Chapter 2: RIP Anikka

98 8 0
                                    


Ghost by your side
by: MissLein

Vienne's POV:

"Anikka...." nasambit ko nalang. Napanganga ako ng makita ko ang mukha ni Annika. Alam kung takot na takot sya at umiiyak dahil taas baba ang balikat nya.
Nagkakagulo na ang lahat ng mga estudyante pati na rin ang mga guro ng universidad. Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na 'yun. Pati ako ay nanginginig na subrang takot at kaba ko. Kanina lang ay iniwan ko sya clinic kasama ang nurse,at sinabing bantayan muna si Anikka. Pa'nu nangyaring nasa roof top na sya ngayon. Tiningnan ko sina Tam,Kim at Jane. Gulat na gulat at takot din sila sa maaaring mangyari kay Anikka.

OMG!! Nababaliw na ba sya at magpapakamatay siya..

Kawawa naman si Anikka..anung nangyayari sa kanya,

Tatalon na ata sya. OMG!!!

May umakyat naba sa taas para pigilan sya?

Meron na. Andun 'yung security pati na rin yung ibang prof. para pigilan siya..

OMG!!!!

Anu kayang problema nya?...

Sunod-sunod kung narinig na sabi ng mga estudyante na nasa tabi ko kaya lalo akong kinabahan. Bigla kung naalala ang sinabi nya sa'kin kanina bago ko sya dalhin sa clinic.

"Papatayin nya ako..Kukunin nya ako Vienne. Hindi nyo ba sya nakita? Sinundan nya ako. Gabi-gabi dinadalaw nya ako sa kwarto ko. Pilit nya akong kinukuha.

"Uunahan ko sya....

Biglang bumalik ang diwa ko sa realidad ng biglang maghiyawan ang mga estudyante sa paligid ko.

Tumingala akong muli at nakita kung dahan-dahang naglakad si Anikka at inangat ang isang paa para humakbang paakyat sa sementong nagsisilbing harang. Naririnig ko ang mga boses na nagmumula sa taas para pigilan sya sa ginagawa.Pero tuloy-tuloy lang sya at nasa pinakataas na talaga sya. Isang maling galaw lang nya ay tuluyan na syang mahuhulog.

"A-anikka...please bumaba kana dyan. Please mag-usap tayo. Pag-usapan natin ang problema. Anikka...ako to si Vienne, please I'm begging you... " mangiyak-ngiyak kung sigaw sa kanya.
Pero nakita kung umiling sya sa'kin saka lumingon sa likuran nya.

Hindi ko na namalayan ang sumunod na eksena dahil para akong tatakasan ng ulirat.

Huli na ang lahat.

Parang slow motion ang katawan ni Anikka na unti-unting bumabagsak sa harapan naming lahat.

Napanganga nalang ako at nanlaki ang aking mga ng marinig ko ang sigaw at hiyawan ng lahat. Kasabay nun ay ang malakas na pagbagsak ng katawan ni Anikka sa semento.

Kitang-kita ng dalawang mata ko, na padapa syang bumagsak sa mismong ko. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at pakiramdam ko ay pigil na pigil din ang aking hininga. Dumaloy ang fresh pa dugo sa semento na nanggagaling sa ulo at mukha nito.

Nakadilat pa ang mga mata nya na para bang nakatingin sa aming apat. Kinilabutan ako ng subra. Para akong mawawalan ng malay. Napaupo ako sa sahig kaya niyakap ako nina Tamara,Kim at Jane. Humagulgol na ako ng iyak.

"A-anikka............



"OMG! Anikka, " narinig kung sambit nilang tatlo.

Nakita ko rin na may ilang hinimatay sa nasaksihan. Nag-iiyakan na din ang iba naming kaklase.

Nanatili lang akong nakaupo habang nakatitig sa kalunos-lunos na kalagayan na sinapit ng kaibigan namin. Patuloy pa din sa pag-agos ang pulang dugo ni Anikka.. Hanggang sa may mga pulis at ambulance ng dumating.

Inalalayan naman ako ng tatlo sa pagtayo. Binuhat na din ang katawan ni Anikka. Kaya labis nalang ang iyak ko at napayakap kay Kim ng mahigpit. Durog ang kabilang mukha nya at may dugo pa ding nanggagaling dun. Halos hindi na makilala ang mukha nya dahil sa subrang lakas ng impact ng pagkahulog nya.

Isinakay na ang katawan nya sa ambulansya. Naiwan naman ang bakas ng dugo sa semento na nagmula sa ibat-ibang parte ng katawan nya.
Hindi ko na nakayanan pa ang mga nangyari kaya hindi na ako sumama sa pagdala sa kanya sa morgue. Tirik na tirik ang araw pero pakiramdam ko subrang dilim ng paligid ko.

Sinamahan lang ako nilang tatlo. Pare-pareho kaming tulala at hindi makapagsalita dahil sa nangyari kay Anikka. Tinawagan na din ng Prof. ang mga magulang nya.

----

Tamara's POV:

Tatlong araw na ang nakakalipas, pero wala pa rin kaming lakas ng loob para pumunta sa bahay nina Anikka. Nasa klase kami ngayon at wala ni isa sa aming nagsasalita. Pati ang mga kaklase namin ay tahimik lang. Wala pa ding nakaka-move dahil sa nasaksihan ng lahat ng estudyante. Maging ang mga prof. ay labis na natakot at naghihinagpis.

Pagkatapos ng klase ay kinausap ko sina Vienne,Kim at Jane.

"Girls, I think we have to visit Anikka.. Alam ko masakit ang nangyari sa kanya but we have to go there." wika ko sa kanila.

Narinig kung umiyak na naman si Vienne, mas malapit kasi sila sa isat-isa at magkapatid na ang turing nila sa isat-isa.
Napagpasyahan na naming dumalaw sa bahay nina Anikka, maliit lang ang bahay nila at makikitang yari sa kawayan ang bandang kusina at semento naman ang sa sala.

Sinalubong kami ni Tita Anna, namumugto ang kanyang mga mata dahil sa pag-iyak.
Niyakap ni Vienne si Tita at may ibinulong.

"Tita Anna, I'm sorry.. Hindi ko sya natulungan..


"Wala kang kasalan Vienne, alam ko mabait kang kaibigan kay Annika."


"Condolence po tita," sabay naming wika nina Kim at Jane.


"Sige pumasok muna kayo, pinaupo kami ni Tita sa kawayang upuan. May ilang tao na narito marahil ay kamag-anak ni Anikka."

Hinawakan ko ang mga kamay ni Vienne. Nanlalamig sya samantalang ang init ng panahon. Nakita kung nakatayo ang ama ni Anikka sa harap ng puti nyang kabaong. Umiiyak sya at hinihimas ang salamin ng kabaong. Maya-maya pa ay pinaupo na sya ni Amalia, kapatid ni Anikka at pinakalma. Para naman akong ipinako sa kinauupuan ko. Hindi ako makagalaw parang hindi ko kayang tingnan si Anikka. Akala ko kanina kaya ko na dahil ako ang nagyaya sa kanila dito.

Dahan-dahang tumayo si Vienne habang pinupunasan ang mga luha nya sa pisngi. Kasunod naman nya si Kim at Jane at inalalayan sya. Humahagulhol na sila. Pagkaraan ng ilang sandali ay naupo na sila. Kausap na ni Vienne si Tita Ana at Tito Arturo. Naglakas loob na din akong tumayo hanggang sa nakarating na ako sa harap. Nakita ko ang mukha ni Anikka. May nakalagay na puting tila na nakabalot sa kabila nyang pisngi. Hindi ko inakala na ganito ang sasapitin nya.

Tumulo ang mga luha ko at pumatak ito sa salamin ng kabaong.

"I'm sorry! RIP Anikka, mahinang sambit ko....
ngunit nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko ng biglang dumilat ang mga mata ni Anikka. Dumilat sya. At galit sya.Nakatingin sya sa'kin. Kaya naman napaatras ako at biglang napaupo sa sahig.

"Okey, ka kang ba Tamara?" pag-aalalang tanung ni Jane. Tumango lang ako sa kanya.

Totoo ba ang nakita ko,tanung ko sa sarili ko.

To be continued....

Please write down your comment!!!!



GHOST by your SIDE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon