Prologue

892 6 0
                                    



PROLOGUE

MULA sa pasilyo ng opisina ni Gustavo ay pinapanood niya ang mga naglalarong gumol na sa kanyang casino. Most of them are still rich but some of them are running low. At isa sa mga ito ay si Rosco. He quite knew the man. He is the only child of one of his business colleague. Ilang taon ng patay ang mga magulang nito at naiwan dito lahat ng negosyo at kayamanan na naipundar ng mga ito. Pero ngayon ay mukhang wala nang natira pa roon. May ilang balita na kumalat sa mga babasahin na nabanggit ng kanyang asawang si Cassandra minsang magkuwento ito sa kanya. Nagpakasal daw ang lalaki at sa huli ay iniwan ng babae tangay ang yaman nito. Hindi niya alam kung totoo iyon. Interesanteng malaman kung tutuusin, pero wala siyang pakialam.

Matamang pinagmasdan niya ang paglalaro nito mula sa malayo. Walang kabuhay-buhay na tinapon ni Rosco ang huli nitong baraha. Dismayado ito. Lumong-lumo. Nahuhulaan na niya ang dahilan. The man lose again. He's so unlucky. Kanina ay punong-puno ng chips ang harap nito subalit ngayon ay ni walang natira roon. Tila zombie itong tumayo sa kinauupunan at marahang naglakad paalis. Base sa direksyon nito ay sigurado na niya kung saan ito patungo.

Nagbalik siya sa loob ng kanyang opisina. Hinintay niyang tumumpak ang kanyang hinuha. At hindi nga siya nagmintis. Narinig niyang kumatok doon ang lalaki. Pinagbuksan naman niya iyon sa kanyang tauhan. Dumiretso ito ng upo sa visitor's chair na nasa harap niya.

"Natalo na naman ako, Gustavo. Pahiramin mo ulit ako ng pera. Makakabawi rin ako sa susunod," bungad nito.

"You have nothing left, Rosco. Sarili mo na lang ang natitira sa'yo," diretsong saad niya. "I can't lend you any amount anymore. Wala ka ng maibabayad pa sa akin. Patawad. Isa lamang akong negosyante. Isa marahil akong sugarol pero hindi ko kayang sumugal pa para sa'yo."

"Handa akong isangla ang natitira sa akin, Gustavo. Pwede akong magtrabaho para sa'yo," pagsusumamo nito. He must be very broke.

"Your service?" Napaisip siya. What a great idea. Nagningning ang isip niya sa pumasok na plano roon.

Interesante.


My SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon