Chapter 13: The Revelation

54 3 1
                                    

Ghost by your side

Here you go down to last two chapter, dito na malalaman ang connection ng bawat isa sa kanila. Enjoy reading!

Pagkatapos kung makauwe ng bahay ay dumiretso na ako sa kwarto. Sinubukan kung e dial ang numero ni Almira, pero hindi ko iyon ma-contact. Nagtataka nga ako kung bakit ngayon na kailangan ko sya saka ko naman hindi matawagan. Nahiga nalang ako pero nanatili akong gising, ayoko matulog kasi pakiramdam ko oras na matulog ako ay babangungitin ako at hindi na ako muling magigising pa. Nakatitig lang ako sa kisame, at iniisip ko ang lahat ng mga nangyayari. Natatakot ako sa anu mang matutuklasan ko pa. Maya-maya pa ay biglang tumunog ang cellphone ko, kinuha ko ito at tiningan kung sino ang nagtext. Nabasa ko agad ang pangalan ni Almira.

Vienne, puntahan mo ako dito sa school nyo sa Richmoon. May kailangan akong sabihin sayo. Aantayin kita.

Almira,

Bigla akong napabangon ng mabasa ko ang message ni Almira, anong ginagawa nya sa school namin at panu nya nalaman na dun ako nag-aaral. Sa pagkakatanda ko hindi ko yun nabangit sa kanya ni minsan at anung ginagawa nya dun sa mga oras na ito. Dali-dali akong bumangon at nagbihis, sigurado akong importante ang sasabihin ni Almira. Sinubukan kung tawagan ang cellphone nya pero hindi na ito ma-contact. Hindi na ako nakapagpaalam pa kay Mommy at Daddy dahil nag-aalala ako kay Almira. Agad kung tinungo ang school namin mabuti nalang at hindi gaanung mahigpit ang guard, pinayagan akong makapasok ng campus. Nag dahilan nalang ako na may group study kami sa library.

Tumakbo ako papasok, kinapa ko ang bulsa ng suot kung pantalon pero wala ang cellphone ko. Nakalimutan ko pala iyong ilagay kanina sa bulsa ko dahil sa pagmamadali ko. Hindi rin nabanggit ni Almira kung saan kami magkikita kaya naman naisip ko nalang siyang hanapin sa harapan ng school building. Pagdating ko dun ay wala akong nakitang sino man. Kaya naman pumunta ako sa quadrangle, naupo muna ako sa bench at tumingala sa kalangitan. Full moon, yun ang unang bumungad sa'king mga mata, liwanag na nagmumula sa bilog na buwan sa kalangitan.

Maya-maya pa ay naaninag ko ang isang bulto na papalapit sa kinaroroonan ko. "Almira,,, tawag ko sa kanya. Pero habang papalapit sya sa'kin ay unti unti ring nagbago ang anyo nito.

"Hahahahahahahah......mabuti naman at nakarating ka,,,,

Nakakakilabot na tawa ang narinig ko, kasabay ng tawa ay bumungad sa'kin ang galit na mga mata. Ni Stephany. Wala na akong ligtas ngayon sa kanya, papatayin na nya ako. Ibig sabihin hindi si Almira ang nagtext sa'kin kundi si Stephany.

"A-anu ba talaga ang kailangan mo sa'kin? sigaw ko sa kanya. Bakit ayaw mo akong tantanan?. naiiyak na wika ko.

"Dahil...pinabayaan mo ako, wala kang ginawa...... kaya papatayin kita.

"Hindi kita naiintindihan. Anong pinabayaan? Ginawa saan?. sunod na sunod kung tanung sa kanya. 'Sorry, kung may nagawa man ako sayo..

"Huli na ang lahat, wala ka ng magagawa pa.... Maya-maya pa ay nakita ko na naman ang matalim na kutsiyo na hawak-hawak nya. Bago pa man sya makalapit sa'kin ay napaatras na ako.

"Hahahaha...tumakbo kana hanggat gusto mo pero hindi mo ako matatakasan. wika nya. Kaya naman tumakbo na ako ng mabilis, lakad takbo ang ginawa ko hanggang sa makarating ako sa harapan ng building. Muntikan na akong matumba ng may nabangga ako. Nagulat nalang ako sa nakita ko.

"V-vienne......

"Jane, Kim, Tam...anung ginagawa nyo rito? takang tanung ko sa kanya habang habol ko pa din ang hininga ko.

"Vienne...akala namin, ikaw ang nagtext samin. Sabi mo puntahan ka namin dito sa school dahil may sasabihin ka sa'min." nanginginig na wika ni Jane.

"Pero....iba pala ang nagtext samin. dagdag naman ni Kim.

"S-sino?? tanung ko sa kanila. Hindi ko na nga naalalang may humahabol palang multo sa'kin.

"S-si Anikka....Papatayin nya kami Vienne. Tulungan mo kami pakiusap. naiiyak na wika Tamara. Galit sya samin. dagdag pa nya.

"Galit ! bakit? tanung ko sa kanila.
Hindi ko na din maintindihan ang sinasabi nila. Bakit naman sila papatayin ni Anikka...magkakaibigan kaming lima. tanung ko sa sarili ko. Bago pa man sila makapagsalitang muli ay bigla namang sumulpot sa harapan namin si Anikka. May hawak itong patalim.

"A-anikka....tawag ko sa kanya, malungkot ang mga mata nya. Suot nya ang uniform nung mamatay siya. Puno iyon ng dugo at natatakpan ng mahaba nyang buhok ang kanyang mukha. Batid kung sira iyon dahil sa pagbagsak nya sa semento at dahil na rin sa dugong tumutulo mula roon. Bigla namang napaatras sa likuran ko ang tatlo. Nanginginig at takot na takot sila kay Anikka.

"Papatayin mo sila? Bakit Anikka? Kaibigan mo sila. Kaibigan natin. wika ko sa kanya.

"V-vienne... wala kang alam... sigaw nya.

"Tama ka Anikka. Wala nga akong alam. Wala akong kwentang kaibigan. naiiyak na sagot ko sa kanya. Naalala ko na naman kasi ang mga nalaman ko sa kanya. Ang pagpatay niya kay Stephany at Laurice. At ngayon papatayin niya sina Kim, Tam at Jane.

"Bakit mo sila papatayin? Anung kasalanan nila sayo. Gagawin mo na naman ba ang kasalanang ginawa mo nun? tanung ko sa kanya.

"D-dahil...hinayaan nila akong mamatay. sagot nya. Hindi ko alam kung bakit pareho ang mga sinasabi nila ni Stephany sakin.
Tiningnan ko silang tatlo. Nag- aantay ng kasagutan.

"A-anikka... hindi namin sinasadya, hindi namin alam na mauuwe sa lahat ang ganito." naiiyak na wika ni Kim.

"Pinabayaan nyo akong tatlo. Alam nyo ang nangyari sakin pagkatapos nating mag spirit of the glass. Sinabi ko sa inyong sinusundan ako ng kaluluwa, pero hindi nyo ako tinulungan. Hinayaan nyo ako. Alam kung nakita nyo kung anung nakita ko. Pero anung ginawa nyo? Akala ko mga kaibigan ko kayo pero hindi. Binaliwala nyo ako. Nung nahimatay ako at dinala sa clinic, hindi bat nakita nyo rin sya? Pero pinagtulungan nyo ako. Pinagtawanan nyo pa ako. Bakit hah? Dahil naiingit kayo sa'kin? Dahil mas matalino ako sa inyo? Kung alam nyo lang ang mga pinagdaanan ko..... nakita kung tumulo na ang mga luha ni Anikka.

"Anikka...pinagsisisihan na namin ang lahat. Sorry, kung hindi kami naging mabuting kaibigan sayo. Kung alam mo lang kung gaano kami inuusig ng konsensya namin gabi-gabi.... wika ni Kim.

"A-anikka...patawarin mo na sana kami. Hindi namin ginusto na mamatay ka... ani Jane.

"Sorryy... naging ingitira kami at makasarili. Pero Anikka...kung maibabalik lang sana namin ang lahat.... dagdag naman ni Tamara.

Lalo pa akong naguluhan sa mga narinig ko ngayon. May kinalaman ang tatlo sa pagkamatay ni Anikka. Bakit wala akong alam? Bakit ngayon ko lang nalalaman ang lahat ng ito. Napatigil nalang ako sa pag-iisip ng biglang sumulpot ang nakakatakot na anyo ni Stephany.

"Hahahahahaha........mamatay na kayong lahat. nakakalokang wika nya.



to be continued....


GHOST by your SIDE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon