Chapter 3: Bestfriend Forever

97 8 0
                                    

Ghost by your side
by: MissLein

Vienne's POV:.

Pagkatapos naming umalis galing sa lamay ni Anikka ay naghiwa-hiwalay na aking apat. Umuwe na din ako dahil pagod na ako at inaantok. Pagdating ko sa bahay ay sinalubong agad ako ni Mommy at Daddy, kakauwe lang nila galing business trip. Umuwe sila kaagad ng malaman ang nangyari kay Annika, niyakap ako ng mahigpit ni Mommy. Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko. Umiyak na ako ng umiyak, naramdaman ko din hinawakan ako ni Daddy sa braso, telling everything's gonna be ok. Mabuti nalang at umuwe sila.

But its not really okey, my best friend died and the worst is hindi ko man lang sya natulungan. I was there, but I don't do anything. Natakot ako.

"Vienne, I'm sorry... Alam ko mahirap ang pinagdadaanan mo ngayon, but don't worry nandito lang kami ng daddy mo.!" pang-aalo ni Mommy sa'kin.

"Mom, she's gone!Wala akong nagawa para sa kanya." wika ko at muli na namang pumatak ang mga luha ko. Inalalayan ako ni Mommy paakyat sa kwarto ko, kasunod si Daddy. Pinaupo nya ako sa kama at hinalikan ang noo ko.

"Gusto mo samahan ka muna namin dito? pag-aalalang tanung ni Dad.

Umiling lang ako sa kanya at nagsalita, "I'll be fine dad, magpapahinga nalang po ako." sagot ko sa kanya at umupo sa taas ng kama ko.

"Okey, if you need something nasa kabilang kwarto lang kami ng daddy mo. Just knock us OK." pasuyong wika ni Mommy,

"Yes Mom.!!" sagot ko at nahega na ako sa kama ko, pinatay naman ni Daddy ang ilaw at tanging lamp shade lang ang nakabukas. Pumikit ako saglit at tumulo na naman ang mga luha ko. Maya maya pa ay binuksan ko uli ang ilaw at naupo sa gilid ng kama ko. Binuksan ko ang drawer na nasa gilid ng kama ko at kinuha ang isang frame. Litrato naming lima na kuha namin nung first year, ito yung araw na nagkakilala kaming Lima.

 Litrato naming lima na kuha namin nung first year, ito yung araw na nagkakilala kaming Lima

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mabait si Anikka at palakaibigan kaya naman agad nyang nakuha ang loob naming apat. Classmate ko si Tamara nung highschool, sina Jane at Kim naman ay mag schoolmate. At si Anikka naman ay hindi lang nalalayo ang bahay nila mula sa'min. Agad namang nagkapalagayan ang aming mga loob, kung kayat naging magbestfriend kaming lima. Tinitigan ko ng maigi ang litrato, ang saya namin dito. Pero ngayon hindi ko lubos maisip na ang taong naging dahilan para magkakakilala kaming lima ay wala na. Kulang na. At kailan man ay hindi ko na makikita pa.

"You'll always be my bestfriend, Anikka...

Nakaramdam na ako ng antok kung kayat nahega na ako at pumikit. Pero ilang sandali pa ay nakaramdam ako ng kakaiba. Subrang lamig ng nararamdaman ko samantalang hindi ko naman binuksan ang aircon kanina. Nanatili lang akong nakapikit hanggang sa may naramdaman akong malamig sa may tenga ko,

Best friend forever...

Mahinang bulong ang narinig ko na nagpatayo ng mga balahibo ko sa braso at batok. Nagtayuan na ata ang buhok ko. Nanginginig ako.
Hinding-hindi ko kailan man makakalimutan ang boses ni Anikka.

Unti-unti kung iminulat ang mga mata ko at tumingin sa tagilaran ko....pero wala naman akong nakita, bumangon ako at napatingin sa bintana. Guni-guni ko lang siguro ang lahat dahil subrang miss ko na si Anikka. Tumayo ako tinungo ang bintana, marahil dun nanggagaling ang lamig. Tinatangay ng hangin ang puting kurtina na nakatakip dito. Isasara ko na sana ang bintana ng may mahagip akong bulto na nakatayo sa may gate ng bahay. Nanlaki ang mga mata ko, si Anikka at malungkot ang anyo niya.
Kinusot ko ang mga mata ko at tiningnan muli ang kinatatayuan niya. Pero wala na sya.

Maya-maya pa ay patay sindi na ang lamp shade na nasa gilid ng kama ko. Nangilabot ako. I want to see Anikka, but not this way. Takot ako sa multo. Napakapit ako sa bintana at napapikit.

Pagmulat ng mga mata ko ay bigla akong napasigaw ng mahulog ang picture frame na kanina ay hawak ko lang.
Dahan-dahan kung nilapitan ito at nakita ang nagkalat ang basag ng frame na salamin. Yumuko ako at napatili ng biglang may humawak braso ko. Paglingon ko ay nakita ko si Mommy. Nakahinga ako ng maluwag at niyakap sya ng mahigpit.

"Vienne, are you okey? Hindi ko namalayang dumudugo na pala ang paa at kamay ko dahil sa basag na salamin na nakakalat sa sahig. Kumuha si Mommy ng first aid kit na nasa kabinet ko at ginamot ang mga sugat ko. Ilang sandali lang ay dumating na din si Dad.

"W-what happen Vienne? tanung nya sa'kin.

"I'm fine dad, nahulog lang ang frame. Madilim kaya hindi ko namalayan pagbangon ko na nabasag pala ito." paliwanag ko pero ang totoo takot na takot ako. Nakita ko si Anikka. I see her. And she's her.

Nilinis na ni Dad ang kalat sa sahig at tapos na din akong gamutin ni Mom.

"Vienne, your shaking... wait uminom ka muna ng tubig. Ang mabuti pa sasamahan kana muna namin ng daddy mo dito sa room mo.

"Thank you Mom... wika ko, ang totoo gusto ko din talagang gawin nila iyon dahil pakiramdam ko hindi ako makakatulog dahil sa nangyari.

"Magpahinga kana... Don't worry, where here by your side!"

Nahiga na akong muli at ipinikit ang mga mata ko,

best friend forever...

best friend forever...

best friend forever...

Paulit-ulit itong nag play back sa utak ko. Yeah, she will always be my best friend and nothing will change about that. Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.

To be continued.....

Please write down your comment....

Just ckick vote ★ if you like my story,

Malapit ng maganap ang mga kababalaghan...

Keep on reading !!!









GHOST by your SIDE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon