Chapter 1: Roof Top

89 3 0
                                    

Maaga akong nagising ng araw na ito, dadaan muna ako sa bahay nina Anikka para sabay na kaming pumasok sa school. Pagkatapos kung maligo ay agad na akong pumunta sa kusina at kumain ng agahan. Tiningnan ko pa ang suot kung relo, marami pa akong time. Pagkalipas ng ilang minuto ay agad na din akong umalis ng bahay. Wala naman kasi sila Mom at Dad dahil nasa business meeting ang mga ito. Ilang kanto lang naman ang bahay nina Anikka kaya naman nagpasya na akong maglakad na lang, para na din makapag- exercise. Habang naglalakad ay nakaramdam ako ng kakaiba.Hindi ko alam pero bigla na lang ako kinabahan. Maya-maya pa ay narating ko na din ang bahay nila. Agad na akong kumatok.

"Anikka,, nariyan kapa ba?

Agad naman bumukas ang pintuan at sinalubong ako ng nakababatang kapatid ni Anikka.
"Ara. ang ate Nikka mo? tanung ko sa kanya.

"Naku, ate Vienne..wala na si ate dito, maaga siyang umalis ng bahay. Nagtataka nga si inay at itay sa kanya kasi hindi naman sya umaalis ng bahay ng hindi nag-aalmusal eh. Tapos hindi naman sya kumibo bago umalis namumugto nga ang mga mata nya. Tinanung naman sya ni inay kung may problema pero agad na itong umalis."

"G-ganun ba Ara..Sige aalis na din ako baka nasa school na ang ate mo. Tatawagan ko nalang sya." wika ko sa kanya at nagpaalam na. Sumakay na ako ng jeep at i-di-nial ang numero ni Anikka.

Sorry the number you have dial is out of coverage area. Pleasd try your call later...

Paulit-ulit ko yung dinial pero hindi ko pa din ma-contact ang cellphone nya. Nag-aalala na ako sa kanya. Hindi naman kasi sya ganyan dati, magtetext muna sya bago pumasok sa school. Minsan ay sabay na din kami pumasok, pero ngayon maaga syang umalis at hindi pa matawagan ang numero nya. Tinawagan ko na muna sina Kim dahil baka naroon na si Anikka, maaga naman pumapasok si Kim kung kayat magkikita din sila ni Anikka sa tambayan.

"Hellow..

"H-hellow..Kim! Nasa school kana ba? tanung ko sa kanya.

"Oo bakit? takang tanung nya.

"Si Anikka kasama mo ba?.

"Huh? Wala pa sya dito. Diba lagi naman kayong pumapasok..

"Yun na nga eh. Maaga daw syang umalis ng bahay. Hindi ko din matawagan. Nag-aalala na kasi ako eh..Si Tam, baka kasama niya.

"On the way na din si Tam, magkasama sila ni Jane.

"Sige..papunta na din ako. Antayin nyo nalang ako sa tambayan. wika ko at agad ng ibinaba ang cellphone ko. Anu kayang problema ni Anikka. Sam sya nagpunta.naisip ko nalang.

Pagdating ko sa gate ng school ay lakad takbo ang ginawa ko. Palinga-linga din ako sa paligid baka sakaling makita ko si Anikka. Ilang segundo pa ay may natanaw akong isang babaeng nakaupo sa bench na nasa may quadriangle. Hindi ako pwedeng magkamali, si Anikka iyon. Tumakbo akong muli papalapit sa kanya.

"A-anikka..... sigaw ko habang hinihingal. Narito kana pala, bat hindi mo ako hinintay?. tanung ko sa kanya. Pero hindi sya nagsalita nanatili lang syang nakayuko at natatakpan ng mahaba nyang buhok ang mukha nya.

"Anikka...may problema kaba? tanung ko pa.

"Vienne,, papatayin nya ako. papatayin nya ako." wika nya. Kinabahan ako bigla dahil naguguluhan ako sa sinasabi nya.

"Anung papatayin? Anikka, sino yung papatay sayo? Anu bang sinasabi mo?... tanung ko sa kanya.

"Sinundan nya ako. Gabi-gabi nagpapakita sya sakin. Papatayin nya ako Vienne. Tulungan mo ako. Papatayin nya ako..... Hindi ko na napigilan ang sarili ko, hinawakan ko sya sa magkabilang balikat ng mariin. Dahil kinakabahan ako sa mga sinasabi nya.

"A-anikka... anu bang pinagsasabi mo ha?,, narinig kung umiiyak sya kaya naman niyakap ko sya ng mahigpit. Tapos ay agad nya akong binitawan. Dun ko lang napagmasdan ang mukha nya, tama ang kapatid nyang si Ara. Parang hindi ata sya matulog ng buong gabi dahil nangangalumata na ito at halatang pagod na.

"Vienne..Bumalik sya. Papatayin nya ako. Hindi nya ako makukuha dahil uunahan ko sya." wika nya. Kinilabutan ako sa huling sinabi nya.

"V-ienne...Anikka...malakas na sigaw nina Kim,Tam at Jane. Lumapit sila sa'min. Pagtayo ni Anikka, ay agad itong natumba at naaalan ng malay. Mabuti nalang at mga damu lang ang binagsakan nya. Inalalayan namin sya at dinala sa clinic. Sabi nung nurse okey naman na daw si Anikka. Kulang lang ito sa tulog kaya pinagpahinga na muna nya. Malapit ng mag-umpisa ang first subject namin pinauna ko na silang tatlo para ipaalam ang nangyari kay Anikka. Nagpaalam nalang ako sa nurse at sinabing babalik nalang ako after ng history class. Tinanaw ko muna si Anikka, maayos itong natutulog at halatang pagod ang katawan nya.

Habang nasa klase ay hindi ako mapalagay. Hindi ko alam kung bakit pero kinabahan na naman ako ng hindi ko mawari ang dahilan. Lalo pa at lumabas ang tatlo, nagpapaalam na magccr lang pero hindi pa rin bumabalik. Kapag history class talaga ang daming dahilan ng tatlong yun. Ilang minuto pa ang nakalipas ng may narinig kaming may mga nagsisigawan. Napalabas kami ng klase, pati si prof. ay lumabas na din para alamin ang nangyayari.
Dali-dali na din akong lumabas at nakasalubong ko ang isang estudyante.

"Miss,,anung nangyayari? tanung ko sa kanya.

"May isang estudyante umakyat sa roof top. Magpapakamatay ata." wika nya.

"Ha?...

"Anikka..ata yun pangalan." natulala ako sa sinabi nya, kaya sumabay na ako sa pagtakbo at bumaba sa ground floor. Pagdating ko sa baba ay marami ng mga estudyanteng nagkukumpulan pati ibang mga professors ay naroon na din. Maingay na ang paligid. Pero kinabahan ako ng sinabi kanina nung babae na Anikka ang pangalan ng babaeng nasa roof top. Napaluha nalang ako ng makomperma kung si Anikka nga ang nasa taas ng building.

"Anikka.... sigaw ko sa kanya. Paanu nangyaring nakaakyat na sya sa rooftop halos 30mins. ko palang siyang iniwan sa clinic habang tulog. Bumaba kana dyan Anikka. Anu bang ginagawa mo dyan. Bumaba kana dito please..Pag-usapan natin ang problema mo, narito kaming mgs kaibigan mo para damayan ka. A-nikka. Pakiusap bumaba kana diyan." sigaw ko sa kanya habang lumutulo ang mga luha sa pisngi ko. Nasa tabi ko na rin sina Tam,Kim at Jane.

GHOST by your SIDE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon