ONE
ISANG kindat ang pinakawalan ni Rosco kay Cassandra kasabay ng makahulugang ngiti mula sa rearview mirror nang makababa ng kotse si Gustavo. Hindi agad nakapagbigay ng reaksyon ang babae sa ginawa niya ngunit isa ring mapang-akit na ngiti ang isinukli nito nang makahuma bago sumunod sa esposo. Malagkit na sinundan ng tingin ng binata ang maalembong na paglakad nito, nabibighani sa magalaw na balakang nito. Her gait was very alluring indeed. She was very sexy.
"Uno... dos... tres..." mahinang bilang niya at saktong pagsulyap muli ni Cassandra sa kanya. Mabilis din itong nagbawi ng atensyon at ibinalik sa asawa ang tingin. Nagtuloy na ang mga ito sa loob ng kabahayan.
Pinigil niya ang mapangisi sa tuwa. Pihadong gusto rin siya ng esposa ni Gustavo. Isang bagay na hindi na niya ipinagtataka pa. Subalit ayaw muna niyang pangunahan ang lahat. Pinagkasya na lamang niya ang sarili sa simpleng ngiti habang inililiko ang sasakyan patungong garahe. Nang maihimpil niya ang kotse ay umibis na siya at binilinan ang isang boy na linisan iyon. Pumasok na rin siya sa loob ng mansiyon. His eyes skimmed the place with so much envy and lust. He had owned a same house, too. Well, modesty aside, he thinks that what he had owned was greater, bigger and more elegant and expensive. But everything turned to be a dream today, an almost unreachable dream. Pero ipinangako niya sa sariling aahon siya sa kinasadlakan niya. Babawiin niya ang lahat ng nawala sa kanya. Hindi siya susuko. Hindi ngayong nakikita na niya ang liwanag ng pag-asa upang mapagtagumpayan ang lahat ng mga plano niya.
Huminga siya ng malalim.
Marahang inakyat niya ang grandstaircase ng mansyon. Labis na ang pangungulila niya sa dating buhay. Kaunting tiis na lang at makababalik na rin siya sa rangya na kinalakihan niya. Tinahak niya ang mahabang pasilyo, nilagpasan ang sampung kwarto at tumigil sa tapat ng master's bedroom. Mahinang kinatok niya ang kahoy na pintuan. Lumagutok ang ingay niyon sa katahimikan ng paligid.
"Come in," sagot sa kanya ni Cassandra mula sa loob. Itinulak niya ang pinto papasok at maingat na muling isinara iyon. Nakatalikod sa kanya ang babae, nakaharap sa higante nitong vanity mirror. Wala itong ibang suot kundi ang dalawang manipis na panloob nito. "Hindi ko inaasahan ang pagbisita mo, Gus," anito na lumingon paharap sa kinaroroonan niya. Napatayo ito sa kinauupuan at matulin na hinablot ang pulang roba na nakapatong sa kama nito. Hindi ito magkandatuto sa pagsusuot niyon.
"Kailangan mo ng tulong?" mapang-akit na alok niya. Nilapitan niya ito bagaman hindi ito sumang-ayon. Hindi rin naman ito nagprotesta sa ginawa niya. Tinulungan niya itong maibuhol ng maayos ang tali ng roba sa beywang nito.
"You should have knocked," pagkakuwa'y suheto nito sa kanya. "You must show me some manners, Rosco. I'm still your boss and besides I don't need your protecting and driving skills in my room."
"Be easy, babe! I did knock and you gave me the permission to come in."
"I thought you were my husband, geez!"
"Calm, darling. All I want is to see you 'cause I'm madly missing you."
"Shut up! Ano bang pinagsasasabi mo? Nahihibang ka na, nasa labas lang ang asawa ko!"
"Hindi ko kayang pigilan. It may seem too early since we've met and known each other but I'm already falling in love with you. I just feel it. I know you have a thing for me, too. Please, don't make me suffer this much." Nilakipan niya ng lamyos at pang-aakit ang tinig.
"Aren't you afraid of my husband? He can kill us for this!" hysteria nito.
Bullseye! Halata naman talagang may gusto rin ito sa kaniya ngunit pilit lamang na itinatago dahil sa takot nito sa asawa. Kailangan pa niyang galingan ang drama niya.
BINABASA MO ANG
My Serenity
RomanceImage on cover photo is not mine. Credit to the rightful owner/s. A third chance in love.