She'll leave

110 8 3
                                    


I gave you blood, blood, gallons of the stuff,

I gave you all that you can drink and it has never been enough.

I gave you blood, blood, blood,

I'm the kind of human wreckage that you love!

Tumigil si Carrie sa pintong nadaanan, tsaka sumilip. Doon niya nakita ang isang seryosong-seryosong mukha ni Dev habang nakikinig sa isang musika. Hindi na niya napigilan pa ang kaniyang sarili at pumasok sa kwarto nito.

"So. . . you're listening to MCR?" she asked, trying to make a conversation with him. Hindi niya alam kung anong pumapasok sa utak niya at hinayaan na lamang niya iyon. Dumiretso siya sa sofa nito at nakinig na lang muli sa sumunod na kanta.

"Yes, ikaw rin?" he asked.

"Not really. Well, nakikinig naman ako noon, pero hindi iyong tipong nag fa-fangirl ako. You know, there's something weird between the lines of their songs. Parang kailangan mong ilagay sa puso mo at malalaman mo ang nakatagong ibig-sabihin. I used to listen to their songs whenever I feel so alone, but I stopped." She sighed heavily, as if there's something inside her that wants to come out.

"Why did you stopped?" Napakunot ang noo niya sa pagtataka sa ginawa ni Carrie. Para kay Dev, ang kanta ng My Chemical Romance ang tanging pampakalma ng mga kinakain ng dilim na tao.

She tilted her head, trying not to connect her eyes with Dev's. "Nothing happened, mas na-drown pa ako sa kalungkutan."

Napaawang ang bibig ng binata, tsaka tumitig sa kaniya ng mabuti na parang may kinakalkal sa sistema niya, kaya lalo siyang napaiwas ng tingin.

"Well, I guess, mahilig kang mag-self pity. I hate that thought, pero seems like, iyon naman talaga. Huwag mong ibaba at kaawan ang sarili mo."

"I know, but I don't know how to stop it. Nakasanayan nga kaya mahirap bitawan." Nagkibit-balikat siya at tumitig sa speaker. "Anong tingin mo sa kantang Blood? Sa tingin mo, ano bang pinapahiwatig niyan?"

He smiled, then searched for the song again and played it.Pinakinggan nila ito ng sabay. Muli siyang ngumiti kay Carrie. "Binigay mo na lahat ng best mo, pero may kulang parin."

"That's all?" she asked, still finding an answer from Dev.

"Yes, ano pa bang dapat kong idagdag upang mapahaba e, iyon lang naman talaga ang pinapahiwatig? Binigay mo ang best mo, pero may hinahanap-hanap pa rin sila. Parang sa pagkain, may sangkap silang hinahanap upang matuwa sila at masarapan. Hindi sila na sa-satisfy sa kung anong meron ka at kaya mong ibigay. Iyan, mahaba na."

Tumango-tango si Carrie, tsaka tumitig ng mabuti kay Dev. "You're smart."

"I am!" proud na saad nito, kaya inilibot ni Carrie ang mga mata. What surprised her the most was his room full of medals.

Tumitig itong muli kay Dev, tsaka napapalakpak. "Oh my God! Seriously, ikaw pa lamang ang nakikita kong lalaking ganito karami ang natatamo! Like, If I were your mother and father, isisigaw ko sa mundo kung gaano kareponsable ang anak ko!"

He laughed hard, then looked at his medals. "I am proud of myself, too for having those medals. Pangpalakas ko ang mga natamo ko."

Tumango na lamang si Carrie rin.

"Carrie, hindi mo ba tatanungin ang pangalan ko?" Dev asked out of the blue. Muling napatitig sa kaniya si Carrie tsaka umiling. Shock was written all over his face. "Why not?"

Leaving Carrie WinsletteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon