Chapter 4: Goodbye

74 7 1
                                    

GHOST by your side
by: MissLein

Third person's POV:

..

Ngayon na ang araw ng libing kay Anikka, lahat ng estudyante pati na mga prof. ng Richmoon University ay pumunta at nakidalamhati sa naiwang pamilya. Nakasuot ang lahat ng puti. Sabay-sabay nilang inihatid sa huling hantungan ang katawan ni Annika, nagdadalamhati ang lahat lalo na ang mga magulang nya. Napakasakit para sa kanila na makita ang kanilang anak sa ganung sitwasyon. Ni minsan ay hindi nila naisip na sila pa mismo ang maghahatid sa huling hantungan nito. Na mas nauna pa itong mawala sa mundo. Ang anak nila na nagsusumikap para makapagtapos. Matayog ang mga pangarap pero sa isang iglap ay naglaho ang lahat. At hanggang sa ngayon ay wala pa ding nakakaalam sa dahilan nito ng pag papakamatay.

Magkahawak kamay ang apat sina Vienne,Tamara, Kim, at Jane habang umiiyak. Halos mawalan na din ng malay ang ina ni Anikka dahil sa subrang sakit na nararamdaman nito. Dinaluhan naman sya ng asawa nito para pakalmahin.

Malakas na iyakan ang bumalot sa buong lugar, paghihinagpis ng pagkawala ng isang anak, kaibigan, kaklase, ang nararamdaman ng lahat ng mga oras na yun. Unti-unti ng ibinababa sa lupa at lalong lumalakas ang iyak ng lahat.

"Anikka, anak ko..... sigaw ng kanyang ina,

"Mahal na mahal ka namin Anak," wika naman ng kanyang ama.

Naghagis na din ng mga puting bulaklak tanda ng pag-alala sa kanya. Hanggang sa tuluyan na itong naibaba at inumpisahan ng takpan ng lupa.

"Goodbye Anikka, you will always be in our heart...

"Goodbye,

....

Vienne's POV:

Pagkatapos ng libing ni Anikka ay hindi muna kami umuwe. May iilan pang naiwan sa cemetery kasama na dun ang pamilya ni Anikka pati kaming apat ay nagpaiwan din. Kinausap ko muna si Tita Anna, umiiyak pa din sya.

Hindi ko mawari ang nararamdaman ko ng mga oras na 'yun. Kakaiba ang nararamdaman ko, parang may nakamasid sa amin sa malayo. Iginala ko ang aking paningin hanggang sa makita ko ang isang babaeng nakatayo sa gilid ng punong akasya. Nakasuot sya ng puting damit, medyo mahaba ang kanyang buhok na sumusunod sa ihip ng hangin. Pinagmasdan ko syang mabuti at nakangiti sya. Pero ang ngiti nya ay nagdala ng kakapangilabot na sensasyon. Pakiramdam ko ay nagtayuan ang mga nalahibo ko.

"Vienne, okey ka lang ba?" takang tanung ni Jane sa'kin. Napalingon ako sa kanya at tumango tapos ang tiningnan ko uli ang kinaroroonan nung babae pero wala na ito doon. Nagpasya na kaming umuwe at magpahinga.

Habang nasa daan ay napatuon ang paningin ko sa gilid ng kalsada. Natakot ako bigla ng makita ko yung babaeng nakita ko kanina, nakangiti pa rin sya at ngayon ay malapitan ko ng nakita ang mukha nya. Napatingin sya sa'kin kasabay nun ay ang pag-ihip ng malamig na hangin.

Napayakap ako sa sarili ko dahil sa naramdaman ko. Takot. Kilabot.

Ipinikit ko ang mga mata ko, para hindi ko na makita ang mukha nya. Medyo mabagal kasi ang takbo ng kotse kung kaya kitang-kita ko ang nakakakilabot nyang ngiti.

"OMG!!! Vienne, calm down. Masyado mong tinatakot ang sarili mo." bulong ko sa sarili ko. Naramdaman ko namang may humawak sa braso ko, napamulat ako at nakatitig sa'kin si Kimberly.

"Hey, you OK? kanina kapa walang imik. tanung nya.


"Yah! Pagod lang siguro ito." wika ko. Dalawang gabi din kasi akong nanatili sa bahay nina Anikka, kaya naman medyo kulang ang tulog ko. Pagkatapos nila akong ihatid sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto ko at natulog.


...

Ilang araw na ang nakakalipas mula ng ilibing si Anikka, pero sariwa pa din sa alaala ng lahat ang mga nangyari. Balita ko nga 'yung ibang student sa lower year ay nag transfer na dahil natakot ang mga ito sa nasaksihan.

Nakakapanibago din dahil bakanti na ang paboritong upuan ni Anikka sa klase.
Kapag may oral resitation ay wala ng Anikkang magtataas ng kamay para sumagot sa mga tanung ng prof. kapag wala ni isang maglalakas loob na magsalita.

Matalino si Anikka, kung kayat hindi nakapagtatakang palagi itong napapasama sa deans list. Wala na ang makulit at masiyahing si Anikka. Wala ng magtuturo samin kapag nahihirapan kaming intindihin ang mga lessons.

"Okey class, sino ang pwedeng tumayo at sagutin ang problem dito sa harap.? tanung ni Mrs. Alcantara, Trigonomy teacher namin. Katahimikan ang bumalot sa loob ng classroom. Hanggang sa biglang natumba ang bakanting upuan sa likuran.
Napalingon ang lahat sa dating pwesto ni Anikka, nakataob na ito sa sahig. Nakakapagtaka dahil sa wala namang gumagalaw dun. Nakatulala ang lahat. Pati na rin kaming apat ay nagkatinginan. Imposible namang tangayin ito ng hangin dahil gawa ito sa bakal kaya mabigat. Walang nagsalita ni isa. Pati si Mrs.Alcantara ay nakatingin lang sa upuan.

Hanggang sa biglang simigaw si Leah, isa sa mga kaklase namin. Napatingin kami sa direksyon kung san sya nakatingin. Nanlaki ang mga mata naming lahat sa aming mga nakita, may nakasulat sa blackboard.

"I'm back...isasama ko kayo. nakasulat ito gamit ang kulay pulang tinta.



"OMG!!!! Its blood.... sigaw pa ng isa kung kaklase, napatayo kaming lahat at nag-uunahan kaming lumabas sa classroom. Hindi lang iyon ordinaryong tinta dahil kitang-kita na dugo ito at tumutulo pa sa sahig ang iba. Nagkulasan ang lahat at nagtatakbo sa ibat-ibang direksyon. Ako naman ay dali-daling tumakbo pababa. Hindi ko na mahagilap kung nasaan ang tatlo basta tumakbo lang ako papuntang quadrangle.
Hingal na hingal ako kaya naman napaupo ako sa bench.

Maya-maya pa ay may naramdaman akong umupo sa tabi ko. Nakasuot ito ng puting bestida at mahaba ang buhok. Dahan-dahan kung inangat ang ulo ko para tingnan kung sino ang katabi ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang mukha nya. Nakangiti sya sa'kin kaya nangilabot ako bigla. Sya din yung babaeng nakita ko sa cemetery. Hinawakan nya ang kamay ko tumulo ang dugo na nagmumula sa bunganga nya. Dahilan para umalingaw- ngaw ang tili ko sa buong unibersidad. Napaupo na lamang ako sa damu at napapikit.


"Vienne, paramdaman kung may humawak sa braso ko. Iminulat ko ang mata ko at nahimasmasan ako ng makita sina Tam,Kim at Jane na nasa harapan ko.

"Are you okey?" pag-aalalang tanung ni Jane. Iginala ko ang mga mata ko. Wala na yung babae.


"Let's go Vienne, we have to go..Umuwe na tayo." wika ni Kim. Suspended muna ang klase ngayon ang klase ng lahat dahil sa nangyari. Nakarating na din sa lower year ang nangyari kaya pinauwe muna ang lahat habang iniimbestigahan ang nangyari kanina.


Sino 'yung babaeng nakita ko kanina...bakit lagi ko syang nakikita.

at sino ang may gawa kanina sa blackboard. Kung my nagbibiro lang ay hindi talaga nakakatuwa...




To be continued....

Please comment down if whats your reaction bout this chapter...

Natakot ba kayo?
Boring?
Weird?
or kahit anu....

Thank you..

Keep on reading!






GHOST by your SIDE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon