FOUR
"FOR you," inabot ni Jeth kay Reni ang isang pumpon ng mga bulaklak. Date nila ulit ngayon dahil naka-good points siya sa mama nito.
Napakaganda nito kahit kalian. Bawat segundo yata ay nabibighani siya nito. Simpleng-simple lamang naman ang gayak nito pero sadya itong nakakapanghalina. Naka-sunflower printed dress ito na kulay berde at may sombrerong gawa sa mga hibla ng pinya na nabili nila sa isang souvenir shop na nadaanan nila. Wala itong nakapahid na kolorete sa mukha ngayon. She was angelic. Maniniwala siya rito kung bigla nitong sasabihin na isa itong anghel na pinadala ng Diyos para sa kanya.
"Salamat, ang dami mo nang nabili sa akin," nakangiting tugon nito, sinamyo ang mga bulaklak.
"Tara, mag-fishing tayo for lunch. Tapos magpunta tayo sa beach sa hapon, mamangka tayo. Panoorin natin ang sunset. Mamayang gabi naman magkulong lang tayo sa kwarto. Mag-loving-loving tayo."
"Why, you are so sweet, Jeth. At napakapilyo mo rin!" Kinurot nito ang pisngi niya. He just laughed boyishly.
"Just can't help it. I want to make you happy because you make me happy." Totoo iyon. Simula nang makilala niya ito ay lagi na siyang nakangiti. Hindi na siya ang dating siya na parang laging may salubsob sa puwet. Reni made him realized that life is still beautiful and there's a lot of reason to smile and be happy. He just has to learn to move on by forgetting all the stolid and dull things that happened in his life.
He was alone. His parents died for almost a year now yet, he can't forgive his self for that one unfateful night. Aksidente ang pagkamatay ng mga ito. Sinisisi niya ang sarili sa nangyari dahil nakagalit niya ang mga ito ng panahong iyon. They want them to handle their company na noon ay sinukuan niya ang pamamahala dahil busy siya sa kanyang single life. Kung pumayag siguro siya na pangasiwaan ang kompanya nilang muli ay hindi sana ang mga ito ang naaksidente sa pagpunta sa isang business convention. Kundi siya dapat. He's the one who deserve that fatal accident. He really regretted the decision he had chose.
Pero ngayong nandito na sa piling niya si Reni ay nagbago na ang pananaw niya sa mundo. He should not blame his self for the death of his parents. It's not a thing he could control. God always had the best plan for everyone. Marahil ay gusto nang makapiling ng Panginoon ang mga magulang niya kaya kinuha na ang mga ito sa kanya.
And maybe, God planned for him to met Reni, a person who could make his pains and sorrow go away. But he's not going to believe that he was already in love with her. It's just too impossible for love to bloom for just a short span of time even if it moves mysteriously. He was contented with Reni's companion because she is a good friend.
Tuluyan nang nagbago ang tingin niya rito. Malinaw na sa kanya ngayong hindi ito isang pick-up girl. Naikuwento na nito ang tunay na nangyari kung bakit sila nagtagpo. Madaldal ito at may pagkapilya. And those characters made him adore her all the more. She simply put colors and bliss in his life just by smiling.
"O, tara na!" Pinaabrisete niya ang braso nito sa kanya habang ang kamay naman niya ay sinakop ang palad nito. Nauso na sa bokabularyo niya ang PDA. Kahit nasaan sila ay wala na siyang pakiyeme na iparamdam dito na special ito sa kanya, na may mumunting silakbo na ng mga damdamin ang unti-unting umuusbong sa puso niya.
"I can give you a kiss for being so sweet," sabi nito sa kanya, nakangiti. Pero hindi niya hinayaang magawa nito iyon. Siya mismo ang humalik dito. She accepted his kisses so eagerly and willingly.
Pagkatapos ng tagpong iyon ay sinubukan nilang gawin lahat ng sinabi niya.
NAPAKA-SWEET talaga ni Jeth. Iyon ang talagang napapansin ni Reni sa binata. Lagi siya nitong pinapadalhan ng bulaklak at mga regalo. Sinita na nga niya ito dahil nagtataka na ang mama niya kung bakit araw-araw ay may nagdadala ng bulaklak sa bahay nila. Punong-puno na nga ang mga flower vase nila at wala ng mapaglagyan ang ibang padala nito. Nagtataka rin ang mama niya dahil halos araw-araw ay may nakikita itong bagong gamit niya. Pilit na lamang niyang itinatago iyon upang hindi na nito makita pa. Magdamagang pinapapak naman niya ang mga tsokolateng bigay sa kanya ng binata para hindi na ma-curious pa ang mga tao sa bahay nila kung saan galing ang mga boxes ng imported chocolates na dumadating sa bahay nila. Siguradong magagalit ang mama niya sa kanya kapag nalamang nagpapaligaw siya. Teka, nanliligaw nga ba si Jeth?
BINABASA MO ANG
My Serenity
RomantizmImage on cover photo is not mine. Credit to the rightful owner/s. A third chance in love.