She's Not Afraid of Dying

184 10 1
                                    

---2

"Carrie, you're so pretty, don't feel so insecure."

Bakasyon pero ito si Carrie, suot ang salamin at nakaharap sa laptop. Bumuntong-hininga siya, tsaka humiga sa kama. "I'm so done doing these shits!"

Pinagsama-sama niya ang mga papeles na nakakalat at inilagay sa side table. Hinarap niyang muli ang laptop at nagbukas na lamang ng facebook upang ibalik sa sarili ang sigla sa paggawa ng proposal ng isa sa mga pinsan niya.

Labag sa loob niya ang proposal na iniutos sa kaniya ng pinsan. Naiisip kasi niya na minsan, tine-take for granted na lamang siya ng mga ito --nilalapitan kapag may kailangan.

Iyon ang isa sa mga dahilan kaya iba-iba ang nararamdaman niya. Kinakain siya ng lungkot habang iniisip na ginagamit lang talaga nila ang utak niya at hindi itinuturing na kamag-anak.

"Crap." Tinitigan niyang mabuti ang screen ng laptop niya tsaka ngumiti ng malungkot. Nati-trigger na naman ang sistema niya na saktan ang sarili niya.

Nakita lang naman niya sa screen ang mukha ng babaeng sumira sa buhay niya. Tumikhim siya at pilit na pinakakalma ang sarili. Talagang nakahalik pa sa pisngi ng babaeng sumira sa buhay niya ang lalaking isa sa mga minahal niya.

Nasasaktan siya.

Napaharap muli si Carrie sa malaking salamin. Nakita niya ang kaniyang pagmumukha. Hindi hamak na mas nagagandahan siya sa babaeng nakita sa screen kanina kaysa sa kaniya --inggit na inggit siya.

"Hindi ba ako maganda?" Hindi niya napigilan ang mapaluha. Rumagasa ang mga iyon sa pisngi niya kasama ang nasisira niyang make-up. Labis na lungkot at awa sa sarili ang nararamdaman niya.

"Sobrang ganda ba niya at ako ay maganda lang?" muling tanong niya, at hinawakan ang mukhang makinis.

"Am I not enough?"

"Anong kulang?"

"Heavy make-ups?"

"Long and curly eyelashes?"

"Makapal na eyebrow?"

"What? Tell me, please. . ."

Araw-araw na ganito. Araw-araw siyang napapaluha habang nai-insecure sa mga babaeng mas lamang sa kaniya. Araw-araw na napapaupo na lamang sa harap ng salamin habang minamasdan ang sarili.

The more she wants to unfollow that girl, the more she feels so afraid.

Ayaw niyang magmukhang mahina kahit na mahina naman na talaga siya. Oo, pa-strong parin kahit hindi na kaya. Masokista at tanga. Unfollow lang naman, malalaman ba ng babae?

But no, Carrie stood up as she went infront of her laptop again. Nakalagay parin doon ang naging dahilan ng lahat-lahat. She pressed the like button para magmukhang malakas.

Pa-stong ngang talaga.

Imbes na humarap sa salamin at saktan ang sarili, pumunta siya sa closet upang humanap ng mainam na damit --hindi makikita ang mga sugat niya.

Nang makapag-ayos, lumabas siya ng kuwarto at hinayaan ang proposal doon. Marami naman siyang maaaring idahilan. Mas bata naman siya sa pinsan at papaboran naman.

"Saan ang punta mo po, ma'am?" puna sa kaniya ng isang katulong habang hawak ang mga kubyertos na ginamit kagabi sa party ng pagka-valedictorian niya.

Ngumiti ito ng matamis sa katulong katulad ng nakasanayan niya upang hindi mahalata. "Riyan lang po, magliliwaliw. Pakisabi na rin po kina mommy at daddy kasi iiwan ko na lang ang cellphone ko." Kahit hindi. Dahilan lang niya iyon upang kahit gabihin ay hindi siya susugin.

Leaving Carrie WinsletteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon