Chapter 5.2

83 3 0
                                    

A/N: This will be the last POV for Anikka, ito na 'yung final bago sya tumalon dun sa roof top. Madami pang matutuklasan na lihim. Kung anung kinalaman ng mga kaibigan nya sa pagkamatay nya at kung sino ang babaeng multo na nagpapakita sa kanya.

This Chapter will be completely publish later :)

...

GHOST by your SIDE
by: MissLein

Anikka's POV:

Nagising ako ng biglang tumunog ang cellphone ko pero agad din itong tumigil. Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng clinic,tahimik at mukhang wala atang tao.

"Nurse... tawag ko pero walang sumasagot. Naka- kabingi ang katahimikan. Napapapikit pa ako at nakakaramdam pa din ako ng pagod. Maya-maya pa ay tumunog na naman ang cellphone ko. Napaupo ako sa kama at dinampot ito sa mesa sa may tagiliran ko.

One message receive from
+6309016784632. Kumunot ang noo dahil hindi naka- register ang numero na lumabas sa screen ko. Agad kung binuksan ang message at binasa. Nanlaki ang mga mata ko ng mabasa ko ang nakasulat.

"Malapit ka ng mamatay...

Nabitiwan ko ang cellphone ko pagkatapos kung basahin.
Ang bilis ng kabog ng dibdib ko, hanggang text pa na naman ay sinusundan ako ng multong yun. Anu bang kasalanan ko sa kanya at gusto nya akong patayin. Maya-maya pa may biglang kumalabog sa kabilang kwarto. Napabalikwas ako sa gulat.

"Miss.... tawag ko sa nurse pero walang sumasagot.

'Papatayin kita.....

Narinig ko ang nakakakilabot na boses. Bumangon na agad ako at isinuot ang sapatos ko. Dahan-dahan kung ipinihit ang door knob at sumilip sa pintuan. Lumabas na agad ako at dali-daling tinungo ang pintuan palabas. Nakasara ang pintuan kaya kinabahan na talaga ako. Tinungo ko ang pintuan sa kabilang dako na nagkukonekta sa second floor. Laking pasasalamat ko na bukas ito kaya lumabas na agad ako.

'Tumakbo kana kung ayaw mo pang mamatay.....


Narinig ko na naman ang boses. Ang bilis ng mga hakbang ko, may narinig pa akong mga boses na nagmumula sa likod ng puno ng akasya. Pamilyar sa'kin ang mga boses. At nagpipigil ng tawa ang mga ito. Pero hindi ko na sila pinagtuonan pa ng pansin dahil paglingon ko ay nakita ko 'yung babaeng duguan at may hawak syang kutsilyo sa kanang kamay naka taas ito at anu mang oras ay kikitil sa buhay ko. Tumakbo na ako paakyat sa hagdanan, dahil konektado ito sa second floor ay nadadaanan ko ang iilang estudyante na naglalakad sa hallway. Panay naman ang lingon ko pero sumusunod pa din sa'kin yung multo. Naiiyak na talaga ako dahil parang wala silang nakikita. Tumatagos lang ito sa sino mang dinadaanan nya. Nakalutang siya sa ere at hawak-hawak pa din ang matalim na kutsilyo. Hindi ako tumigil sa pagtakbo pupunta ako sa history class namin, nandun sina Vienne matutulungan nila ako. Pero bago pa man ako makarating dun ay bigla namang sumulpot sa harapan ko yung babae. Nakangisi sya.

'Layuan mo ako...Tumigil kana... malakas na sigaw ko.

'Anikka Kim... are you alright? tanung ni Mrs.Guzman isa sa mga prof.namin.


Hindi ko na sya pinansin dahil papalapit na sa'kin yung babae. Kumaripas na ako ng takbo at ang tanging nakita kung daan ay ang hagdan papunta sa roof top. Tumakbo ako ng mabilis at hindi ko na alintana ang mga edtudyanteng nababangga ko. Hingal na hingal ako hanggang sa makarating sa roof top. Sumandal ako sa pader, wala na yung babae. Hindi na siguro ako masusundan pa. Pero nagkamali ako dahil bigla syang lumutang.

Nakakakilabot talaga ang mukha nya. Napaatras ako hanggang sa makarating ako sa pinaharap kung saan matatanaw ko na ang entrance gate ng university. 'Tigilan mo na ako pakiusap..Anu bang kasalanan ko sayo? sigaw ko habang panay ang iyak ko. Hindi ko nga alam kung bakit ito nangyayari sa'kin ngayon.

Humalakhak sya ng nakakakilabot.. para syang si kamatayan. Siguro nga sya si kamatayan dahil papatayin na nya ako..sinusundo na nya ako.
Maya-maya pa ay biglang sumulpot sa pintuan ang ilang estudyante pati na rin si Mrs.Guzman.



"Anikka...anung nangyayari sayo? tanung nya.

"Ma'am..tulungan nyo po ako. Papatayin nya po ko.. sagot ko sa kanya at tumulo ang mga luha ko.

"Anikka..Sinong papatay sayo? May problema kaba? Narito ako pwede mong sabihin sa'kin. Lumapit kana dito. Pakiusap wag kang magkakamali ng hakbang baka mahulog ka." pag-aalalang wika nya. Pati rin ang ibang estudyante ay natataranta na.

"H-hindi po ako pwedeng lumapit..Papatayin nya ako. Hindi nyo ba sya nakikita. Nasa harapan nyo sya." sigaw ko.

"Sino? Anikka, walang papatay sayo...


Umiling lang ako dahil hindi nila nakikita ang babae na ngayon ay unti-unti ng papalapit sa'kin.
Umiyak na ako ng umiyak dahil wala na akong ligtas ngayon.

Handa ka na bang mamatay Anikka Kim....hahahahaha


Tumingin ako sa baba, nakakalula. Marami ng mga estudyanteng nakakakita sa'kin. Nakita ko pang lumapit sa harapan si Vienne at isinigaw ang pangalan ko.


"A-anikka.....




Pinahid ko ang mga luha ko. Hindi ko lubos maisip na ganito mauuwe ang lahat. Tumulo ang mga luha ko ng tuminging muli sa baba, nakita ko ang mga kaibigan kung sina Vienne, Tamara, Kimberly at Jane. Ito na ang huling sandali na makikita ko sila pati na rin ang mga magulang at kapatid ko.


"Patawarin nyo ako. Mama patawad hindi ko na matutupad ang mga pangarap natin." mahinang usal ko sa sarili ko. Tumingin ako sa harapan ko at isang hakbang nalang ay nasa harapan ko na ang nakakatakot na babae.

Ihinakbang ko ang mga paa ko paakyat sa isang step.
Sumigaw pa si Mrs.Guzman at ilang estudyante. Pero huli na ang lahat bago pa man ako mapatay ng multong 'to ay uunahan ko na sya sa gagawin nya sa'kin. Unti-unti akong bumabagsak pababa, ramdam ko pa ang hangin na bumabalot sa katawan ko. Iminulat ko ang mga mata ko dahil gusto ko pagnamatay ako kahit pa'nu ay makita ko sa huling pagkakataon ang mga kaibigan ko. Ang bilis na ng pagbagsak ko hanggang sa naramdamam ko na lang ang sakit at kasabay nun ay ang pagtigil ng pintig ng puso ko....





To be continued....




Please click VOTEif you like my story.

Keep on reading"!!!



GHOST by your SIDE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon