She found a friend

119 7 2
                                    


---5

"Carrie, look around you. They care --they will always care."

Kadidilat pa lamang ng mga mata ni Carrie ay hindi na agad maganda ang reaksiyon ng mukha niya. Tila isang mapaglarong buhay nga ang mundo. Ang hindi niya inaasahang makikitang muli ay makakatagpo niya.

Sa mismong kuwarto pa niya, nakangiti at maayos ang damit. Halatang pinaghandaan ang pagdalaw rito.

"Happy friendsary, beb!" bati ng babae sa kaniya habang hawak ang bilog na cake --homemade.

"What the hell are you doing here?" naguguluhang may halong inis na bulong ni Carrie. Napayuko siya upang pigilan ang inis na nararamdaman dahil pagkatapos ng ilang taon ay nakita na naman niya ito.

Ngunit, pagkatunghay pa lamang ng kaniyang ulo ay nawala na ang babae sa harap niya; mag-isa na naman siya sa kwarto niya. Napailing siya at hindi na inisip pa ang nangyari. Tutal, wala na namang halaga sa kaniya ang nakitang babae kanina lamang.

**

"Ikaw na naman," mahinang bulong ni Carrie sa lalaking nakabangga niya na kasalukuyang pinupulot ang mga nalaglag niyang gamit. Tumingin sa kaniya ang lalaki, tsaka ito ngumiti ng matamis sa kaniya.

"You know. . . ang laki ng mundo para magtapo na naman tayo," dugtong ni Carrie, tsaka tumulong sa pagpulot ng mga gamit niyang nalaglag. Hindi kasi sinasadyang nasagi siya ng isang matandang nagmamadali at iniwan ang mga nalaglag na gamit.

Parehas silang natigilan nang maiwan ang nag iisang libro na sana'y pupulutin na agad ni Carrie upang hindi makita ng lalaki -- isang librong naging dahilan upang marinig niyang muli ang boses ng lalaki.

"You're reading this," bulong nito, tsaka tiningnan ang likod na bahagi ng libro. Napakagat sa labi si Carrie, tsaka iyon mabilisang inagaw mula sa lalaki.

"Yes, and thank you," sagot nito, tsaka tumayo at naglakad ng mabilis. Mayamaya pa'y nahila ng lalaki ang kaniyang braso dahilan upang mapatingin siyang muli --diretso sa mata nito.

"We can talk about your illness. Puwede kitang tulungan dahil naranasan ko na ang mga naranasan mo. Puwede kitang ibalik sa dating ikaw. Just please, stop reading that book kasi lalo ka lang mag da-drown sa depression."

Nais tumakbo ni Carrie palayo. Paano ba naman, she's reading a book about depression. Mga ilang kataga ukol sa depression na imbes na makatulong ay lalo lang siyang pinapababa. Gusto man niyang tigilan ang pagbabasa ay hindi niya magawa.

"You can't help me; the darkness just got me already," sagot nito, tsaka yumuko. Napailing ang lalaki tsaka iyon hinila. Nagpatianod naman si Carrie dahil mukhang matino naman ang lalaki at walang gagawing masama sa kaniya. Luminga siya sa paligid, umaasang wala siyang kilala.

"Bakit tayo nandito?" tanong niya, tsaka tumingin sa isang motor na nakaparada. Iniabot lang sa kaniya ng lalaki ang helmet nito at sumakay sa motor. Tila ba hinihintay nitong sumakay rin si Carrie kaya wala siyang nagawa kung hindi ang sumama na lamang.

"I sometimes wonder kung pipi ka ba or bingi. Bakit hindi ka sumasagot sa mga tanong ko at ngumingiti ka lang? Hangin ba ako?" Ramdam ang asar sa boses ni Carrie nang sabihin niya iyon.

"Hindi ka hangin. Kahit kailan, walang nag-isip sa iyo na isa kang hangin. Nakikita ka nila at pinahahalagahan. Huwag mo masyadong i-down ang sarili mo."

"Ang hangin ay mahalaga. Why would I let myself na ma-down?"

"You're letting yourself," sagot ng lalaki, tsaka pumarada. "Hindi isang hangin na mahalaga ang tinutukoy mo sa akin kanina. Ang tinutukoy mo ay isang hanging hindi nila nakikita --isang hanging hindi dapat bigyan ng atensiyon."

Leaving Carrie WinsletteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon