Chapter 9: Mysterious Death

48 2 1
                                    

GHOST BY YOUR SIDE

Sa pagtatanung ko, dinala ang mga paa ko sa harap ng naturang paaralan 'Royale East High School'. Familiar talaga sa'kin ang pangalang ito ng eskwelahan, pero iwinaglit ko na lamang iyon sa isipan ko may mas kailangan akong unahin ngayon. Tiningnan ko ang suot kung relo at mag aalas tres na pala ng hapon. Naglakad ako papalapit sa gate ng school at sinalubong ako ng uniformadong lalaki.

"Miss..may kailangan kaba?, tanung ni mamang guard.

"Ahh, kuya...nag-isip ako ng sasabihin ko dahil siguradong bawal pumasok ang hindi estudyante dun. 'May kakausapin lang po sana ako Kuya, pwede po ba ako pumasok sa loob?. wika ko sa kanya.

"Naku miss..pasensya na pero hindi pwede pumasok ang hindi estudyante dito...

"Saglit lang po ako kuya...

"P-pasensya na talaga. Hindi talaga pwede..

"Sige po. Salamat nalang! wika ko.

Napabuntong hininga na lamang ako. Kailangan kung makapasok sa loob, dahil hindi naman makikila nung guard ang lahat ng estudyante dito. Sumandal ako sa pader ng may biglang pumasok sa isip ko. May kausap yung naturang guard at saglit na napalingat kaya naman dali-dali akong tumakbo papasok sa loob.
I'm gonna punish as trespassers dahil sa ginawa ko but i need to do this thing. Bahala na kung paanu ako makakalabas mamaya ang importante nandito na ako sa loob at may chance na akong mag investigate.

Naglakad ako malapit sa play ground, may iilang mga estudyante na naroon at may mga naglalaro ng soccer. Maganda pala ang school na ito. naisip ko nalang. Maya-maya pa ay inilabas ko na ang ID na nasa bag ko. Tiningnan ko ang ilang estudyante at nakita ko na pareho talaga ito ng ID nung sa babae. Hindi ako nagkamali sa pinuntahan ko, kaya naman lumapit na ako sa tatlong babaeng nakaupo malapit sa puno.

"A-ahh, excuse me..may itatanung lang sana ako. Kilala nyo ba ang babaeng nasa larawan? tanung ko sa kanila habang hawak ang ID. Nagtinginan silang tatlo at bigla na lamang akong tinalikuran, kaya naman nagtaka ako. Naglakad akong muli saka lumapit sa ilan pang mga estudyante. Pero ganun rin ang reaksyon nila ng ipakita ko sa kanila ang ID nung babae. Wala pa akong nakukuhang impormasyon, kaya naghanap pa akong muli hanggang sa natanaw ko ang isang babae. Lumapit ako sa kanya.

"Excuse me..pwede ba akong magtanung? tanung ko sa kanya.

"Anu yun? sagot nya.

"Ahnm.kanina pa kasi ako nagtatanung sa ilang estudyante pero hindi nila ako sinasagot. Baka naman kilala mo ang babeng may ari nitong ID? wika ko. Iniabot ko sa kanya ang ID at mariin nya itong tinitigan.

"Hindi nakakapagtaka kung bakit hindi ka nila sinasagot..." Nagulat ako at napaisip dahil sa sinabi nya.

"Huh?

"BILMONTE, STEPHANY O." binasa nya ang pangalan ng nasa ID.

"Kilala mo ba sya? tanung ko sa kanya.

"Oo, halos lahat ng estudyante kilala sya." sagot nya.

"Alam mo ba kung nasaan sya?"

"Wala na sya....

Hindi naman ako nagulat sa sinabi nya pero kinomperma ko pa ito.

"Anung ibig mong sabihin na wala na?"

"Wala na..Patay na!!! Pero alam kung narito pa sya...

Nagulat ako hindi dahil sa sinabi nyang patay na ito. Kundi dahil sa sinabi nyang narito pa sya. Ibig sabihin yung babaeng nagpapakita sa kanya. Pero bakit nya nasabing narito pa sya.

"May third eye ako...
naiisip ba nya ang nasa isip ko.

"Ako nga pala si Vienne...

"Ako naman si Almira."

"Bakit nasa iyo ang ID nya?

"Mahirap man ipaliwanag pero nagpapakita sya sa'kin. Pero hindi ko alam kung bakit. Kaya ako narito para malaman kung bakit sya namatay..."wika ko. Tumayo sya at tinitigan ako sa mga mata.

"Halos mag-iisang taon na mula ng maganap ang insidenteng 'yun pero binabalot pa rin ng kababalaghan at katanungan ang pagkamatay nila." Nagulat naman ako sa sinabi nya.

"Nila?. takang tanung ko sa kanya.

"Halika...

Napasunod naman ako sa kanya sa paglalakad. Hindi pa nya sinasagot ang tanung ko sa kanya. Kaya naman muli ko syang tinanung. "Anung ibig mong sabihin na nila?" wika ko.

"Nakikita mo ba ang lumang pasilyo na yan?, sinundan ko ng tingin ang direksyon na tinuturo nya. Nakaramdama ako ng kakaiba, para akong kinabahan bigla. Luma na ang pasilyo marahil ay hindi na ito ginagamit kung kaya't para na itong naging haunted corregidor sa gitna ng magandang gusali.

"Dyan natagpuan ang bangkay ni Stephany at ng kaibigan nyang si Laurice."

"Dalawa silang namatay? tanung ko sa kanya. Tumango lang sya bilang tugon sa tanung ko. Ibig sabihin hindi nag-iisa si Stephany na namatay ng panahong iyon. Pero bakit sya nagpapakita sakin. Bakit sya galit sakin. At bakit parang kilala sya si Anikka. Tinitigan ko pang maigi ang lugar at bigla akong nangilabot ng dumampi ang hangin sa balat ko.

"Almira, anung nangyari sa kanila?.. tanung ko.

"Pinatay sila...

"P-pinatay? Nino?,

Umiling lang sya at tumingin sa'kin. "Walang saksi sa naganap na pagpatay at wala rin ni isang nakakaalam sa tunay na nangyari ng araw na iyon. Naging palaisipan din iyon sa lahat. At hanggang ngayon hindi pa matukoy ng mga pulis kung sino ang salarin."

"Ibig sabihin..maaring buhay pa ang pumatay sa kanila, at maaring naririto lang sya...

"Hindi ko alam...Pero kung buhay pa ito babalikan sya ni Stephany. Minsan ko na syang nakita sa pasilyong yan. Galit ang mata nya at naghahanap sya ng katarungan para sa kanila ng bestfriend nya. Maghihiganti sya."

"Kinabahan ako dahil sa sinabi nya....At biglang pumasok sa isip ko si Anikka. Tama, kay Anikka ko narinig ang school na ito. Dito sya nag-aaral nung high school. Ibig sabihin alam ni Anikka ang tungkol sa naganap dito 4 years ago. Hindi kaya may kinalaman si Anikka sa pagkamatay ng dalawang estudyante dito..bigla akong kinabahan dahil sa naisip ko. Kaya ba nagpapakita sa'kin si Stephany at gusto nya akong patayin? Dahil magkaibigan kami ni Anikka. Pero imposible. Mabait si Anikka at hindi nya kayang pumatay ng tao. Imposible. Ipinilig ko ang ulo ko at pumikit saglit. Pagmulat ng mga mata ko ay nagulat ako dahil sa nakita ko.

"I-m sorry... lumuha ng dugo si Anikka na nasa harapan ko kaya naman napasigaw ako.



Malapit ng dumami ang clue, at papalapit na ding ma diskubre ni Vienne ang true story behind the death of two student ng Royale East High school.

Salamat sa pagbasa!!!!

😁😁😁😁

GHOST by your SIDE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon