She made the right choice

108 8 2
                                    

---11

"Once she finish everything, everything will finally end."

"Dev. . . ang ganda ng pangalan mo." panimula ni Carrie habang matiwasay na nakatingin lamang sa labas. Napapangiti siya sa bawat pagdaan ng kotseng sinasakyan sa iba't ibang puno.

"Uh. . . thanks?" alanganing sagot ni Dev na hindi na mapigilan pa ang pagngiti. He likes Carrie so much. Natatakot lang siyang umamin, dahil hindi pa sila sobrang magkakilala at marami itong problema --kasama na ang ex niya.

Hindi niya kayang lumamang lalo na kung iyon pa rin ang iniisip niya. Hindi niya kayang higitan ang ex nito, dahil halata sa mukha ni Carrie sa tuwing nag ku-kuwento na mahal na mahal niya ito at napakahirap para sa kaniyang basta bumitaw.

Tumikhim si Carrie, tsaka lumingon kay Dev na abala sa pagmamaneho. "Naiinggit ako sa iyo."

"Ha? Wala namang nakakainggit sa akin. Kung meron man, siguro hindi ikaw ang dapat na makaramdam niyan kung hindi ay ibang tao." kunot-noong sagot ni Dev. Hindi niya magawang tumingin kay Carrie pabalik, dahil madi-distact lamang siya kung sakaling bigyan niya ito ng atensyon at makita ang mala-anghel na mukha nito.

"Kasi nakaabot ka sa edad mong iyan na malakas at nakakabangon. I wonder kung umabot din ako sa edad na katulad mo at humihinga parin."

Agad na itinigil ni Dev ang kotse sa gilid, tsaka lumingon kay Carrie."Siyempre, makakaabot ka. Unti-unti mo nang nalalabanan ang pilit na sumasakop sa iyo, Carrie. Walang dahilan para sumuko ka pa."

Napaiwas ng tingin ang dalaga kaya agad na hinawakan ni Dev ang pisngi nito ng dalawa niyang kamay at iniharap sa kaniya. Mabagal at maingat ang kilos nito.

"Look at me," anito, tsaka huminga ng malalim. "You will survive, Carrie. Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo iyan? Gawin mo kaming rason para mabuhay kung wala ka nang mahanap. Nandito kami, dinala kami sa iyo para magpatuloy. Hindi mo ba napapansin?"

Nangingilid na ang mga luha ni Carrie, kaya mas pinili niyang yumuko na lamang. Hindi niya makayanan ang titig ni Dev --nasasaktan siya sa titig nito.

"Look at me," ulit nito.

"I-I can't. . ." sagot nito, tsaka humagulgol. "Hindi ko kayang titigan ang mga mata mong puno ng h-hinanakit --nasasaktan ako."

"Nasasaktan ako kasi nasasaktan ka," bulong ni Dev ng hindi pinuputol ang titig sa dalaga na humahagulgol lamang.

Mayamaya'y nilingon na siya ng dalaga, tsaka ngumiti sa pagitan ng paghikbi. "Iuwi mo na lang ako, hindi ba, I still have surprise for you? Sige na."

Napatango na lamang ang binata sa utos nito, tsaka unti-unting bumitaw sa pagkakakapit sa pisngi nito. Nagsimula na siyang magmaneho, tsaka nila tahimik na tinahak ang daan tungo sa bahay nina Carrie.

Tahimik at walang umiimik. Gusto na lamang mabingi ni Dev sa sobrang tahimik nilang dalawa ni Carrie buong byahe. Gusto niya itong kausapin pa at pangitiin, ngunit hindi niya alam kung saan sisimulan. Napapakagat na lamang siya sa kaniyang labi, upang pigilan ang pagka-frustrate sa paligd niya.

Tumigil sila sa harap ng isang napakalaking gate, tsaka ibinaba ang bintana nito. "Manong guard, puwede po naming ipasok ang kotse, ano po?"

"Ma'am Carrie?" nanlalaki ang mga mata ng guwardiya, kaya napakunot ang noo ni Carrie.

"Po? Ako po ito, manong! Kayo naman!"

Lalong nahuhulog si Dev sa ugali ni Carrie. Sa labas, sobrang masiyahin nito at napakagalang kahit hindi kamag-anak. Parehas lamang ang trato niya sa mga mababa kahit na angat ang kanilang buhay. Iyon nga lang, sa labas lang siya masaya, ngunit sa loob niya, umiiyak ang puso niya at kinakain ng lungkot.

Leaving Carrie WinsletteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon