ELEVEN
ISANG malaking bulaga kay Jeth ang kanyang bisita ngayon. It was Rose, Reni's sister. Agad na tumaas ang silakbo ng galit sa kanyang dibdib.
"Why are you here? Ano pang kailangan ninyo sa akin?!" bulyaw niya.
"I'm here to say sorry, Kuya. Sorry for all the wrong things that I've done to you. Handa akong magmakaawa at lumuhod para tanggapin mo ang paghingi ko ng tawad."
"Is salvation coming, 'cause I don't know if I'm hearing you right, Rose? You are such an angel in appearance but you are a devil inside. Please do stop being the ace player of your family. Is it your second tactic to fool me just like before? Bakit ka pumapayag na gawin ito? God, wala na kayong makukuha sa akin. Kinuha na ninyo lahat. Iwan na ninyo sa akin ang sarili ko, ang buhay ko. Ano bang nagawa kong mali sa inyo para naisin ninyong magkaganito ako. Just kill me if that will satisfy your sister."
"Please, listen to me first. No one is asking me to do this. It is my own will. And just like before, it's my own will to make fool out of you. Walang kasalanan sa'yo si Ate Reni. Wala siyang kinalaman sa lahat ng nangyari. Kami nila Mama at Daddy Hermino ang nagplano ng lahat para linlangin ka at buyuin. I'm so scared by that time, I was too young. Ang sabi ni Mama lumulubog na ang negosyo namin at malaki ang posibilidad na mahinto ako sa pag-aaral. Ang sabi pa ni Daddy ay ikaw ang may pakana ng pagbagsak namin. Ayokong mangyari ang mga bagay na iyon kaya hinayaan ko ang sarili kong makipagsabwatan sa mga kagustuhan nila. It was too late before I realized that I've committed the most terrific sin in the world. I hurt the person who truly love me and care for me. Si Ate Reni. Biktima siya ng pagiging gahaman ni Daddy Hermino. Siya ang nagdusa sa pagiging mahina at makasarili namin ni Mama.
"Nagkaroon ng cancer si Mama and she was very afraid of it. Nagmakaawa siya kay Ate na tulungan siya. Pero ng mga panahong iyon we almost lost everything we had. There is no other choice but to get money from you. Napasang-ayon din namin si Ate lalo pa't ipinagpalit mo na siya sa iba. She was very devastated. She lived her life in sorrow and pain all through the years. Natuto lamang siyang bumangon dahil sa pagnanais niyang maibalik sa'yo lahat ng bagay na kinuha namin. Ginawa niya ang lahat ng iyon dahil mahal na mahal ka pa rin niya hanggang ngayon. That is the truth, Kuya. Do believe me.
"Stop lying to me, Rose. That is a very good story but you can't fool me twice. I have had enough of you."
Sukat na lamang ay bigla itong lumuhod sa harap niya. Labis na nagmamakaawa ang anyo nito. "Believe me, Kuya. Trust me, I'm telling the truth. Mahal na mahal ka ng Ate ko. Give your love another chance," her voice is begging, tears start running on her cheeks.
He tightened all of his emotion. "Kung mahal talaga ako ng Ate mo hindi niya gagawin ang mga bagay na iyon. Niloko niya ako. Iniwan. Sinaktan. Pinaasa. Paulit-ulit niya akong dinurog," masidhing galit na wika niya.
"Hindi totoo iyan, Kuya. Pakiusap. Alam kong mahal mo din si Ate."
"I'm tirde, Rose. I'm very tired. Leave me alone. Leave, now!" sapilitang ipinagtabuyan na niya ito. Wala naman itong nagawa laban sa pwersa niya. Pagkaalis nito ay nalulong na naman siya sa isang napakalalim na isipin.
Nililimi ng kanyang sistema ang lahat ng mga sinabi nito. Kasabay niyon ay muling nabuo sa kanyang balintataw ang imahe ni Reni na kanina pa nagsasalimbayan doon bago pa man dumating ang kapatid nito. She was so beautiful on his mind. Napuno ng pangungulila ang puso niya. Hindi man niya tanggapin ay hindi niya maikakaila ang katotohanang isiniwalat ni Rose na mahal na mahal pa rin niya si Reni. Sadyang napakahapdi sa damdamin ang lahat ng naganap sa buhay nila. Inabuso niyon ang puso niya, bugbog na bugbog na siya. His soul was dying. Agony is too weak for a word to describe his feelings.
BINABASA MO ANG
My Serenity
RomanceImage on cover photo is not mine. Credit to the rightful owner/s. A third chance in love.