She's not strong, she can't handle everything

94 7 2
                                    

---8

"Despite of all the problems you're facing, I will remain as your light to keep you living"

Umiiyak lang akong nakamasid sa kanilang dalawa habang magkayakap ng mahigpit. Malayo ako, ngunit ramdam ko ang pagmamahalan nilang dalawa at kung gaano sila kasaya sa posisyon na iyon. Alam kong kulang pa ako sa mga kaalaman ukol sa pag-ibig, ngunit masasabi kong tunay ang nararamdaman nila sa isa't isa.

At ang nararamdaman niya sa akin? Hindi.

Napakagat ako sa aking labi upang pigilan ang sakit na nadarama habang nakamasid sa kanila. Hindi ko alam kung lalapit ba ako o tatayo na lang dito habang pinipigilan ang sarili kong maiyak. Hindi ko alam, nalilito ako. Should I or shouldn't?

I am confused. I can't control my emotions anymore so I ended up crying. Basta, dinadama ko lang ang sakit, pighati, at ang luhang umaagos. My heart is breaking into pieces at tila ba hindi ko na iyon kaya pang pulutin. Napatitig ako sa hawak kong surprise para sa kaniya, tsaka iyon ibinagsak sa damuhan. Nanatili lang akong nakatayo habang umiiyak.

"If you want to confront them, do it. Alam mo ang masakit sa isang relasiyon? Iyong alam mong tapos na pero nakakapit ka pa kasi wala kayong closure. Alam mong wala na, pero ayaw mong bumitaw kasi tingin mo, may pinanghahawakan ka pa --hawak mo ang mga salitang binitiwan niya noon. Kailangan niyo ng closure kahit alam mong may bago na siya. Kailangan mo iyon para madali kang makalimot kasi nakatatak na sa isip mong binitiwan ka niya." Napatitig ako sa babaeng biglang sumingit sa gitna ng pag-iyak ko. Nakatitig lang siya sa dalawang taong iniiyakan ko.

"Ang sakit, hindi ba? Ipinagpalit ka niya sa kaibigan mo. Ganoon ba mas ka-perpekto ang kaibigan mo para mapansin pa niya? Iyong tipong maiisip mo kung anong kulang at ano ang nagawa mong mali para biglang tumigil ang ikot ng mundo niyong dalawa."

Lalong lumakas ang pag-iyak ko dahil sa mga binitiwan niya, tila ba tinutusok ako ng mga salita niya.

"Stop." Nanginginig man ang aking tuhod, nagawa ko pa ring tumayo ng diretso upang ipakitang malakas ako kahit umiiyak ako.

"Go on, lumapit ka sa kanila. Hindi puwedeng nakatayo ka lang dito at umiiyak. And hey, you shouldn't waste your tears for that jerk. He isn't worth your love so why bother crying? Anong mapapala mo? Papangit ka lang at mamamaga ang mukha. Duh, gross."

"I.. . can't" Nanghihina ako. Sobrang saya nilang dalawa and I'm afraid that I might ruin their moment kung lalapit ako.

"For the record, you're still the girlfriend. Wala pa kayong break-up, kaya pwede ka pang lumapit. Ganiyan ka ba kahina? Ang hina mo naman pala. Kaya ka niya siguro hindi minahal; kaya siya siguro nagsawa. Who wouldn't nga naman sa isang babaeng katulad mo. Kasawa-sawa nga naman talaga."

Lalo akong nanghina sa sinabi ng babae, tsaka siya pinagmasdan na maglakad palayo. Gusto ko siyang habulin at ipamukhang I am not that kind of girl, pero deep inside, alam kong tama siya. Sino nga ba naman ang magmamahal sa katulad ko? Sinong hindi magsasawa? Ang hina ko nga namang talaga.

Ilang ulit akong humugot ng hinga, tsaka marahang lumapit sa kanila. Pinilit kong pigilan ang luhang rumaragasa at pilit na ngumiti upang ipakitang okay lang ako. Sa una, oo, nagawa ko. Pero nang makaharap ko na sila, lalong nadurog ang durog-durog ko nang puso. Lalo akong nanghina na para bang gusto kong magtago na lang sa saya ni mommy.

Si mommy? Ah, oo, bakit nga naman ako magtatago pa sa saya ni mommy e, halos iabandona na nila ako dahil mas mahal na nila ang trabaho nila? Ah oo, mag-isa na lang talaga ako.

Leaving Carrie WinsletteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon