She's longing for love

104 8 2
                                    

---7

"Stop trembling, you're not dying."

Nang imulat ni Carrie ang mga mata ay napahinga agad siya ng malalim, tsaka kinuha ang isang basong tubig na nasa side table niya. Iyon kasi ang iniutos niya sa mga maids --mag-iwan ng tubig sa umaga para sa kaniyang paggising ay maiinom niya ito.

Ilang minuto niyang ikinalma ang sarili, tsaka umiling ng paulit-ulit.

Hindi niya alam kung bakit laging napapadpad sa kaniyang panaginip ang nasirang kaibigan at ang dating nobyo. Ilang araw na siya nitong binabagabag sa panaginip at ilang beses na ring nasisira ang umaga niya dahil doon.

Ayos naman sa kaniya kung biglang mapunta ang mga iyon sa kaniyang panaginip, ngunit ang hindi niya matanggap ay kung bakit ang mga masasakit na alaala pa ang sumasagi rito. Tila ba hanggang sa kaniyang panaginip ay pilit siyang ibinababa ng mga ito sa ilalim.

"Stop. . . please. . ." bulong nito habang nakatakip ang tainga.

Tinanggal niya ang pagkakatakip sa tainga, tsaka naiiling na tumayo upang pumunta sa banyo at maghilamos. Tumitig siya sa salamin upang siguraduhing wala na siyang dumi sa mukha at mabango na ang kaniyang hininga. Suot ang long sleeve at pajama, lumabas na siya ng kwarto. Hindi lang siya mapapakali kung mag-isa lang siya sa loob na iyon. Kailangan niya ng kausap upang hindi mag-isip nang mag-isip.

Ilang ulit siyang kumarap nang madaanan ang living room. Mas lumapit pa siya roon, tsaka muling kumurap-kurap. Hindi niya inaasahan na narito ang kaniyang ama at abalang nagbabasa ng diyaryo at nasa harapan ang isang basong juice. Kumurap siyang muli; tsaka lamang niya nakumpirmang tama nga siya ng nauulinagan at hindi namamalikmata lamang.

"Daddy?" hindi makapaniwalang sambit ni Carrie. Hindi niya inaasahan ang pagdating ng ama dahil ilang araw na rin itong huli kung umuwi at hindi na sila nagkakaabutan. Hindi na niya nakakasabay na mag-agahan ang kaniyang mga magulang, dahil sa labis na pagiging abala ng mga ito. Kung uuwi naman ay mga nakakain na at magpapahinga, tsaka aalis ulit. Ganoon na lamang lagi ang nangyayari kaya hindi makapaniwalang napatitig si Carrie sa living room kanina.

Hindi kumibo ang ama at tila ba may iniisip. Walang pag-aalinlangang lumapit si Carrie sa ama, tsaka umupo sa tabi nito. Sobra na siyang uhaw sa pagmamahal ng isang ama at ina. Labis na ang nararamdaman na sakit ni Carrie sa tuwing nangungulila siya sa mga magulang kaya dali-dali niya itong niyakap. "Namiss kita, Daddy! Sasabay ka bang mag-breakfast? Nasaan si mommy? Bakit ang aga po masiyado ng uwi niyo? After eating, you and mom should rest, okay?"

Kahit ganoon ang nangyayari ay hindi parin mawawala ang pag-aalala ni Carrie sa mga magulang. Ito ang bumuhay sa kaniya at nagpalaki kaya malaki ang kaniyang utang na loob sa mga ito.

Hindi pa rin kumikibo ang kaniyang ama na ikinataka niya. Mayamaya'y hinawakan siya nito sa braso. Isang mahigpit na kapit ang ginawa nito sa kaniya, tsaka marahas na inialis ang pagkakayakap niya rito. Nanatiling nakahawak ng mahigpit ang ama nito sa kaniyang braso. Tila ba sukdulan ang galit nito sa kaniya na ikinakunot ng kaniyang noo.

"Da-daddy, masakit," nanginginig na saad ni Carrie, tsaka umiyak nang umiyak dahil sa labis na kaba. Napalinga siya sa paligid ngunit abala ang mga katulong sa kusina at sa garden. Paulit-ulit siyang umiling sa kaniyang ama.

Napasinghap siya nang makatanggap siya ng isang napakalutong na sampal sa kaniyang kanang pisngi. Napatayo siya nang bitawan nito ang kaniyang braso --nagsisimula na iyong mamula. Napatingin ang ilang katulong sa lakas ng sampal, tila ba ang lahat ay hindi makapaniwala.

"B-bakit po?" mahinang bulong nito, habang sunod-sunod na tumulo ang kaniyang mga luha. Nakaramdam siya ng dugo at doon lang niya napagtantong dumudugo pala ang labi niya.

Leaving Carrie WinsletteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon