She's Carrie

298 12 3
                                    

---1

"She's already dead but still breathing -- don't know why."

"Carrie Winslette!" maligayang ani ng ama nito, tsaka siya sinalubong ng mahigpit na yakap. Sumunod ang mga kamag-anak niyang proud sa natamo ni Carrie --Valedictorian kasi ito.

"We're so proud of you, honey!" bulalas ng ina nito na may malaking ngiti sa kaniyang labi. Makikita mo talaga ang saya ng bawat isa para kay Carrie.

Siya lang naman kasi ang perpektong anak para sa buong angkan ng Winslette. Siya ang palaging naipagmamalaki at maswerte siya dahil hindi naiinggit ang mga pinsan niya sa kaniya. Palibhasa'y mag-isang anak kaya naibigay sa kaniya ng mga magulang niya ang lahat ng atensiyon --nagkaroon ng isang magandang buhay na kahit sino ay nais matamasa.

Winslette, Carrie Margarette Ramirez. Gusto pa rin ba ng mga tao ang buhay mo kung malaman nila ang lahat ng bagay tungkol sa iyo?

"Grabe, Carrie! Big time ka na!" Tuwang-tuwa siyang hinampas ni Kendra, tsaka humagalpak ng tawa. "Grabe talaga, Carrie! Sa iyo na nga lang ako maglilihi!"

"Buntis ka?"

"Gaga, kung sakali lang naman!"

Sa lahat ng magpipinsan, sina Carrie at Kendra ang close sa lahat. Secrets, crushes, problems, everything. Magkapatid na nga ang turingan nila palibhasa, parehas na isang anak lamang.

Secrets? Little did Kendra know, mali siya. Buong akala niya, alam na niya ang buong pagkatao ni Carrie. Truth is, hindi pa.

She just know a piece of Carrie's story, but the book itself? No.

Napabuntong-hininga si Carrie nang mapatingin sa relo na suot niya. Isang mamahaling relo na nagmula pa sa lolo at lola niya. Marami siyang natanggap na regalo dahil sa natamo, ngunit ayaw naman niyang maglagay ng maraming alahas para magmukhang disente. Ayos na siya sa three-fourth na damit at pencil skirt sa pang-ibaba na pinaresan ng kulay itim na killer heels. Ilang alahas lang sa katawan at ayos na.

"Big time? Ako?" hindi makapaniwalang sagot ni Carrie sa pinsang may halo pang pag-iling. "Nagkamali ka naman, ate Kendra! Wala pa nga akong naipupundar, big time kaagad?"

"Aba! Darating tayo riyan! Ramdam naman na, Carrie! Pa-humble ka pa riyan, nako!" Kinurot ni Kendra sa pisngi si Carrie tsaka ngumiti ng matamis. "Huwag kang magbago, ha? Nandito lang kami."

Saglit na nakaramdam ng lungkot si Carrie sa binitiwang salita ni Kendra sa kaniya.

Nandito? Bakit hindi niyo maramdaman na I always feel so alone, that no one can can make me feel happy and contented? Isip niya sa sarili, tsaka lihim na napailing.

Walang dumamay sa akin the moment na gumamit ako ng blade para mag-cut ng wrist ko. No one ever dared to ask me if I'm really happy or just pretending.

Sa kabila ng lungkot na naramdaman, pilit siyang ngumiti sa harap ni Kendra, tsaka kinurot rin ang pisngi nito pabalik. Nagtawanan sila parehas at bumitaw nang maramdaman nilang papasakit na.

"Kendra, minsan ba, naisip mo kung anong purpose mo sa buhay?" Napatanga lang ito sa hinugot ni Carrie mula sa baul na tanong. Tahimik lang na pinagmasdan ni Kendra ang dalaga, tsaka tumawa ng malakas.

"Hanggang dito, you're still studying?"

"Not really. Well, gusto ko lang malaman. What if, I already know the purpose why am I here, but I still can't accept it?"

Leaving Carrie WinsletteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon