She doesn't believe in him

147 10 1
                                    

---3

"God where are you? Carrie needs you."

Nanginginig na bumaba si Carrie ng kotse. Nasa harap siya ngayon ng simabahan na malapit lamang sa hospital na pinanggalingan niya. Nanginginig siyang naglakad papasok pa ng gate, hindi alintana ang mga nakatingin sa kaniya.

"God, where are you?" naiiyak niyang bulong sa sarili, habang lumuluha. Wala siyang pakialam kung umaagos na ba ng sobra ang luha. Basta, nilalabas niya ang mga hinanakit niya. Hindi pa naman nag-uumpisa ang misa at mukhang napaaga siya. Iilan pa lamang ang mga tao sa paligid na tila abala sa kani-kanilang ginagawa.

Naupo siya sa gilid --malayo sa mga tao. Nakayuko lang siya habang humihikbi. Alam niyang nagtataka na ang iba. Ang iba nga ay iniisip na hiniwalayan daw siya ng boyfriend kaya ganoon umiyak. Wala siyang pinansin ni-isa sa mga nagsasalita. Nanatili siyang nakayuko.

"Malapit na akong hindi maniwala sa iyo," muli niyang bulong sa pagitan ng paghikbi. Nagulat na lamang siya nang mapansing may katabi na siya. Iniaabot nito sa kaniya ang panyo nitong puti.

"Binabantayan niya tayo," nakangiting sabi ng lalaki, tsaka muling humarap sa harapan ng simbahan kung saan naroon si Hesus na nakapako sa krus. "I know, marami kang pinagdadananan, pero hindi gagaan ang bagahe kung hindi binabawasan at ipinamamahagi sa iba. You can talk to me if you want."

Nakatitig lang sa kaniya si Carrie na tila ba nag-iisip. Mayamaya'y umiling na lamang siya at hindi tinanggap ang puting panyong ibinibigay ng lalaki sa kaniya. Bumalik siya sa pagkakatungo at humikbi nang humikbi.

"Alam mo, walang mangyayari kung patuloy mong iiyakan ang isang bagay."

"You d-don't know everything," sa unang pagkakataon ay sumagot si Carrie na may halong panginginig.

"Oo, dahil hindi ako Diyos," sagot naman ng lalaki, tsaka ngumiti at muling humarap sa kaniya.

Umiling-iling si Carrie. "Hindi mo alam kung gaano kahirap na mag-suffer sa ganitong sitwasyon lalo pa at iyong mga inaasahan mo, iniwan ka --tinalikuran."

"I know the feeling."

Napapitlag si Carrie sa isinagot ng lalaki. Itinaas nito ang suot na blue'ng long sleeve na ikinagulat lalo ng dalaga. "Yes, I'm using blades, sharpener but after cutting, I smile." Muling itinaas ng lalaki ang kabilang long sleeve nito. Ngumiti muna siya kay Carrie bago muling nagsalita, "Let me rephrase what I've said earlier. I used to cut. But one day, I just put a semi-colon on my wrist."

"What's the use of that?" naguguluhang tanong nito, tsaka umiling-iling. "Nah, kung gagawin ko iyan, walang saysay," sagot nito, tsaka umalis sa harapan ng lalaki.

Sa huling pagkakataon, lumingon siya sa simbahan bago tuluyang pumasok ng kotse. "I still have you? Utot, hindi na. Pamilya ko nga at kaibigan, tinalikuran ako at hindi man lang nag-isip kung totoong masaya ako, ikaw pa kaya? God, kaunti na lang ang pinapaniwala mo."

Napangisi siya sa sinabi. Pinaandar na niya ang kotse pauwi. Huminga siya ng malalim, tsaka napa-iling nang biglang pumasok sa utak niya ang mukha ng nakangiting lalaki habang pinapakita ang semi-colon sa wrist nito.

"No use."

**

"Carrie, saan ka galing?" tanong ni Kendra na nakaupo sa sala nila. Tumabi sa kaniya si Carrie at nagbigay ng pekeng ngiti.

"Church," tipid na sagot nito at ngumisi. Naalala na naman niya ang nangyari kanina.

"Wow, maka-Diyos ang bruha!" ani Kendra, tsaka ginulo ang buhok ni Carrie. Biglang sumama ang mukha nito kaya napatigil si Kendra sa ginagawa sa pinsan. Lalong lumakas ang paniniwala nito sa nangyayari kay Carrie.

"Seems like, these past few weeks, marami kang inaalala," pag o-open ni Kendra sa pinsan na ngayo'y tahimik na. Nawala ito sa mood nang sabihan siya ni Kendra ng maka-Diyos. "Ganito, next week, simba tayo, ha? Miss na kitang kasama."

Umiling lang si Carrie tsaka binuksan ang TV. Napakagat si Kendra sa labi, dahil sa inaasal ng pinsan. "Carrie, patingin ng braso mo."

Nakita nito ang pagtigil ni Carrie. Napatango ng lihim si Kendra, dahil unti-unti niyang nakukumpirma ang nangyayari sa pinsan. Gusto niyang maiyak dahil sa pinagdarananan nito ngunit hindi niya magawa.

Hindi sila dapat kinakaawaan dahil mas lalo silang mada-down.

"Kendra, pagti-tripan mo lang ang braso ko so, no," diretsong sagot lang ni Carrie at pinipilit na huwag mautal.

"Hindi, promise."

"Kendra, I said no!" sigaw ni Carrie, at unti-unting lumayo sa pinsan na ngayo'y hinihila na siya upang makita lamang ang braso.

Hindi nagpatinag si Kendra at mas lalong lumapit kay Carrie. Ilang minuto silang nagsisigawan at nagpipilitan doon hanggang sa hindi na makayanan ni Carrie ang ginagawa ng pinsan. Napaiyak ito at nagtago sa likod ng sofa na nasa gilid nila.

"Y-you'll jud-judge me..." humihikbi, at papahinang sagot ni Carrie sa kaniya. Hindi na napigilan pa ni Kendra ang luhang kanina pa pinipigilan dahil sa labis na awa sa pinsan.

"Hindi, Carrie. Naiintindihan kita."

"Sinasabi niyo lang iyan para hindi sumama ang loob ko. When truth is, nasa isip niyong nakakahiya ako at kaawa-awa."

Nilibot ni Kendra ang paligid. Masuwerte silang walang nakakakita sa nangyayari. Ngumiti siya ng matamis sa harap ng pinsan at lumapit. Umupo ito sa harap nito at pinunasan ang rumaragsang luha kay Carrie.

"Carrie, hindi ako katulad ng iniisp mo. Iba-iba ang takbo ng utak ng tao. Kung may tao mang nanghusga sa iyo noon tungkol sa nararamdaman mo, ibahin mo ako." Ngumiti si Kendra sa pinsan --isang totoo at may halong sinseridad.

"Kendra..."

"Carrie, pinsan mo ako at naiintindihan kita. Carrie, sabay tayong lalaban sa nararamdaman mo. Alam kong matatag ka at hindi mo hahayaang kainin ka ng mga nararamdaman mo ngayon. Alam kong hindi ka magpapatalo sa kadiliman sa halip ay ilalabas pa ang liwanag. Carrie, malakas ka," seryosong ani ng pinsan kay Carrie.

Hindi makatingin ang dalaga sa kaniya ng diretso dahil sa sinabi nito. Tahimik lang silang dalawa na tila ba walang tao roon. Mayamaya pa'y biglang tumayo si Carrie. Patakbo itong umakyat ng hagdan upang iwan si Kendra na nabibigla pa rin.

Tinamaan siya sa sinabi ng pinsan. Muli siyang tumingin sa harap ng salamin sa kaniyang kuwarto. Wala siyang nakikitang kahit na anong marka ng sugat sa buo niyang katawan dahil sa balot na balot siya ng damit. Nanatili lang siyang nakatayo habang pinapanood ang mga luha na rumagasa

Pilit niyang ipinapasok sa sarili ang sinabi ni Kendra maging ang nangyari kanina sa simbahan. Pumikit siya ng mariin, ngunit isang kataga lamang ang tanging pumasok sa utak niya.

"Si Carrie? Tanga at mahina. Napakaawalang kwenta."

Dumilat siya sa naalala hanggang sa mapaupo na lamang dala ng labis na sakit sa naalala.

Pilit niyang nilabanan ang katagang pilit siyang nilalamon. Muli niyang ipinikit ang kaniyang mga mata dahil sa naglalaro at ayaw umalis na kataga sa utak niya. Tila ba nilalamon na siya nito at ayaw nang pabalikin pa sa normal na siya.

Araw-araw ay ganito. Kahit na palakasin niya ang kaniyang loob ay naaawa lamang siya sa sarili niya dahil ang kalaban ang laging nananalo. Naiiyak na lamang siya dahil kahit kailan, hindi niya malabanan ang katagang laging nagbibigay pasakit sa kaniya.

Kahit alam niyang wala nang pag-asa ay pilit niyang nilalabanan ang naririnig, ngunit walang nangyayari. Sa pagtatapos ng araw ay kailangan na naman niyang tanggapin sa kaniyang sarili na talo siya at wala nang pag-asa pa. Talunan si Carrie. Walang kuwenta at tanga si Carrie.

She's hopeless.


Leaving Carrie WinsletteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon