Chapter 6: Multo ni Anikka

100 4 0
                                    

GHOST by your SIDE
by: MissLein

Third Persons POV:.

Ilang araw na ang nakakaraan mula ng maganap ang nakakapangilabot na 'yun sa classroom namin. Wala pa ding nakakaalam kung sino ang may gawa nun, kaya naman lalong nabalot ng kababalaghan ang university. Tahimik ang lahat ng pumasok sa History class, nakikiramdam at nag-aabang kung anu na naman ang magaganap sa araw na 'yun.

Ilang sandali lang ay dumating na si Mrs. Bilmonte, naupo na ito sa harap at binabi kaming lahat.

"Good Morning Class...

"Good Morning Ma'am." sabay-sabay na wika ng lahat.

"For today, just take down on your notes... ito yun magiging topic natin bukas,
wika nya at nagsimula ng magsulat sa blackboard . Tahimik lang din ang lahat habang nagsusulat hanggang sa biglang umihip ang malamig na hangin at malakas na sumara ang pintuan. Napasigaw ang lahat sa subrang gulat. Nagpatay-sindi rin ang ilaw kung kaya't medyo madilim sa loob ng classroom hanggang sa biglang sumigaw si Kimberly.

"M-multo......

"Kim, anung pinagsasabi mo? takang tanung ni Jane sa katabi.

"J-jane, hindi mo ba nakita si Anikka ..narito sya... Please open the light and the door... naiiyak na wika nya, takot kasi ito sa dilim.

"Calm down....

"Wahhhhhh..Multo..si Anikka....!!!! sigaw naman ng isa pa nilang kaklase.

"Class keep quite!!! nangingig na boses ni Mrs.Bilmonte habang sinusubukang buksan ang pinto at ng ilang estudyante nito na nasa tabi na nya. Nagtayuan ang lahat at nagsiksikan sa harapan katapat ng pinto.Nagsisigaw ang ilan habang nanginginig. Nakalutang kasi ang katawan ni Anikka sa pwesto kung saan sya nakaupo dati.

"A-anikka, mahinang sambit ni Vienne habang yakap-yakap si Tamara.. Pero nanlalambot din sya sa nakikita nya ngayon. Tumutulo pa ang dugo na nagmumula sa ulo ni Anikka pati na rin sa wasak na mukha nya. Lumulutang sya ng dahan-dahan at papalapit sa kanilang lahat. Hanggang sa nabuksan na ang pintuan at nag- uunahan silang lahat sa pagtakbo palabas. Hanggang sa natumba si Kim at hindi na makatayo dahil na din sa inapakan na sya ng kanyang mga kaklase. Pinilit nyang makabangon ngunit hindi nya magawa wala na ang mga kaklase nya pati na rin ang mga kaibigan nya. Sumigaw sya ngunit parang walang nakakarinig sa kanya. Hinawakan nya ang paa dahil sa subrang sakit hanggang sa naalala nya ang dahilan ng kanilang pag uunahan para makalabas.

Tumingin sya sa kanyang harapan at biglang lumutang ang katawan ni Anikka. Nakasuot pa ito ng school uniform nila, ito 'yung suot nya ng magpakamatay ito. Nakakatakot ang mukha nya dahil hindi na sya masyadong makilala dahil sa basag ang kalahati ng kanyang mukha at puro dugo ang kanyang katawan.

"Pagbabayaran nyo ito!" wika ni Anikka habang titig na titig sa mga mata ni Kim. Isasama ko kayong lahat." dagdag pa nya.

"A-nikka, I'm sorry... hindi namin sinasadya." naiiyak na sagot nya. Gumapang pa sya para makarating sa pintuan. Pero sumusunod pa din sa kanya si Anikka.

Hanggang sa naharapan na nya mismo si Anikka, napapikit sya dahil hindi nya kayang tingnan ang nalunos- lunos na anyo nito. Patuloy na umaagos ang mga luha sa pisngi nya.
Biglang may humawak sa magkabilang balikat nya kaya nagtitili sya. Iminulat nya ang kanyang mga mata at nakahinga ng maluwag ng makitang inaalalayan siya sa magkabilang balikat nina Vienne at Tamara kasunod si Jane. Subrang sakit ng paa nya pero pinilit nyang sumabay sa tumakbo nilang tatlo para makalayo lang sa lugar na yun.

Dinala sya ng mga kaibigan sa malapit na hospital at ayon sa doctor nagkaron ng fracture ang kanyang mga paa kaya kailangan syang e confine at obserbahan ng mga doctor. Dumating na din ang mga magulang nya kaya napagpasyahan nina Jane, Vienne at Tamara na umuwe nalang muna. Ayon sa admin ng university ay ipinatigil na naman muna ang klase. Ilang beses ng nangyari ang ganito sa school nila at ang dahilan ay ang pagpapakita ng multo ni Anikka at kung anu-ano pang kababalaghan.

----

Jane's POV:

Mamaya ay babalik na lamang kami sa hospital para kamustahin si Kim. Naupo ako sa gilid ng kama ko at huminga ng malalim. Tumulo ang mga luha ko ng maalala ko ang sinabi ni Anikka kanina,

"Pagbabayaran nyo ito!" Isasama ko kayong lahat."

Galit ang tinig nya at alam ko kung bakit. Alam naming tatlo nina Tamara at Kim ang dahilan. Hindi namin sinasadya ang lahat, hindi namin ginustong mamatay siya. Pinunasan ko ang mga luha ko at inayos ang bag ko. Mamaya ay babalik kami sa hospital. Napatigil ako sa ginagawa ko ng may narinig akong kalabog sa baba. Dahan-dahan kung binuksan ang pintuan ng kwarto ko at sumilip. Walang ibang tao kaya naman naglakad ako pababa ng hagdan. 'Yaya' tawag ko kay Yaya Norma pero walang sumasagot kaya naman nagpatuloy ako hanggang may narinig akong boses. Nakita kung nakabukas ang TV, kanina pag-uwe ko wala akong nadatnang tao kaya dumeritso na ako sa kwarto ko. Pero bakit ngayon nakabukas ang TV , sumilip ako sa kusina at nakita kung nakabukas ang gripo.

Tapos at biglang nahulog ang kawali. Napabalikwas ako sa gulat tapos biglang tumunog ang telepono, sinagot ko ito pero walang sumasagot. Akmang ibaba ko na ng biglang may nagsalita sa kabilang linya,

"Hindi ka makakatakas...papatayin ko kayo,

Nangilabot ako sa narinig ko , hindi ako pwedeng magkamali boses iyon ni anikka. Hanggang sa natuon ang mga mata ko sa TV, naging blured ito at iniluwa nun ang katawan ni Anikka. Nanlaki ang mga mata ko ng dahan-dahan syang gumagapang palabas sa loob ng TV. Napaatras ako at napaupo sa sahig. Nanlilisik ang mga mata ni Anikka, pinilit kung tumayo kahit nangangatog ako sa takot. Humakbang uli ako paatras hanggangang sa makarating ang mga paa ko sa unang step ng hagdan kaya naisip ko nalang na tumakbo paakyat. Lumingon pa ako at nakita kung patuloy sa paggapang si Anikka. Sinusundan nya ako kaya tumakbo ako papunta sa kwarto ko at ni-lock ang pintuan. Dinampot ko ang cellphone ko at di-nial ang numero ni Tamara. Nanginginig pa ang mga kamay ko. Tamàra sagutin mo. wika ko sa sarili ko.

"Hellow Jane....

"T-tamara.. Tulungan ako please...nangangatal na wika ko.

"Tulungan saan?

"Si Anikka, nandito sya. papata------ natigil ang pagsasalita ko ng biglang sumulpot sa harapan ko si Anikka.. sumigaw ako,



"J-jane.......

Hinawakan ni Anikka ang leeg ko at sinakal ako. Hanggang sa nawalan na ako ng malay.


If you like my story just
click votebutton.

Thank you...

Keep on reading!!!!







GHOST by your SIDE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon