End

153 9 2
                                    

"Good night, Carrie."

"If only I could turn back time," ani Dev sa harap ng maraming tao sa loob ng simbahan. Napakagat siya sa kaniyang labi upang pigilan ang pagluha. "If only. . . if o-only."

Kung ililibot mo ang iyong paningin, kaliwa't kanan ang maririnig mong mga paghikbi. Sa loob ng simbahan, nagtipon-tipon ang mga taong napamahal kay Carrie. Sa gawing kanan sa gilid ay nakaupo si Doctora Renny na nakatakip ang mukha ng puting panyo habang umiiyak. Sinisisi niya ang kaniyang sarili --hindi niya natulungan si Carrie.

Sa kabilang parte naman ay ang mga kamag-anak ni Carrie at nakasama sa school. Makikita mo si Kendra na nakatitig lang sa kabaong ni Carrie na nasa harapan --wala siya sa sarili at tila mapapanawan na ng ulirat sa labis na lungkot. She was about to talk to Carrie about her illness, ngunit sakto naman ang pagkawala nito na parang bula. Tutulungan niya sana ang pinsan ukol dito dahil marami na siyang nasagap na impormasyon upang makaiwas.

Ngunit huli na.

"She's a strong woman, ngunit paulit-ulit niya itong itinatanggi sa sarili niya hanggang sa malamon na siya ng kahinaan."

Si Diandra naman na kaka-break lamang sa boyfriend ay dumalaw rin. Suot ang makapal na shades, hindi niya pinahahalatang umiiyak siya dahil mas gusto niyang magpakatatag para kay Carrie na alam niyang pinagmamasdan siya sa itaas.

"She doesn't deserve the life she had."

Nasa likuran ang mga maids ni Carrie. Doon nakapuwesto si manang Lita na umiiyak din at hindi alam kung saan ibabaling ang lungkot na nadarama. Pagkatapos na mahanap ang anak ay siya namang pait ng naranasan nito sa isang iglap.

Ang ina ni Dev na kumupkop sa kaniya at nasa likuran ni Doctora Renny sa gawing kanan, akala niya ay magiging parte pa ng kaniyang pamilya si Carrie, ngunit sa murang edad ay binawian na siya ng buhay.

"Hindi pa kami isang buwang magkakilala, ngunit kilala ko na siya ayon sa puso ko." Huminga ito ng malalim at nagpunas ng luha. "Ginagawa niya ang lahat upang maging masaya ang mga tao sa paligid niya. . . that's her purpose in life. Nang makuntento sa ginagawa ay tinuluyan na niya ang sarili niya."

Lalong lumakas ang hagulgulan ng mga tao sa loob ng simbahan. Ito ang huling araw ni Carrie at mayamaya ay dadalhin na siya sa kaniyang huling hantungan.

Hindi nga katulad noon na puro sugat ang katawan, natatakpan na iyon ng magara niyang saya na suot.

Sa harapang bahagi naman nakaupo ang mag-asawang Winslette. Halata sa kanila na kulang na kulang sa tulog dala ng pag-aasikaso para kay Carrie. Halos mabaliw na nga ang ina nito dahil hanggang ngayon, hindi pa rin niya matanggap ang pagkawala ng kaisa-isahang anak kaya hindi makapagsalita sa harapan ng maraming tao.

"Gusto niyang makitang matatag tayo sa huling hantungan, ayaw niyang may taong malungkot; makiisa po sana tayo," anito, tsaka pumuwesto na sa inuupuan kanina.

Naging tahimik ang paligid, lahat ay pinipigilan ang pagluha.

Lahat sila, nagluluksa sa pagkawala ni Carrie. Tila ba isang masamang panaginip iyon para sa kanila.

Nagsimula nang dumating ang mga tauhan at dahan-dahang itinaas ang kabaong ni Carrie. Anim na lalaki ang nagbuhat tungo sa sasakyan na paglalagyan nito. Unang lumabas ang mga magulang ni Carrie at sumunod ang mga nasa ikalawang linya ng simbahan. Sunod-sunod silang lumabas at pinanatili ang kaayusan ng linya.

They respect Carrie's last day so much, pero noong nabubuhay, hindi nila nagawa.

**

Hanggang ngayon, naaalala pa rin ni Dev ang lahat ng nangyari. Napatitig siya sa lapida ni Carrie, tsaka ibinaba ang bulaklak na binili niya kanina sa nadaanang flower shop. Ngumiti ito, tsaka umupo sa tabi ng lapida nito. "Ngayong araw tayo nagkakilala. . . apat na taon na pala."

Biglang umihip ang napakalakas na hangin na ikinapikit ni Dev. "You're here," bulong nito, tsaka pinagpagan ang lapida ni Carrie.

"Parang kailan lang, kinukuwento mong iniwan ka nila at tinalikuran... ngayon, ikaw naman ang nang-iwan. Silly, Carrie."

Maya't maya ang ihip ng hangin, tandang nasa paligid lang si Carrie at nakamasid. Napabuntong-hininga si Dev, tsaka ngumiti. "I am happy for you. Nasa payapang lugar ka na kung saan kasama mo ang Diyos na yayakapin ka at ipaparamdam na hindi ka nag-iisa at hindi ka iiwan. Ano? Bumalik na ba ang paniniwala mo sa kaniya?"

Wala mang sumasagot, alam niyang naririnig ni Carrie ang lahat ng sinasabi niya. Nagpatuloy lamang siya sa pagkuwento maging ang achievements nito sa larangan ng pulitika. Ang mga pinaasa niyang babae na hanggang ngayon ay hinahabol pa rin siya. Napakarami niyang binaong kuwento para kay Carrie.

Sa loob ng apat na taon, ang ginugol lamang nito ay babae, pulitika at ang pagiging manunulat. Humingi siya ng pahintulot sa mga magulang ni Carrie na kung maaari ay i-kuwento ang naging buhay nito upang magsilbing inspirasyon sa mga nanghihina ang loob.

"I, we made it, Carrie! Ang dami nating natulungan sa kuwento mo!" masiglang balita pa nito, tsaka ngumiti. Mayamaya pa ay bigla na lamang tumulo ang luha nito na pilit niyang pinipigilan noong nasa kotse pa lamang siya.

"Sorry, hindi ko napigilan," anito, tsaka nagpunas ng luha.

Ilang oras siyang naglagi sa tabi ng lapida ni Carrie hanggang sa mapagdesisyunan niyang umuwi na. Papagabi na kaya kailangan na talaga niyang mamaalam.

"Paano ba iyan, Carrie. Hayaan mo, dadalaw ulit ako sa iyo sa makalawa at mas marami pa ang babaunin kong kuwento sa susunod. Dadalhin ko ang libro na naglalaman ng naging buhay mo at iku-kuwento ko sa iyo. Sigurado akong magugustuhan mo iyon."

Napatitig siya sa langit, tsaka ngumiti. "Carrie, katulad ng lagi kong sinasabi, you will always remain in our hearts."

End

March-May. If ever you're reading this.. sorry kung korni. masyado kong mindali... parang love. char! xx

Leaving Carrie WinsletteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon