Chapter 11: Unfinished Business

57 1 1
                                    

Ghost by your side

Pagkatapos kung lumabas ng kwarto ni Anikka ay agad na akong dumiretso sa kusina. Nadatnan kung nakahanda na ang hapagkainan, kumain na kami at pagkatapos ay agad na din akong nagpaalam at umuwe ng bahay. Sa totoo lang ay natatakot akong matulog lalo na at nag-iisa ako sa bahay ngayon. Umalis muli sila Mommy at Daddy kanina dahil may kailangan pa silang ayusin sa negosyo. Babalik naman daw sila bukas ng hapon kaya inisip ko nalang na nasa kabilang kwarto lang sila. Nakahiga na ako at hinayaan ko na lamang na nakabukas ang ilaw. Baka kasi magpakita na naman si Stephany sa'kin. Pilit kung ipinikit ang mga mata ko pero hindi talaga ako makatulog. Maya-maya pa ay biglang tumunog ang cellphone ko, dinampot ko ito agad at sinagot ang tawag.

"H-hellow....

"Hellow,, ate Vienne. Ako 'to si Almira.. Okey ka lang ba? tanung nya.

"Okey lang ako. Buti tumawag ka, actually kanina ko pa inaantay ang tawag mo. Nakalimutan ko naman kasi kunin ang number mo. Nga pala may nalaman ako Almira... wika ko sa kanya.

"Talaga? Anong nalaman mo? tanung nya.

"Alam ko na kung sino ang pumatay kay Stephany at Laurice.

"Wag mo sabihing tama ang hinala ko? tanung pa nya. Hindi muna ako sumagot. Pagkaraan ng ilang segundo ay huminga ako ng malalim bago muling magsalita.

"Tama ka! Si Anikka. Si Anikka nga ang pumatay sa kanila. Nabasa ko sa diary nya at nagpakita sya sa'kin kanina at inamin ang lahat. Pero kailangan ko pang malaman kung anu ba talaga ang gusto ni Stephany kung bakit nya gustong maghiganti." pahayag ko sa kanya.

"Pero, Ate Vienne. Mag-iingat ka sa kanya. Nakita ko sa mga mata ang galit. Kung anu man yang unfinished business nya, im sure may kinalaman yun sayo..

"Salamat, Almira...sige magpahinga kana, may pasok ka pa bukas. Babalitaan nalang kita, siguro kakailanganin ko din uli ang tulong mo para makabalik dyan sa school nyo." Pagkatapos naming mag-usap ni Almira ay pinilit kung muling makatulog, hanggang sa hindi ko na din namalayan ang antok.

"Wag..pakiusap lubayan mo na ako, wala akong kasalanan sayo. Layuan mo ako...W-wagggg.... malakas na sigaw ko. Naramdaman ko nalang na may humawak sa magkabilang braso ko. "V-vienne, anak gumising ka.narinig kung wika ni Mommy, napabangon agad ako hingal at pagod ang naramdaman ko.

"Mommy....akala ko mamamatay na ako."naiiyak na wika ko sabay yakap sa kanya.

"Its okey baby! Your just having a nightmare. Mabuti nalang at maaga naming natapos ang mga gagawin kaya nakabalik kami uli. Dont worry, hindi kana namin iiwan mag-isa ng daddy mo. Okey?. mag-ayos kana habang hinahanda ko ang mesa inaayos lang ng daddy mo ang mga gamit sa baba.

"O-okey mom..Ill be there after a minute. sagot ko sa kanya pakiramdam ko totoo ang nangyari. Akala ko papatayin na ako ni Stephany hanggang sa panaginip ba naman sinusundan nya ako. Pagkatapos kung mag-ayos ng sarili ko ay agad na akong bumaba. Sabay-sabay kaming tatlo nag-almusal pagkatapos ay nagpaalam na ako. Pumasok sa school, dumiretso na agad ako sa classroom naabutan ko naroon ang iba kung kaklase pati na rin sina Kim,Jane at Tam. Napanatag na ang loob ko dahil alam kung ok na sila.

Habang nasa klase ay hindi ko mapigilang mag-isip dahil sa mga nangyari ng mga nakaraang araw at hanggang kahapon. Mula sa pagkamatay ni Anikka, pagpapakita nito sa school, ang magkasunod na aksedinting nangyari kina Kim,Jane at Tamara. Pati na ang pagpapakita ni Stephany sa'kin at ang pagkamatay niya pati ng kaibigan nyang si Laurice. At ang krimeng ginawa ni Anikka. Maguguluhan na ako sa lahat ng nangyayari, magkakaugnay kaya ang lahat ng ito? tanung ko nalang sa sarili ko.

"V-vienne, okey ka lang ba? takang tanung ni Jane na nasa tabi ko. Wala ng kababalaghang nangyari sa loob ng classroom pero nagpapakita naman siya sa ibang lugar. Pagkatapos ng klase ay dumeritso na kami sa canteen, pagkaraan ng ilang minuto ay nagpaalam muna ako sa kanilang tatlo at sinabing pupunta lang muna ako sa library. Pagdating dun ay humanap ako ng pwesto, inilabas ko ang diary ni Anikka at binuksan ang ilang pahina nito.

March 22,2016

Isang linggo ang nakakaraan mula ng mag-umpisa akong makaramdam ng kakaiba sa paligid ko. Hanggang sa isang gabi bigla nalang nagpakita si Stephany sa'kin. Galit na galit sya. At alam kung bumalik sya para maghiganti sa'kin.. Pero hindi nya ako mapapatay, dahil uunahan ko sya tulad ng ginawa ko sa kanya noon apat na taon na ang nakakaraan. Sana mapatawad ako nina inay at itay dahil sa gagawin ko. Sana dumating yung araw na maiintindihan nila ako. This must be my last day. Im sorry sa lahat ng mga ginawa ko.

Napaluha na lamang ako pagkatapos kung mabasa ang huling pahina na isinulat ni Anikka, ito yung huling isinulat nya bago sya tumalon mula sa roof top. Wala akong nagawa para tulungan sya, wala akong kwentang kaibigan. Ni hindi ko man lang alam na may mabigat syang pinagdadaanan. Halos apat na taon na din kaming magkaibigan pero wala akong alam. Sana napigilan ko pa sya, sana magkakasama pa kaming aakyat sa stage sa darating na graduation.

Im sorry, Anikka...

"Miss, okey ka lang ba? May problema kaba? takang tanung sa'kin ng tagapamahala ng library. Umiling na lamang ako bilang sagot. Subrang bigat ng kalooban ko dahil sa mga nabasa ko pero hanggang ngayon palaisipan pa rin sa'kin kung bakit nagawa ni Annika ang pagpatay sa dalawang estudyante ng REHS.

Inayos ko muna ang sarili ko bago tuluyang lumabas ng library, bumalik akong muli sa canteen kung saan naroon ang tatlo. Hindi ko nalang ipinahala sa kanila na umiyak ako, ayoko na mag-alala pa sila sa'kin. Sa ngayon, ako nalang muna ang nakakaalam ng lahat. Hindi ko alam kung pa'nu ako ito uumpisan lalo na at madami na akong nadudiskubre tungkol kay Anikka. Natapos ang maghapong klase, nagpaalam na ako sa tatlo na mauuna na akong umuwi dahil may dadaanan pa ako. Ang totoo nyan makikipagkita ako kay Almira dahil baka may iba na syang alam tungkol sa naganap noon sa school nila. Ayun kasi sa kanya naging pribado ang lahat ng impormasyon sa nangyari apat na taon ang nakakaraan.

Isa lang ang nasa isip ko ngayon, ay alamin ang unfinished business ni Stephany.


Malapit na malapit na talagang matapos. Pero bago ang lahat, marami pang mga revelation ang matutuklasan ni Vienne. Sana magustuhan nyo yung kwento kahit medyo bored minsan ung chapters 😁

Just drop your comments or votes 🌟🌟🌟 Thank you !!!!

GHOST by your SIDE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon