Prologue

280 9 3
                                    

A/N: This is my first horror story, I'm just trying to scare my self. So please, forgive me.. Bigla lang ako nagkaroon ng interest na magsulat ng horror.

....

Prologue

Naging palaisipan sa buong University ang pagkamatay ni Anikka Kim, Third year college at nasa Section 1A. Nanghihiniyang din ang mga guro niya dahil isa siya mga top student. Matalino, masiyahin at mabait na kaibigan si Anikka. Kaya labis na ipinagtataka ng kanyang mga kaklase ang pagpapakamatay nito na naganap sa mismong unibersidad nila. Wala namang nababangit na problema ang dalaga kaya naging misteryoso ang pagkamatay niya.

Nasusumikap si Anikka na makapagtapos dahil sya lamang ang inaasahan sa kanilang pamilya. Panganay sya sa tatlong magkakapatid. Mangingisda at nagtitinda sa palengke ang kinabubuhay ng kanyang pamilya. Mahirap lang sila at umaasa lamang sya sa scholarship na kanyang nakuha.

Hindi naman sya nahirapang magkaroon ng mga kaibigan dahil sadyang palakaibigan talaga sya. Hanggang nakilala nya ang mga kaibigan nung unang taon nya sa university na sina,

Vienne Salazar

Kimberly Chua

Jane Lee

Tamara Gomez

Masasabi nyang naging masaya ang buhay niya dahil nagkaroon sya ng bestfriends , hindi lang isa kundi apat pa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Masasabi nyang naging masaya ang buhay niya dahil nagkaroon sya ng bestfriends , hindi lang isa kundi apat pa.

Hanggang sa nangyari ang araw na natagpuan ang kanyang duguang katawan na nahulog mula sa ikatlong palapag ng kanilang school. Marami ang nakasaksi ng araw na 'yun kaya labis na lamang ang kanilang takot at panghihinayang.

Mula nun ay binalot na ng kababalaghan ang kanilang universidad.

Ngunit paano kung ang dahilan ng kanyang pagkamatay ay nag-uugnay sa mismong mga kaibigan nya..Sa kanyang pagbabalik ay mauungkat ang nakaraan na magpapabago sa buhay ng apat na estudyante ng Richmoon University.

Be ready when she's back for revenge because you never know there's a,

'GHOST by your side'

....

Are you ready to scare your self?

if yes, then continue reading......

GHOST by your SIDE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon