CHAPTER 16: VOWS

64.8K 1.2K 28
                                    


[SHANE]

Monday na ulit at sabay daw kaming papasok ngayon ni Chase sa school. Well yeah, pangalan niya na ang tawag ko sakanya. Pinag-awayan pa namin ang tungkol sa bagay na iyan dahil mas sanay akong tawagin siyang pervert. Kinulit-kulit niya ako sa text pati tawag para lang sa bagay na iyan. Pinagbigyan ko na lang total, kami na rin naman.

Nagtext siya sakin na may dadaanan daw muna kami bago pumasok ng school.

Sinundo ako ni Chase sa bahay at sumakay lang kaming dalawa ng jeep papunta sa ewan kung saang lupalop na naman ako dadalhin ng lalaking ito. Siguro naman di iyon malayo sa school dahil ayoko talagang ma-late ng pasok.

"Chase, saan naman tayo pupunta ngayon?" tanong ko sakanyang nakadungaw lang sa labas ng bintana at tila malalim ang iniisip.

"Sa puso ko." Okay, binabawi ko na ang sinabi ko. Hindi pala seryoso ang iniisip niya at kalokohan na naman. Pero kahit gano'n ay may hatid pa rin itong kilig sa akin.

Pero teka! Maayos yung pagkakatanong ko pero nagawa niya pa ring sumagot ng pabiro!

Hindi siya nakaligtas sa akin at binatukan ko siya ng malakas.

"ARAY! Pinapakilig ka lang ee." Aniya habang himas himas ang kanyang batok.

"Ayusin mo kasi ang sagot! Pektusan kita dyan eh!" Pero sa loob loob ko'y kinikilig naman ako.

Para akong tanga!

"Hindi ka naman mabiro eh, may pupuntahan lang tayong espesyal na lugar para sa'kin." ani niya na may matatamis na ngiti sakanyang labi.

Hindi ko na nagawang makapagsalita pa dahil sa mga ngiti niyang iyon. Natameme na lang ako. Ang hirap naman kasing kasanayan nang mukha ng lalaking nasa harap ko, sa sobrang perpekto ng kanyang mukha, pakiramdam ko hindi ako karapat-dapat sakanya.

Ilang minuto ang lumipas at nakarating kami sa itaas ng isang burol, hindi naman siya sa pinakamataas pero sapat na ito para makita mo ang tanawin sa ibaba.

"Chase, bakit mo ako dinala dito?" nagtatakang tanong ko dito. Kasi kanina, sabi niya wala pa siyang naidadalang iba sa lugar na ito. Nakakapagtaka lang at pwede namang uwian na lang sana kami pumunta dito pero ngayon niya pa talaga naisipang pumunta. Medyo malayo pa naman sa school.

"Halika dito." hinawakan niya ang kamay ko at hinila palapit sakanya. Agad na dumampi ang malamig na hangin sa aking mukha napapikit ako para namnamin ang sarap na dala nito. Naramdaman ko ang pagtayo ni Chase sa aking likuran kaya napadilat ako. Akala ko kasi kung ano na namang kalokohan ang naiisip yun pala itataas lang ang dalawang kamay ko.

"Mas mafe-feel mo ang moment na ito kung itataas mo ang mga kamay mo." Hinawakan niya ang magkabila kong kamay at hinayaan na lamang siya. Muli akong pumikit tulad ng ginawa ni Rose sa Titanic, nung nasa bow sila ng barko at nasa likuran niya din si Jack nakaalalay. Ninamnam kong muli ang malakas na hampas ng hangin sa aking mukha.

Kahit wala ako sa barko pakiramdam ko nasa barko na din ako tulad ni Rose.

Makailang sandali ay binitawan niya ang mga kamay ko. Napalingon tuloy ako sakanya. May kinuha siya mula sa bag niyang isang pulang rosas tsaka ito inabot sa akin. Natigilan pa ako at napatulala sa bulaklak pero nagawa ko din naman itong kunin sa kamay niya.

"Para saan naman 'to?" Takang tanong ko sakanya habang inaabot ang rosas.

"Wala lang. Gusto ko lang bigyan ng magandang bulaklak ang isang magandang dilag, ikaw." tsaka niya ako kinindatan.

"S-Salamat." Nahihiyang sabi ko pero napapangiting nakatitig sa pulang rosas sa aking kamay.

"Don't leave me okay."

PERVERT MEETS SADIST(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon