Chapter 14: The Witness

58 2 1
                                    

"Hahahahahah......

Nabalot ng nakakakilabot na tawa ang buong paligid. Akala ko tapos na ang lahat, pero hindi pa pala dahil bigla nalang itong sumulpot. Napaatras nalang kaming apat ng namagitan si Anikka sa harapan namin. "Siya yung babaeng nagpapakita kay Anikka nun. Bago sya magpakamatay." mahinang usal ni Kim. Bigla nalang din nag sink in sa utak ko nung araw na huli kung makausap si Anikka bago siya nagpakamatay. Papatayin nya ako..pero uunahan ko sya. Isa lang ang naiisip ko ngayon siya ang humahabol kay Anikka, kaya ito umakyat sa roof top. Magkakilala sila.

"Anikka.... wika ko,

"Hindi mo sya masasaktan Stephany... Bago mo sya malapitan ay dadaan ka muna sa'kin. Kung kailangan kitang patayin uli ay gagawin ko." matigas na wika ni Anikka..

"Hindi sya makakigtas sa'kin... dahil papatayin ko kayong lahat. " sagot naman ni Stephany. Tumawa syang muli, kasabay nun ay ang pag-ihip ng malamig na simoy ng hangin. Nagtayuan ang mga balahibo ko. Naramdaman ko din ang panginginig ng tatlo habang nakahawak sa balikat ko.

"Bakit ka takot Anikka? Takot ka bang malaman nila ang ginawa mo nun. Sa ginawa mong pagpatay sa'min? Ni Laurice?.

"Hindi ko pinatay si Laurice.... sigaw ni Anikka.

"May pinatay si Anikka.. mahinang wika ng tatlo na nasa likuran ko.

Alam ko na ang ginawang pagpatay ni Anikka kay Stephany dahil nabasa ko iyon sa diary niya. Pero bakit nya nasabing hindi sya ang pumatay kay Laurice? Kung hindi sya, sino? Ang gulo. At bakit pati sakin ay galit sya. Hindi ko sya kilala at lalong wala akong alam sa pagkamatay niya.

"Dapat lang sayo ang mamatay.... galit na sigaw ni Anikka. Hindi ko pinatay si Laurice. Dahil ikaw ang pumatay sa kanya......

"Hindi totoo yan.... anas naman ni Stephany.

"Bakit ayaw mong aminin ngayon ha? Baliw ka kaya mo pinatay si Laurice..Naiingit ka sa kanya dahil na kay Laurice na ang lahat. Sira ang ulo mo kaya pinatay mo ang sarili mong kaibigan. Ang matalik mong kaibigan....

"H-hindi...hindi ko pinatay si Laurice. Hahahahaha... malakas na tawa ni Stephany.

"Ipinaghiganti ko lang si Laurice. Dahil pinatay mo ang kapatid ko...Pinatay mo ang kapatid ko. malakas na hiyaw ni Anikka.

Natahimik ang lahat dahil sa narinig. Kahit ako ay hindi rin makapaniwala dahil sa nalaman ko. Ngayon ko lang naiintindihan ang lahat, pinatay ni Anikka si Stephany dahil pinatay din nito ang kapatid nyang si Laurice. Wala nga talaga akong alam dahil hindi naman nabanggit ni Anikka na may kapatid pa pala siya at si Laurice iyon.

"Si Laurice. Sya ang kinausap namin nun ng mag spirit of the glass. Iyon ang pangalang binangit noon ni Anikka. mahinang wika ni Kim.

Pero namilog ang mga mata ko ng may bigla pang sumulpot na babae sa harapan namin. Lumapit sya kay Anikka, at niyakap ito ng mahigpit mula sa likuran.

 Lumapit sya kay Anikka, at niyakap ito ng mahigpit mula sa likuran

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Anikka.... wika nya.

Narinig ko na lang ang mahinang pag-iyak ni Anikka pati na rin si Laurice. Magkakasama na tayo, kapatid ko. Tama na! Naipaghiganti mo na ako dahil wala na rin si Steph. Patawarin mo na sya. Nakita kung tumango lang ito bilang sagot sa sinabi ni Laurice. Pero naramdaman ko nalang ang mahigpit na pagsakal ni Stephany sa leeg ko. Narinig ko nalang na sumigaw ng malakas ang tatlo. Mahigpit ang pagkakasakal nya kaya pakiramdam ko ay malalagutan na ako ng hininga.

"Layuan mo sya Stephany...sigaw ni Anikka. Maya-maya pa ay nasa harapan ko na sya pati si Laurice. Pilit nilang piniligilan si Stephany sa pagsakal na ginagawa nya. Hanggang sa bigla nalang nya akong itinulak dahilan para mawalan ako balanse at nauntog ang ulo ko sa semento. Bago pa man tuluyang pumikit ang mga mata ko ay naaninag ko pa ang nag-aalalang mukha nina Kim,Tam at Jane. Pati na rin ang nakadungaw na mukha ni Mommy at daddy habang umiiyak. Hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.



Halos fifteen minutes na akong nag-aantay kay Anikka sa labas ng ekswelahang pinapasukan ni Laurice ang 'Royale East High school' . Dadalawin nya ang kapatid nyang isang linggo na nyang hindi nakikita. Magkaiba man ang kinikilalang ina ay mahal na mahal ni Anikka ang kapatid nya. Medyo nainip na ako kung kayat nagpasya na akong sundan siya sa loob. Walang gaanung estudyante dahil maaga pa iyon para sa pagpasok. Dumiretso ako sa corrigedor, at nanlaki ang mga mata ko ng madatnan ko si Anikka na may hawak na kutsilyo at puno iyon ng dugo. Gayun din ang nakahandusay na walang buhay na katawan ni Laurice, duguan iyon. At ilang hakbang lang ay naroon naman ang katawan ng kaibigan nyang si Stephany. Nakita ko pang nakatitig iyon sakin at humihingi ng tulong, pero naunahan na ako ng takot. Umiyak ako pero walang boses na lumabas sa bibig ko.

Naglakad ako palayo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Naglakad ako palayo. Hindi ko alam ang sunod na ginawa ni Anikka, dahil hindi na ako lumingon pa sa kanya kahit naririnig ko ang pagtawag nya sa pangalan ko. Nang makarating ako sa gate ng school at tumakbo ako palayo. Pero hindi ko namalayang may paparating palang sasakyan, huli na ang lahat dahil naramdaman ko nalang na humampas ang katawan ko sa matigas na semento. Kasunod nun ay ang pag-agos ng mainit na likido sa ulo ko. Kusa na lamang pumikit ang mga mata ko.


....

"V-vienne, I'm sorry. Pinrotektahan lang kita...

"Pero bakit hindi mo sinabi sakin Anikka...? Bat mo itinago ang lahat?

"Dahil natakot akong mawalan ng kaibigan...Nawala na ang kapatid ko at,ayoko na pati ikaw ay mawala sakin. Pagkatapos mong masaksihan ang ang lahat ay naaksidente ka. Pag gising mo ay wala ka ng maalala sa mga nangyari..Siguro dahil na rin sa na trauma ka kung kayat kusa mo yung binura sa alaala mo. Kaya naman naisip ko na sarilinin ko nalang ang lahat."

"Kaya ba galit na galit si Stephany sa'kin? Dahil hindi ko sya tinulungan at hindi ko nabigyan ng hustisya ang pagkamatay niya? tanung ko sa kanya.

"O-o. sagot,lang niya.

"Anikka, siguro kailangan ko ng gawin ang dapat. Kailangan malaman ng pamilya ni Stephany kung sino ang pumatay sa kanya at para na din mapanatag ang loob nila. Kaibigan kita . Wala akong nagawa ng mawala ka, ngayon gusto kung itama ang lahat Anikka. Tandaan mo na mananatili kang kaibigan dito sa puso at isip ko...

Tumango lang siya at niyakap ako ng mahigpit.. Paalam Vienne. Pangako wala ng gugulo pa sayo, pinapatawad ko na din ang lahat ng nagkamali sa'kin. Naramdaman ko nalang ang,pagpatak ng mga luha nya hanggang sa tuluyan na syang nawala sa paningin ko.

Nagising nalang ako at may luha ang pisngi ko. Nasa ospital ako dahil na rin naaaninag ko ang mga naka puting uniform. Naalala ko na ang lahat, para matahimik na ng tuluyan ang kaluluwa ni Stephany. Aayusin ko ang lahat ng ito.

Natapos ko na rin sa wakas, nahirapan akong mag isip ng twist ng kwento. Pero sana magustuhan nyo ang kwento nito. By the way, hindi pa ito tapos dahil may epilogue pa ito. Pero hindi na ito kasing haba ng mga chapters.

Thank you for reading!!!!



GHOST by your SIDE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon