Chapter 39: Patricia's Departure
[SHANE]
Pagkatapos umalis ni Chase sa bahay ako naman ang kinausap ni Manang. Sinabi niya lang sakin na hindi ko kailangan mag-alala dahil wala naman siyang sinabi kay Chase na layuan ako o ano, hindi niya daw sasabihin kay mommy at daddy yung nakita niya pero wag daw ako magmamadali o magpadalos-dalos dahil bata pa ako.
Kinabukasan naisipan kong pumunta sakanila, sabi ng katulong nila nasa covered court daw si Chase nagbabasketball kaya pumunta ako sa basketball court ng village namin. Alam ko naman kung saan eh, tapat lang naman ng bahay nila! Pero bakit di ko siya napansin dun?
Malayo pa lang ako ay natatanaw ko na siya na nagbabasketball mag-isa. Hindi muna ako lumapit sakanya at pinagmasdan lang siya habang seryosong naglalaro. Nag di-dribble siya ng bola tsaka tumakbo palapit sa ring, tumalon siya ng napakataas tsaka nag-dunk! Napaawang na lamang ako ng bibig sa sobrang bilib.
Tumakbo siya pasunod sa bolang gumulong palabas ng court at satingin ko'y napansin niya na din ako. Napatingin lang siya sa akin ganoon din, nagkatitigan lang kami at di ko agad nagawang lumapit dahil pinapakiramdaman ko pa ang mood niya. Nang makita ko siyang ngumiti ay tsaka lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na lumapit sakanya.
"Kanina ka pa dun be?" Tanong niya nang makalapit ako sakanya.
Umiling-iling ako, "Hindi naman gaano." pagkatapos nun ay natahimik kaming dalawa. Ano kayang iniisip niya ngayon?
"Bakit natahimik ka ata?" tanong niya bigla kaya nagulat ako. Ewan ko nga din, parang I ran out of words. Pero curious talaga ako sa pinagusapan nila ni Manang. Hindi naman kasi sinabi sakin ni Manang lahat.
"Gusto mong tanungin yung pinag-usapan namin ni Manang 'no?" lumapit siya sa akin at mapang-udyok ang mga ngiti niya. Napapaiwas na lang ako ng mata dahil basang-basa niya ang iniisip ko.
"Hmmm. Yes. . .No. . . Ahm... Yes! Oo na! Gusto ko talaga malaman! Hindi ako matahimik eh!" nakangusong pagtatapat ko sakanya, yun naman kasi talaga ang pakay ko kaysa sa masayang yung punta ko dito.
"Ikaw talaga! Masyadong mausisa yang pag-iisip mo." Sinasabi niya yan habang pinipisil ang ilong ko. Kailan pa siya nahilig sa pagpisil ng ilong ko? Pinalo ko naman ito kasi masakit na. Tinawanan niya lang ako kasi sobrang pula na daw ng ilong ko, ako na daw yung kapatid ni Rudolf the red nose reindeer. Talagang nagawa niya pa akong pagtripan!
"Tumigil ka nga! Hmmmmp!" Naging seryoso naman ang mukha niya kaya naging seryoso din ang mukha ko. Nagtitigan lang kami na parang sinusubukan basahin ang iniisip ng isa't-isa. Hindi ako nakatiis at ako lang din ang unang nagsalita."Your not gonna kiss me again are you?" Ewan ko ba kung bakit yun lumabas sa bibig ko, bigla na lang lumabas, dala na rin siguro ng curiosity! Perv na ba ako mag-isip?
Binigyan naman niya ako ng halik sa noo kaya kumunot ang noo ko. "That's not what I mean!" Kainis talaga 'tong taong 'to!
"But I can still touch your butt if I want too."
"UNGAS!!!" inis kong sigaw sakanya tsaka siya pinalo sa braso.
"You really want to know what Manang told me?" Pagsinabi ko bang oo, sasabihin mo? Tss. Nagtanong ka pa baka di mo rin naman sasabihin eh.
BINABASA MO ANG
PERVERT MEETS SADIST(COMPLETED)
RomanceA never ending struggle between Chase and Shane's love story. Will they be able to surpass this and live happily or they'll end up having a sad love story? COMPLETED|| BOOK II ON-GOING|| UNDER REVISION|| NO SOFTCOPY