Epilogue

373 5 0
                                    


EPILOGUE

SABAY na kumakaway sa mga bisita sa kanilang pangalawang kasal sina Jeth at Reni. Ginanap iyon sa lupain ng mga tubo. Sakay-sakay sila ngayong dalawa ng isang pinaganda at ginawang enggrandeng kariton na hila-hila ng isang mestisong kalabaw. Iyon ang regalo sa kanila ng mga katutubo. Si Mang Koro ang kanilang driver, na nagsabi pang mas malakas pa ito sa kalabaw.

Isang music box naman ang natanggap niya mula kay Cassandra. May kalakip iyon na maikling sulat ng paghingi ng tawad sapagkat hindi nakadalo ang babae sa kasal. Ang totoo niyan, wala na silang narinig mula rito at kay Gustavo simula nang mabili nilang muli ang kumpanya nila Jeth. Parang bulang naglaho ang dalawa pero hindi na siya nag-aalala ngayon sa kalagayan ng dalawa sapagkat nakalagay naman sa sulat na ayos lang ang mga ito.

At sila naman ni Jeth ay higit pa sa ayos, masayang-masaya sila! Lalo pa't may madadagdag na sa kanilang pamilya. She was now eight weeks pregnant. They're so excited to meet their first baby. Pero mas excited yata ang kapatid niyang si Rose dahil mga gamit pambata ang ineregalo sa kanilang kasal.

"Patunayan ninyong may forever!" pahabol na sigaw ng kanyang kapatid. Nagnining sa ligaya ang mga mata nito. Hawak nito ang bouquet na nasalo nito mula sa kanya. Ramdam na raw nito ang pagdating ng sarili nitong makakasama sa forever.

"Tara na sa forever, honey," bulong sa kanya ng asawa.

"Hinay-hinay lang tayo," nakangiting tugon niya.

"Huwag kang mag-alala, pampalusog daw ng bata ang lovemaking sabi ng doktor."

"Hindi naman si baby ang inaalala ko. Alam ko namang iingatan mo siya. Nag-aalala lang ako dun sa kubong tutuluyan natin," napapahagikgik na turan niya. Nagkatawanan sila nito.

Kumaway silang muli sa mga nagtutugtugan at nagsasayawang mga katutubo bago tuluyang tumuloy sa kanilang honeymoon destination. Nang umalis na ang kalabaw at si Mang koro ay agad silang pumasok sa loob ng maliit na kubo. Pinaganda at ginawang enggrande rin iyon ng mga katutubo. Ang kama ang unang nagging puntirya ng kanilang mga mata.

At nang sandaling lumapat ang kanilang katawan sa higaan ay bumuga ng init ng pagmamahal sa paligid.

"Take me to forever, Jeth..." she cooed.

"To forever, My Serenity..." he amorously echoed back.

And, yes, she will always be his serenity.

WAKAS

0U000U

My SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon