Chapter 10: Hiden Diary

55 2 2
                                    

Hiden 📒Dîaŕy

"I-m sorry.... yun ang tanging salitang lumabas sa bibig ni Annika. Nakatitig sya sa'kin habang unti-unting pumatak ang kulay dugo nyang luha. Napaatras ako ng makita kung nasa likuran niya yung babae. Marahil ay si Stephany. Tulad ng huli ko syang nakita kaninang umaga ay hawak-hawak nya pa din yung kutsilyo. Hinawakan ko Almira sa kamay ay dali-dali ko syang hinila patakbo. Hingal na hingal kami ng makarating malapit sa gate.

"Almira, pasensya kana ah at hinila nalang kita bigla...

"Hindi. Okey lang ako! Ikaw ba naman makakita ng multo eh hindi ka tatakbo. Tapos dalawa pa.

"Nakita mo sila? tanung ko sa kanya.

"Oo, may third eye ako at hindi ako pwedeng magkamali si Stephany iyong nakita ko sa likuran. Isang beses ko palang syang nakita pero nakikita ko ang mga litrato nya at ng kaibigan nya sa mga lumang school papers na nasa library. Ngayon ko lang din sya nakita ng malapitan. Teka, sino naman yung isang babae? Bakit sya nagsosorry sayo?"

"S-si Anikka iyon. Bestfriend ko sya. sagot ko habang habol ko pa din ang hininga ko.

"Anikka? Parang familiar ang pangalan nya.

"Almira, mukhang alam ko na kung sino ang pumatay kina Stephany at Laurice.

"Sino?

"Saka ko na sasabihin sayo. Kailangan ko muna iyong masigurado, ipangako mo na wala ka munang pagsasabihan tungkol dito.

"Pangako....

"Teka, kinuha ko ang notebook ko at isinulat ang cellphone number ko. Ito, tawagan mo ako mamaya. sabay abot ko sa kanya ng papel.

"Sige...

"Pero tulungan mo muna akong makalabas dito.. wika ko sa kanya.

Nagkunyari syang sumama ang pakiramdam at nagpasama sya sa clinic. Kaya naman agad na akong lumabas sa naturang paaralan. Sumakay ako ng jeep at tinungo ang bahay nina Anikka. Mag aala singko na ako ng makarating dun.
Agad na akong kumatok sa pintuan at bumungad sa'kin ang nangangayayat na ina Anikka.

"Tita....

"Vienne..Mabuti naman at pumunta ka dito sa bahay.

"Bakit po tita? takang tanung ko sa kanya.

"Vienne.. Narito si Anikka kanina, dumalaw sya dito. Hinayaan ko na lamang sya sa pagkwento dahil kahit sakin ay nagpapakita sya.

"Tita, maari po ba akong pumasok sa kwarto ni Anikka. Nami-miss ko na din po kasi sya.. wika ko, tulad ng dati ay hindi nag-alangan si Tita na papasukin ako sa kwarto ni Anikka.

"Sige...kapag may kailangan ka, tawagin mo lang ako. Saka dito ka nalang maghapunan parating na din ang tito mo at mga anak ko.

"Okey po tita... tapos ay agad na akong pumasok sa kwarto ni Anikka, naupo ako sa kawayang higaan nya at pinagmasdan ang kabuuan ng kwarto. Walang pinagbago sa kwarto, nanatili sa parehong ayos ang mga gamit nya. Halos araw-araw ay naririto din ako kasama nya. Makikipagkwentuhan at magtatawanan. Masaya kasing kausap si Anikka at hindi nauubusan ng kwento. Pero ngayon, hindi ko na alam ang iisipin ko.

Lumapit ako sa drawer na nasa tabi ng higaan nya. Naalala ko nun na mahilig magsulat si Anikka sa diary nya, kaya naman pumasok sa isip ko kanina na mahapin iyon dito. Nagbabaka- sakaling makahanap ng kasagutan sa mga nangyayari. Hinila ko ang nakasarang drawer at agad ko naman iyong binuksan. Napangiti ako ng makita ko ang litrato naming magkakaibigan. Mahilig din kasi si Anikka na magcollect ng mga litrato. Tiningnan ko pa ang ilang gamit na nasa loob ng drawer hanggang sa nahagip ng paningin ko ang dilaw na notebook. Iyon na siguro ang diary ni Anikka.

Agad ko iyong kinuha at naupo sa gilid ng kama. Binuksan ko ito at binasa ang mga nakasulat. Nakalagay dun kung gaanu sya kasaya ng magkaroon siya ng apat na kaibigan.

Binuksan ko pa ang ilang pahina at napatigil ako sa nakasulat.

'Confession of a sinner'

Kinabahan ako sa nabasa ko. Confession? Sinner? Huminga muna ako ng malalim saka ipinagpatuloy ko ang pagbabasa ko.

March 26,2012
Thursday

'Confession of a Sinner'

Hindi ko ginusto ang mga nangyari. Pinigil ko ang sarili ko pero mas nanaig ang katauhang naririto sa katawan ko. Pinatay ko sila gamit ang sarili kung mga kamay. Walang nakakaalam kung sino ang pumatay sa kanila. Malinis ang crime scene kung kayat nakaligtas ako sa kasalanan ko. Itinago ko sa lahat, pati sa mga magulang ko. Im now a sinner and forever be a sinner... Sabagay, dapat lang yun na pinatay ko sila. Masyado silang mapapel at akala mo kung sino...I killed them. Stephany and Laurice are now in hill. Dahil masama sila.

- Sinner _

Napaluha nalang ako dahil sa mga nabasa ko. Hindi ko lubos maisip na nagawa iyon ni Anikka, ang pumatay ng tao. After all the years na magkakasama kami, ay may itinatago pala sya sa amin. And its not just a sin because its a mortal sin. Labag iyon sa utos ng panginoon. Im her bestfriend, panung itinago nya ang lahat sa'kin. Pumatak ang mga luha ko sa pahinang iyon at maya-maya pa ay may kulay pulang likido na ang tumulo dito. Nagulat ako kaya agad kung pinahid ang mga luha ko, pero wala namang anu mang kulay sa kamay ko. Napatingin ako sa harapan ko at bumungad sa'kin ang luhaang mukha ni Anikka. Maayos ang itsura niys liban sa dugong humahalo sa mga luha nya.

"A-anikka..... wika ko,

"Vienne, Im sorry....mahinang anas nya.

"Bakit mo iyon nagawa? Bakit mo sila pinatay?,,napaiyak pa lalo ako.

"Hindi ko sinasadya, gusto ko mang pigilan ang sarili ko pero wala na akong nagawa. Vienne, hindi ko alam pero nararamdaman kung may ibang gumagamit sa katawan ko. Somethings inside me. Hindi ko alam pero baliw na ata ako. Vienne...

"P-pero bakit hindi mo sinabi sa'kin? Magkaibigan tayo diba? Bakit mo itinago sa'kin ang lahat. Samin. Sa mga magulang mo? Anikka, malaking kasalanan ang ginawa mo..

"I know Vienne.I know. Natakot ako dahil baka layuan nyo ako. Natakot akong makulong. Ayoko ma disappoint sina Nanay at Tatay sa'kin. Ayokong malaman ng lahat na kriminal ang kanilang anak...

"Pero.....

"Vienne, binalikan nya ako. Ni Stephany. At pati ikaw, ay dinadamay nya....

"Vienne, nakahanda na ang pagkain naririto na rin sila kumain na tayo... narinig kung wika ng ina ni Anikka.

"Sige po tita...lalabas na po ako.

" Anikka, tutulungan kita. Aayusin ko ang lahat ng ito. wika ko sa kanya at inilagay ko na sa loob ng bag ko ang diary niya. Hindi na ako natakot sa multo ni Anikka dahil mas natatakot ako ngayon sa multo ni Stephany. Maghihiganti sya at para mapigilan sya kailangan kung malaman ang unfinished business nya. Bigla na lang din nawala si Anikka kaya agad na akong lumabas ng kwarto nya at dumiretso sa kusina. Kailangan ko muna malaman ang pakay ni Stephany. Dahil batid kung hindi matatahimik ang kaluluwa nya hanggat hindi natatapos ang anu mang,dapat nyang tapusin.


🌟🌟🌟🌟










GHOST by your SIDE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon