Chapter 7: Unknown caller

70 3 0
                                    


Ghost by your side
by: MissLein

TAMARA's POV:

Hellow Jane....

"T-tamara.. Tulungan ako please...nangangatal na wika nya.

"Tulungan saan? tanung ko sa kanya.

"Si Anikka, nandito sya. papata-----
napatigil sya sa pagsasalita dahil bigla akong kinilabutan.

"J-jane.......jane...nariyan ka paba? tanung ko sa kanya pero hindi na sya nagsalita pa. Napaupo ako sa kama ko at sinubukan kung idial ang numero ni Jane pero out of coverage na ito. Hindi ko na alam ang gagawin ko, kinakabahan ako. Nagulat ako ng biglang tumunog ang cellphone ko, kumunot ang noo ko ng makitang hindi naka register sa phone book ko yung number. Dali-dali ko itong dinampot at sinagot, baka nalowbat si Jane kaya gumamit ng ibang number.

"H-hellow Jane......

"Hellow....

"Hellow!!!! wika ko pero walang nagsasalita. Katahimikan lang mula sa kabilang linya ang naririnig ko. Napamura na lang ako dahil nag-aalala na ako kay Jane. Tapos dadagdag pa itong tumatawag. Ibinato ko sa kama ang cellphone ko at napaupo sa sahig ng bigla tumunog uli ang cellphone ko. Tumayo ako at agad na sinagot. Pero tulad ng kanina ay wala akong naririnig sa kabilang linya.

",Kung ayaw mo magsalita at wala kang magawa sa buhay ay manahimik ka nalang...." sigaw ko. Ibababa ko na sana ang cellphone ko ng may narinig akong umiiyak sa kabilang linya.

"Tulungan mo ako......

"J-jane, ekaw ba yan? tanung ko sa kanya ng narinig ko ang boses ng babae.

"Papatayin kita....... wika nya. Nanginig ang kamay ko ng mapagtanto ba boses iyon ni Anikka. Pagkatapos ay humalakhak ito ng nakakakilabot. Nagtayuan ang buhok ko sa batok at nakaramdam ako ng subrang lamig.

Pinatay ko agad ang cellphone ko. Hindi ko alam kung panu nangyaring lumabas sa screen ko ang picture naming lima na magkakasama dahil naka lock ito. Nabitawan ko na lamang ito ng biglang naging kulay pula ang mukha ko sa larawan. Hanggang sa may lubas ng dugo mula sa screen. Nabitawan ko ito at bumagsak sa sahig dahilan para mabasag ito at nagtalsikan ang basag na bobog sa paa ko. Nakaramdam ako ng pamamanhid at parang tatakasan ako ng malay dahil nakita kung dumudugo ang paa ko. Takot ako sa dugo mula pa man. Pero lalo akong nanigas sa kinatatayuan ko ng biglang may pumatak na dugo mula sa kisame ng kwarto ko. Dahan-dahan akong tumingala at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Anikka. Dumutulo ang dugo mula sa basag nyang mukha. Napatili ako ng malakas pero pakiramdam ko walang lumalabas na boses mula sa bibig ko.

"A-anikka........ ngatal kung wika habang unti-unting pumapatak ang luha sa mga mata ko.

"Papatayin kita...papatayin ko kayong lahat ......unti-unti syang naglalakad papalapit sakin habang paatras naman ako habang nakaupo pa rin sa sahig.

"A-anikka...im sorry... hindi namin sinasadya....

"Mamatay kana..... wika nya at hinawakan ako sa leeg ko. Hindi ko matingnan ang mukhs nya dahil nakakakilabot talaga ito pero nararamdaman kung hindi ako makahinga dahil sa ginagawa nyang pagsakal sa'kin...Kaya naman pinilit kung tumayo kahit na ang sakit ng paa ko, buong lakas ko syang itinulak at tumakbo ako pababa ng hagdan.
Nawalan ako ng balanse kaya naman gumulong ako pababa. Nakita ko pang papalapit na si Anikka pero bago pa man ay nawalan na ako ng malay.

Vienne's POV:

Dahan-dahan akong lumapit sa pwesto nina Anikka,Jane,Kim at Tamara. Parang seryoso ata ang pinag-uusapan nilang apat,ang daya hindi man lang nila ako sinali. May sekreto kaya sila. Naglakad ako papalapit sa kanila.

"Booommm.....

"V-vienne, gulat na wika ni Tamara.

"May problema ba? para kayong nakakita ng multo ah...may itinatago ba kayo sa'kin? tanung ko sa kanila. Sabay-sabay naman silang umiling. They acting so weird this past few days.

"Naglilihim na kayo sa'kin ah. Akala ko ba bestfriend forever..." pagtatampo ko kunyari. Inakbayan ako ni Anikka at ngumiti.

"Syempre naman...bff always and forever.... sabay-sabay na wika ng apat at nagyakapan na kaming lima na parang mga baliw. Magkakaiba man kami ng mga ugali ay nagkakasundo naman kami sa mga bagay-bagay.

...

"Im so sorry Vienne.....

"Sorry for what..?

"For everything...kung hindi ako naging mabuting kaibigan...

"Anikka...anu bang sinasabi mo.. naging mabuti ka sa lahat..ekaw ang dahilan kung bakit nabuo ang friendship nating lima..

"Basta....sorry .....

...

Papatayin nya ako Vienne...

Uunahan ko sya....

A-anikkkka........

...

Napabalikwas ako ng bangon ng mapanaginipan ko si Anikka. Hindi ko namalayang may luha na pala ang pisngi ko. Tapos biglang tumunog ang cellphone ko kaya sinagot ko agad ito.

"Hellow.....Vienne....

"Kim....

"Vienne...pumunta ka dito sa hospital...

"Hah? Bakit? Anung nangyari? Okey ka lang ba...

"No. I mean. Not me. Si Tam at Jane. Narito din sila sa hospital..

"W-what????

Dali-dali akong pumunta sa hospital. At nadatnan ko sina Tam at Jane na nakahega sa hospital bed na katabi lang din ni Kim.
Naroon din ang mga parents nila.
Lumapit ako sa kanila at nakitang pareho silang may vantage -si Jane ay sa ulo at si Tam naman ay sa binti. Pareho pa silang walang malay. Ayun sa doktor ay okey naman na sila peru under observation pa. Hindi ko na alam kung anu ang gagawin ko at iisipin. Kaninang umaga lang ay nagkagulo sa school. Nagpakita si Anikka dahilan para magkagulo ang mga kaklase namin at ikinapahamak ni Kim. Ngayon naman na untog si Jane at nahulog naman si Tamara mula sa hagdan. Hindi ko na talaga alam kung anu ang iisipin ko. Bakit ba nangyayari ang lahat ng ito. Nawala na si Anikka pati pa ba naman silang tatlo. Coincedence lang ba ang lahat? May kinalaman kaya si Anikka sa lahat ng ito. Pero bakit naman nya yun gagawin.

Natapos ang pag-iisip ko ng biglang nahagip ng paningin ko ang isang familiar na bulto. Hindi ako pwedeng magkamali ,sya yung babae na nakita ko nun sa libing Anikka. Dali-dali akong lumabas at sinundan yung babae.

"Miss...sandali lang ...tawag ko sa kanya. Pero nanlaki ang mga mata ko ng makitang duguan ang puti nyang bestida saka tumingin sakin. Tapos ay nawala itong bigla, kaya napatakbo ako pabalik sa kwarto.

..........

Thank you for reading...

Anu nga ba ang connection nung babae kay Anikka at sa tatlo nyang mga kaibigan na sina Kim,Jane Tamara.

Keep on voting !!!!







GHOST by your SIDE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon