ComeBack

186 16 0
                                    

Here at DLF University.. (De La Fontaine)

Gamit ko ang black Rikutsei ko at. Nag park muna ako. Dati jeep lang ang sinasakyan ko. Mausok, masikip, at mainit.

Hindi ako magre-revenge.. for what? For nothing? Hahayaan konalang silang mamatay sa kagandahan ko.

Pababa palang ako bulungan na agad ang nakikita ko. Mga judgements agad ang maririnig mo. Good or bad wala akong pake.

"Is that Zina De Lorris?"
"Tanga kaba? Panong magiging siya yan? Eh ang pangit pangit non"
"Transferee? Aba! November na. Nag accept pa sila ng student?"
"Bro.. i think i need to pee"
"Ang bakla mo pre. Pero pustahan tayo sikat agad yan dito"

Tuloy tuloy lang sila sa bulungan.. Ng biglang sumingit si Alexandria.. My one and only traitor exbestfriend. Kala nila napaka bait at inosente ni alexandria pero masahol pa sa gorilla ang babaeng haliparot nato. Napaka plastik.. mapagpanggap.. traydor.. mangaagaw.. painosente.... well wala nakong pake sakanya.. dahil ngayong oras nato sapaw na sapaw ang ganda ko.

Mukang magandang timing ang oras nato.. sigurado akong sa kuko ko nalang siya kakapit. Sisiguraduhin ko lahat sila magmamakaawa at mahihirapan..

Nakatigil siya sa pwesto niya ng makita nya ako.. hindi siya makagalaw at para bang hindi siya nakapaniwala sa nakikita niya ngayon. Para siyang na istatwa. Lalo akong napangisi ng makita ko siya sa likuran ni Alexandria... si Vince william oxford. My exboyfriend slash GAGO..

"Hi.. zina?" Napatigil ako sa paglalakad ng harapin ko sila.. actually 3 step away lang ang layo ko sa kanila..

Ngumiti ako ng pagkatamis tamis.. matamis pa sa asukal.. nang magbulong bulungan nanaman yung mga students sa gilid.. yeah i know maganda talaga ako.. maganda pa ko sa magandang akala nyo.

"Oh. Hi.. sorry my twin sister died a week ago.. may pumatay kasi sa kanya.. Di nyo ba nabalitaan? Oh. I forgot kayo nga pala ang unang nakaalam" sapat nayan para marinig ng lahat.. oo pinatay nyo siya. My heart died because of the wounds you cause in my heart.

"I know its you zina.. kamusta? Bat ka umabsent ng 1 month? No bayan ang daya mo hindi mo manlang ako tinext o kaya ininform." nakangiti niyang sabi at kita mo na plastik at nag pipigil sa inis.. susko.. grabe siya.. kapal ng muka.. sarap dunggulin yung nguso..

"Ahh.. siya pala yung desperadang babae na habol ng habol kay vince?"
"Wait.. w-what? So totoo nga? Siya si zina de lorris?"
"Yung hampaslupang mahirap?"

"Ano kaba.. hindi ako si zina..." at parabang naguluhan siya sa sinabi ko. Lalo akong napangisi.

Napatingin naman ako kay vince na kanina papala nakatitig sakin.. napaiwas siya ng binigyan ko siya ng matamis na ngiti..

Nakita ko naman si alexandria na hinawakan niya kamay ni vince.. selos siya? Kasi mas maganda ako?

"Uh.. i miss my bestfriend"
Lumapit ako kay alexandria at niyakap siya.. nagulat ko ata siya.. bago ako bumitaw may sinabi ako sakanya "Oh dear. Get ready sa pag bagsak mo hah?"

*******

Ang swerte ko nga naman oh.
Classmate ko pa talaga ang nag iisang lalaking isa sa sumira sa puso ko. 2nd column ako at 3rd column sya. At vacant ang katabi kong 1st column. Mukang ayaw niyang tumabi sa maganda hah? daming nakatingin sakin.. ganda ko kase.

"Good morning students. Plss. Stand up Ms. De lorris" sabi niya at tila hirap na hirap kakahanap sakin.. di niya ata ako makilala eh?

My Bestfriend, My Lover(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon