She needs family

140 9 2
                                    


---4

"Sleep, little Carrie, don't let those demons invade you."

Inis na bumalikwas si Carrie sa kaniyang kama, dahil maya't maya niyang naaalala ang nangyari sa pagitan nila ng kaniyang paboritong pinsan. Napapunas siya ng luha no'ng maging isang pagdadalamhati ang kaniyang inis.

"Carrie, matulog ka na," iyon ang huli niyang narinig mula sa pinsan. Nag-send ito ng voice message sa kaniya gamit ang messenger na sa tuwing maaalala niya ay luha ang pumapatak.

Hindi niya alam ang gagawin kung sakaling magkrus ang kanilang daigdig. Alam na ng pinsan niya ang kalagayan niya at natatakot siyang baka ipaalam iyon sa kaniyang mga magulang na nasa isang emergency meeting sa Japan.

Naiiling siyang lumabas ng kuwarto. Madilim na at mas lalo siyang nae-enganyo na lumapit sa pinakamadilim na bahagi ng kabahayan. Tila ba gusto niyang magpatalo na lamang sa kadiliman at kunin siya nito kaysa magpasakop sa kaliwanagan.

Ibang-iba ang takbo ng utak ni Carrie sa takbo ng utak ng mga normal na tao. Sa tuwing naiisip niya iyon ay hindi niya maiwasang mapaluha. Nang magising sa ginagawa ay dali-dali siyang napaatras sa ginagawa.

"I won't let them invade me. No, Carrie, huwag," pangungumbinsi niya sa kaniyang sarili ngunit tila ba may sariling utak ang kaniyang mga paa na hindi manlang naisip na makinig sa kaniya. Pumikit na lamang siya ng mariin hanggang sa naramdaman niya ang tunog ng switch.

"Akala ko, may nakapasok na magnanakaw!" sigaw ng manang na hawak pa ang kaniyang dibdib dala ng labis na gulat. Napayuko na lamang ang dalaga, pero sa loob nito, malaki ang pasasalamat niya dahil binigyan niya ng liwanag ang buong bahay.

"Kukuha lang po ng tubig," sagot nito, tsaka dumiretso sa kusina. Sumunod naman ang manang upang samahan si Carrie.

"Bakit kasi hindi mo binuksan ang ilaw? Hindi ka natatakot sa dilim?"

Hindi, kunin na nila sana ako para tapos na lahat. Isip-isip ng dalaga ngunit sa huli'y wala siyang nagawa kung hindi ang umiling na lamang habang kumukuha ng pitsel.

"Ayos ka lang ba? Iyong si Kendra kasi, wala sa sariling umalis kanina. Nag-away ba kayo?"

Muling umiling si Carrie. Napatango na lamang ang manang sa naging kilos nito, tsaka hinimas ang buhok ni Carrie. Ngumiti ang manang sa kaniya tsaka muling nagsalita, "Namimiss ko na ang anak ko. Simula no'ng magtrabaho ako rito ay siyang paglayas niya. Wala kaming pera kaya hindi namin siya nahanap."

Napatingin si Carrie nang marinig iyon mula sa manang. Ipinagpatuloy pa nito ang pagbabalik-tanaw sa kaniya. "Noong una, akala ko, mahahanap ko siya, ngunit nawalan din ako ng pag-asa makalipas ang isang buwan. Bata ka pa noon at mas matanda siya sa iyo ng tatlong taon. Sana nga ay magkita kaming muli."

"Babae po?" tanong ni Carrie na tila ba naantig sa kuwento ng manang. Pumikit siya upang pilitin na ma-absorb ang kinu-kwento ng manang. Gusto niyang isabuhay iyon upang matauhan siya sa mga pinaggagawa sa kaniyang sarili.

"Hindi, lalaki siya. Sana nga ay nasa maayos siyang kondisyon. Ilang taon ko nang sinisisi ang sarili ko sa lahat ng nangyari."

Ngumiti si Carrie sa manang, tsaka hinawakan ang kamay nitong kulubot na."Wala pong may kasalanan. Hindi niyo ginusto ang nangyari, at sigurado naman po akong nasa mabuti siyang kamay at maayos pa rin ang buhay," pagpapagaan nito sa loob ng manang.

"Naku, ikaw talaga! Napakabait mo! Sana mangyaring magtagpo na kami. Gustong-gusto ko siyang yakapin."

Pagpapahalaga sa mayroon, at sa pamilya: iyon ang pilit niyang isinasabuhay ngunit wala nang nangyayari. Ilang segundo silang naging tahimik hanggang sa tumikhim si Carrie.

"Pwede niyo po akong yakapin."

"Talaga? Hindi ba nakakahiya dahil kutis mayaman ka?"

Umiling ng sunod-sunod si Carrie dahil sa naging sagot ng manang. Siya ang mas nahiya kaysa roon. "Wala po sa kutis iyon. Puwede niyo akong yakapin sa tuwing nangungulila kayo sa kaniya."

Lumapad ang ngiti ng manang at hindi na nagdalawang isip pa. Niyakap niya ng mahigpit si Carrie at dala ng labis na kasiyahan ay napaluha ito.

Nararamdaman ng dalaga na gusto niyang maiyak sa tuwa, ngunit walang lumalabas. Wala siyang mailabas na luha dala ng bugso ng damdamin. May nararamdaman siya, ngunit kapag sa mga ganoong bagay ay hindi siya maiyak.

"Ang bait mo talaga, sana hindi ka magbago."

Natigilan siya sa sinabi ng matanda ngunit pinagwalang-bahala niya iyon. Ang Carrie na nakilala nila noon ay nagbago na. Wala na itong tamang daan na lalakarin. Wala nang saysay ang buhay nito at hinihintay na lamang na matapos.

Naisipan niyang bumalik na sa kuwarto. Sabay silang naglakad ng manang tungo sa kaniyang kwarto upang ihatid siya. Walang tigil sa pasasalamat ang manang kay Carrie kaya tumango na lamang ito at ngumiti. Pagkasarang-pagkasara ng pinto ay napasandal siya sa roon. Huminga siya ng malalim at pilit na iwinaglit sa isipan ang nangyari.

Pamilya. Pamilya ang kaniyang kailangan sa kabila ng mga nadarama niya. Nagagawa niyang ngumiti at nagiging maayos ang pakiramdam niya sa tuwing kasama niya ang pamilya.

Tulad ng manang kanina, labis niyang pinahalagahan ang anak niya. Mahal na mahal niya ang anak niya at umaasa itong makakabalik pa sa kanila at nasa maayos nang kalagayan.

Pamilya ang sandigan, pamilya ang hindi puwedeng mawala bukod sa Diyos --na siyang tinalikuran na niya kanina lamang. Pamilya na lamang ang mayroon siya at hindi na niya alam kung makakabangon pa siya sakaling mawala ang mga ito.

Mayamaya'y nakaramdam siya ng ng pagkahilo na siyang ikinatumba niya. Unti-unti na siyang kinain ng dilim matapos ang pangyayaring iyon.

Hindi siya nakalaban.


Leaving Carrie WinsletteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon