyon nakita kay Patricia noon.



May tawag na nga itong si bessy kay Patricia ngayon eh. GA-LE-MA. Isa daw itong makamandag na ahas eh. Tinanong ko pa kung si Andy ba ang tinutukoy niya pero ang sagot niya lang sa akin ay yung ahas daw na nakapulupot sa leeg nito hindi si Andy. 


Ewan ko ba pero sa sinabi ni bessy ay bigla na lang akong natawa at nabawasan ang bigat sa dibdib ko. 


Tanghalian na nang magawa akong lapitan ulit ni Chase. Napaikot na nga lang ang mata ko dahil tinanong ba naman ako kung okay lang daw ba ako? Gusto ko siyang kutusan nang tanungin niya yun sa akin pero dahil sa malungkot niyang mukha hindi ko na natuloy. 


Buong akala ko eh sa akin na ulit sasama itong si Chase pero peste bumalik pa sa pwesto ni Patricia at doon naupo sa tabi nito. Parang pinisil ang puso ko sa ginawa niyang iyon. Iwanan ba naman akong nag-iisa!  Ano ako dito sampid?! Peste talaga! Gusto kong umiyak sa sobrang galit pero pinigilan ko ang sarili kong wag magwala dahil nasa gitna kami ng grasya. 

PERVERT MEETS SADIST(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon